Chapter 14 (Peace)
Aika's POV
Andito ako sa kotse ni Kristine ihahatid nya ako pauwe. Hindi kase nareply si Shon. Medyo late na rin kase dahil nagkaroon ng gulo sa SH dahil kay Kenylee.
Kaya heto ihahatid ako ni Kristine pauwe.
"Ilang months na kayo?"tanong ko kay Tin habang nagdridrive sya. Ang tahimik kasi.
"Nino? Nung bwisit na Zhem na yun?"iritang sabi nya.
Hmm I smell something fishy! LQ pa rin hanggang ngayon?
"Yep may iba ka pa ba?"pagbibiro ko.
"Wala no!"
"Haha alam ko. Eh gaano na nga kayo katagal?"pangungulit ko.
"Uhm 2 yrs. And 10 months."
"What? Grabe! Ang tagal nyo na pala!"di makapaniwalang sabi ko.
"Haha. Ganun?"
Tumango naman ako. "Hmm bakit kayo magkaaway?"
"Nope. We're not."pagtanggi nya.
Sus! Halata kaya! Haha.
"Wag ako Tin. Dalii na? Bakit?"makulit talaga ako.
"Kaibigan nya lang daw yun pero kung makadikit sa kanya ugh! nakakairita! Daig pa nya higad at ahas!"hindi pala mag kaaway huh?
"Eh sino ba yung girl? Baka naman kaibigan lang talaga?"tanong ko.
"Si Danica. Yung babaeng maarte at matara-" hindi ko na sya pinatapos.
"At mataray right? Yeah I know her."
"Ahh. Oo yun na nga! Ang landi nya huh? Grabe lang. May girlfriend na yung tao nilalandi pa. The fudge!"natatawa nalang ako kay Kristine.
"Oh bakit ka natawa jan? psh!"ay napansin pala ako. Haha!
"Haha kase naman! Yan ang hirap sa may gwapong boyfriend andaming lumalandi."sabi ko.
"Tama ka be. Ugh! Nakakainis talaga! Tapos one time nga ni try ko sugudin yung girl aba ang loko! Pinagtanggol pa sya ni Zhem! bahala sila! Magsama sila!"ayan na galit na si Kristine.
"Kung nararamdaman mo naman na mahal ka nya edi go! Pag laban mo."
"Nanlalamig na kase sya eh. Tapos nung kinausap ko sya ayaw nya daw akong mawala tapos ganun sya. Ano to tangahan?"Kristine
"Sabihin mo sa kanya alagaan ka nya ng tama kung ayaw nyang mawala ka sa kanya."napahugot tuloy ako.
Sasagot na sana si Kristine pero may napansin ako nung malapit na kami sa bahay.
"Teka. Car nila Mom and Dad yun ah!"Andito na kase kami sa may kanto bago yung bahay namin ni Shon.
Napansin ko agad yung car nila.
Anong ginagawa nila dito?
Kinakabahan ako na parang ewan.
Feeling ko may plano na naman si Dad na hindi ko magugustuhan.Nagpasalamat ako kay Kristine at umalis na rin naman sya.
"Hon!"napatingin naman ako kay Shon na nanlalaki yung mata.
"Eh?"react ko.
"Baby girl there you are."malambing na sabi sakin ni Mom.
"Nicole." Napalingon naman ako kay Dad. Kinakabahan talaga ako.
"Hi mom,dad. What are you doing here?"kumiss ako sa pisngi nila.
"Its your birthday on Saturday baby girl remember?"sabi ni Mom
Oo nga pala. Birthday ko na sa sabado nakalimutan ko masyado na akong nafocus sa paligid ko.
"Oh mom I forgot. So dad do you have plan?"kilala ko na si Dad lagi naman siya yung nasusunod.
"Ofcourse. On your 18th birthday Nicole we will also announce and celebrate the engagement party of the two of you."may mga ngiti sa labi ni Dad.
Kokontra na sana ako pero pinigilan ako ni Shon sa pamamagitan ng pag hawak nya sa kamay ko at pag pisil dun.
Katabi ko sya at nakahawak sya sa kamay ko.
Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.
-
-
Kristine's POVAfter kong ihatid si Aika sa kanila umuwe na ako.
Nakita kong nasa sala sila Tita,Mama and Kuya.
"Oh anjan ka na pala. Kumain ka na. May tinira kaming ulam sayo nasa lamesa sa kusina."sabi ni Mama habang nakatutok sa TV.
"Dalii na Kristine kumain ka na dun... haha!"sabi ni Kuya. Anong problema nun? Ang weird nya ngayon.
Parang excited sya na kumain ako na hindi ko maintindihan? Baliw lang.
Pumunta nalang ako sa kusina.
Nagulat ako sa nakita ko sa kusina... naisip ko agad kung sino ang gumawa nito.
Ang daming pagkain na mga gusto ko. In short lahat ng favorite kong pagkain andito.
Adobo, Fried Chicken,Kaldereta,Hotdog,Isaw,Queck queck,Tikoy,Ice cream,Grahams,Buko Salad,palitaw,cassava chips at Chuckie.
Tapos dun sa pader may banner na nakasabit may malaking SORRY KRISTINE dun tapos yung background eh lahat ng pictures namin. Lahat sweet.
Naiiyak ako. Gosh! Biglang may lumitaw na bulaklak sa harap ko galing sa likod. Haharap na sana ako pero bigla nya akong niyakap.
Back hug.
Kinuha ko yung bulaklak at humarap na kay Zhem.
Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa may batok nya. Nagegets ba? Yung parang nakayakap ako sa kanya.
"Sorry Kristine. Wag ka ng magselos ha? Ikaw lang naman mahal ko eh."sincere na sabi nya.
"Sorry din po kung naging paranoid na naman ako. Haha okay na tayo ha?"sabi ko at niyakap sya.
"Sabi ko na eh hindi mo ko matitiis!"ngumisi sya.
"Ang yabang mo!" Sabay hampas ko sa kanya nung bulaklak na hawak ko. Boquet of roses sya white and red." Pasalamat ka mahal kita!"sabi ko at natawa nalang.
"I love you too."sabi nya at hinalikan ako sa noo. Sweet.
Napansin ko naman sila Mama,Tita at Kuya na nanunuod samin.
Kaya naman pala weird si Kuya Haha.
Nag okay sign sakin si Kuya at nag thumbs up din ako.
---------------02/08/16--------------
-Jhazzade 💜
BINABASA MO ANG
Afraid To Fall In Love Again
Genç KurguNagmahal at Nasaktan Nagtiwala pero nasira Umasa pero nagmukhang tanga Love makes people afraid Afraid to hurt again Afraid to betrayed again Afraid to trust again And mostly Afraid to Fall in Love Again. Kaya mo pa ba ulit magtiwala kung minsan na...