Chapter 19 (Courting/Birthday)
Aika's POV
Anong meron? Hmmm wala naman. Birthday ko lang bukas. Pero yung feeling ko kasi parang iba yung atmosphere? Parang ang ginhawa sa pakiramdam.
Bumangon na ako. It's friday at dahil friday ngayon ang ganda ganda ko ang sexy ko pa! pagbigyan nyo na. Friday naman eh. *pout*
May pasok nga pala ako. Bumaba na ako para kumain ng umagahan.
Nadatnan ko sa dining ang breakfast pero wala si Shon. Para namang may part sakin na nalungkot.
May napansin akong sticky note sa gitna ng table sa flower vase.
Hi Aika. Good Morning :) kumain ka na. Sorry hindi na kita nahintay. Late na kasi ako e. Tk'cr always. I love you<3<3<3
Psh. Iniwan talaga ako? Ganto pala sya manligaw. Pwe! Hindi man lang ako ginising. Ni hindi man lang ako ihahatid sa school. Ganyan ba ang nanliligaw? Fvck. Nasira mood ko sa kanya. Kala mo naman gwapo well gwapo nga. Hmp! Sama talaga ng ugali!
Kain.
Kain.
Kain.
Masarap talaga kumain lalo na pag badtrip.
Naligo na ako at ginawa ang daily routine ko. Ready to go! Medyo late na pala ako. Pero okay lang maganda naman ako-oppss! It's friday :D
Pinark ko na ang kotse ko at naglakad sa corridor. Wala na masyadong mga istudyanteng nakakalat. Time na eh pero ako? I dont care.
Pagdating ko sa room nakasara yung pinto. Himala tahimik ata lahat?
Pagbukas ko. "Good Morning Aika!"
Nagulat ako sa pagbati nila sakin. Anong meron? Okay binabawi ko na. Hindi sila tahimik. Nagsigawan na po sila yung iba parang kinikilig pa.
Oh ano to? Patungan na ba ngayon ang desk ko? May nakaupo lang naman kasi na Teddy Bear at may nakapatong na bouquet of roses sa desk ko. Meron ding isang heart-shaped balloon na nalipad ang nakatali sa sandalan ng upuan ko.Bakit may ganto?
Lumapit ako sa desk. Naghiyawan na naman ang nga kaklase ko.
"Go Aika! Para sayo yan."Sigaw ng isa kong kaklase.
"S-sakin?"turo ko sa sarili ko.
Nagtanguan naman silang lahat. Kinuha ko yung Flowers at inamoy amoy. May napansin naman akong nakaipit na papel sa Teddy bear. Kinuha ko yun at binasa.
I hope you liked it.
Kahit walang pangalan alam ko na kung sino may gawa nito. Sa isang iglap parang nawala lahat ng galit ko. Napangiti ako sa nabasa ko.
Nagkagulo na naman ang mga kaklase ko. Nag iritan na naman sila. Ano bang meron?
"Kaya hindi kita ginising para maayos ko yan. Sorry kung nagalit ka."
May nagsalita sa likod ko at lalong gumulo ang mga kaklase ko. I know his voice. It's him. Lalo tuloy lumawak ang ngiti sa labi ko pero agad ko din itong tinago bago humarap.
"Bakit may ganto? Ano to? At bakit nandito ka?"nilingon ko sya. Nagtataray ako para hindi mahalatang kinikilig ako. Dapat pakipot muna diba? Dapat ganyan tayo girls.
Hindi nya ako sinagot instead ngumiti lang sya at naglakad palabas ng room.
"Wait!"Pinatong ko ulit ang flowers at hinabol ko sya. Problema nun?
Habang papalabas ako may batang nagbigay sakin ng maliit na paper bag. Tatanungin ko pa sana sya kaso tumakbo agad sya. Base sa uniform nya eh 1st year student lang sya.
Tiningnan ko yung laman nung paper bag. May laman tong chuckie at choo choo. Favorite ko to ah.
BINABASA MO ANG
Afraid To Fall In Love Again
Teen FictionNagmahal at Nasaktan Nagtiwala pero nasira Umasa pero nagmukhang tanga Love makes people afraid Afraid to hurt again Afraid to betrayed again Afraid to trust again And mostly Afraid to Fall in Love Again. Kaya mo pa ba ulit magtiwala kung minsan na...