"I love you Aika my one and only."sabi ni Russel at niyakap ako. Niyakap ko rin sya.
Sya na talaga. Sya na ang taong maghihintay sakin sa dulo ng altar at makikita ko pag gising ko sa umaga. Kakabitan ko ng necktie pag papasok na sya sa trabaho. Ang sarap lang isipin na mahal ako ng taong mahal na mahal ko. Korni sabi ng iba pero pag ikaw na ang tinamaan ni kupido ewan ko na lang.
*Bzzzzzttt bzzztttt*
Napabangon ako bigla ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko."Hello?"
Kyyaaah Aika! I have something to tell you. Can i go there?
"Nemz? Ugh! Alam mo bang 6 am pa lang?"
Inend ko na yung call dahil inaantok pa talaga ako.
Babalik na sana ako sa pagtulog ng maalala ko yung panaginip ko. Sya nanaman! Hanggang kelan ba ako guguluhin ng nakaraan?
"GOOOOD MORNING AIKA!"
Napatalon ako sa kama ko sa gulat.
"Punyetang palakang dumating! Ano ba naman Nemz! Wag ka nga naggugulat jan!"pag saway ko kay Nemz.
Sya ang nag iisa kong kaibigan na natitiis ang ganto kong ugali.
Si Nemmie Kate Velasco pareho kaming 4th year high school at 17 years old."Kung hindi ba naman sobrang lalim ng iniisip mo eh di sana naramdaman mo man lang na dumating ako."
"Che! Bakit ba nandito ka?"tanong ko nalang para maiba ang usapan.
"Remember? Tumawag ako sayo."
"Oo nga pala. Anyways thanks to you."
Naging puzzled naman yung mukha nya.
"Tumawag ka. Nagising ako sa masamang panaginip so thanks."paliwanag ko.
Napatango nalang sya. Di siguro na gets. May pagkaslow din kasi to eh.
-
-
-
-
-Hays mag isa nanaman ako dito sa Condo unit ko. Kaaalis lang ni Nemz. Makikipagkita pa daw sya sa boyfriend nya.
Bakit ba halos lahat na lang ng tao nababaliw sa love? Eh papaasahin at masasaktan lang naman sila dahil sa lintik na love na yan. Opps! Hindi ako bitter. Minsan na rin akong nagmahal at nasaktan kaya takot na akong maulit ulit ang nangyare noon.
Ano ba to! Bakit ba bigla bigla ko nalang naiisip ang mga gantong bagay? Aika nakamove on ka na okay? Alam mo yan sa sarili mo.
Baliw na yata talaga ako at pati sarili ko nagagawa kong kausapin.
-
-
-
-
"Aray!" Napaupo ako sa sahig sa tigas ng nakabangga ko. Tao pa ba to?"Tatanga tanga kasi. Tabi dadaan ako."cold na sabi ng lalaking nakabangga sakin.
Aba walang modo to ah! Ako na nga yung natumba sya pa tong galit at mayabang!
Tumayo ako at dali dali syang hinarang.
"Anong problema mo miss? Kaylangan mo ng pera? Magkano ba?"tanong nya habang dinudukot yung wallet nya sa bulsa.
"What? Anong tingin mo sakin namamalimos? Duh! MAYAMAN ako! Di ko kaylangan ng pera mo. Ang kaylangan ko yung sorry mo. Aba binangga mo ko tapos ikaw pa tong galit eh ako nga tong nasaktan eh."dere- deretcho kong sabi para di sya makasingit. Hiningal ako dun ah.
"Tsk! Daldal." Aba inisnob ang beauty ko! Tiningnan nya lang ako ng masama at nilampasan.
Hmp! Ang malas ng araw na to!
Sa condo kung ano ano naiisip ko kaya nga pumunta ako dito sa mall para maglibang then what?
Ugh! Bwisit talaga.Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang tumitingin tingin sa mga botique.
Dumiretcho ako sa Jollibee para kumain ng lunch.
Habang umoorder ako nakita ko si Nemz at si... sino yun? Yun na ba yung boyfriend nya? Nakatalikod kasi kaya di ko maitsurahan yung lalaki.
Lalapitan ko nalang sila mamaya pagkatapos kong unorder.
-
-
-
-"AIKA?" Gulat na tanong sakin ni Nemz nang lumapit ako sa kanila para makishare ng table at syempre manggulo kasi walang forever. Ayoko lang kasi na pati kaibigan ko saktan ng mga walanghiyang lalaki.
"Oh bakit ganyan mukha mo Nemz? Haha!" Sabay upo sa vacant seat.
"Ah eh.... ano.... ahm bigla bigla ka nalang kasi uhm... sumusulpot oo yung nga hehe." Eh? Ang weird huh?
"Ah ang boring kasi sa condo you know na. Isasama sana kita kaso... diba makikipagmeet ka pa sa boyfriend mo? Eto na ba sya?" Tumingin ako dun sa lalaki
Biglang nanlaki yung mata ko.
"Sya yung boyfriend mo????" Medyo pasigaw na tanong ko kay Nemz.
Sya? Bakit sya? Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo why him?
"HAHAHAHAAHAHAHA" eh Seriously? Bakit biglang tumawa itong si Nemz?
"Bakit Nemz?"pagtataka ko.
"Hindi ko kasi sya boyfriend. Hahaha!"
Napanganga naman ako sa sinabi ni Nemz. Okay ako na ang napahiya ang OA ko kasi.
"Ah hehehe uhm.. eh ano mo sya?" Nahihiyang tanong ko sabay tingin dun sa lalaki.
"Ah si Shon yan. Pinsan ng boyfriend ko. Hihihi kakauwe nya lang kasi from Canada. Shon this is my beastfriend." Pinandilatan ko naman si Nemz dahil sa sinabi nya. Di ako beast no baliw talaga to.
Magpapakilala na nga lang ako kahit na SOBRANG labag sa kalooban ko. Ayoko naman maging rude.
"Aika Nicole..."Ngumit ako ng fake saka inabot yung kamay ko.
"Okay." Aba't talagang iniinis ako nito ha! Ano bang problema ng lalaking to? Kanina binangga na ako tapos di man lang nagsorry then now nakikipagshake hands ako inisnob nya.
"K. Nemz Alam mo ba kanina may nakabangga ako. Grabe! Nemz nako kung andun ka nasuntok mo na yung guy. Sobrang rude kase. Yung tipong SYA na nga yung nakabangga sya pa yung galit at ayaw magsorry." Tumitingin ako kay Shon habang nagkwekwento ako kay Nemz.
Siguro naman alam nyang sya yung pinariringgan ko."Omg is that true? I hate that boy. He hurt you Aika. Dapat sinapak mo na... kung ako yun ewan ko nalang kung makakauwe pa syang buhay." Yan ang bestfriend ko. Mahal na mahal ako. Pasimple akong sumilip kay Shon na nakikinig sa pinaguusapan namin. Kitang kita ko yung noo nya na sobra makakunot. Hahaha kala mo ha! Di ako papatalo sayo. Nakita nya akong nakatingin sa kanya kaya inirapan ko sya at nagkwento ulit kay Nemz about what happened lately.
-------------12/20/15-------------
BINABASA MO ANG
Afraid To Fall In Love Again
Fiksi RemajaNagmahal at Nasaktan Nagtiwala pero nasira Umasa pero nagmukhang tanga Love makes people afraid Afraid to hurt again Afraid to betrayed again Afraid to trust again And mostly Afraid to Fall in Love Again. Kaya mo pa ba ulit magtiwala kung minsan na...