Chapter 4 (Under the Same Roof)
Aika's POV
Dad
Incoming call...Di ko alam kung sasagutin ko ba o hindi pero sa huli sinagot ko na rin. Baka lalo lang magalit si Dad sakin eh.
"Dad?"
Nicole, pumunta ka sa ***** coffee shop. I have something to tell you.
"Is that really important? What time ba dad?"
I'll text you later after my meeting with the new investor.
"Okay,I'll hang up."
Pinatay ko na yung tawag at humiga ulit. Tumitig sa kisame. Nag isip isip.
Asan na kaya si Shon? Isang linggo ko na rin yun hindi nakikita ah.
30 mins later...
Pagkabasa ko ng text ni Dad naligo na agad ako at nagbihis na. Nagsuot lang ako ng jeans at hanging blouse tapos nag high heels. Kinuha ko yung shoulder bag ko at saka nagdrive papunta sa coffee shop.
*
***** Coffee Shop
"Take a seat."turo ni dad sa upuan na katapat nya.
Andito na ako sa meeting place na sinabi ni Dad.
Lumapit naman agad yung waiter at kinuha yung order namin.
"Frappe and a slice of a chocolate cake. Ow samahan mo na rin ng water."sabi ko sa waiter habang nakatingin sa menu.
Sinabi din ni Dad yung order nya.
"Ehem." Dad. Tumingin sya sakin-- sa likod ko pala kaya napatingin din ako sa tinitingnan nya.
"Anong ginagawa nya dito Dad?" At tumingin ulit ako kay Dad.
"Tinawagan ko rin sya. I need the two of you to be here."
"About na naman ba to sa Arrange marriage? Im sorry but I have to go Dad."sabi ko at aalis na sana ng biglang may humawak sa braso ko.
"Ano ba?!"medyo galit na sabi ko.
"Don't be rude."Shon.
"Ughh! K. Fine!"sabay upo ko ulit.
Dumating na yung order namin. Kaya pala doble lahat ng inorder ni Dad kasi dadating pala tong Shon na to.
Uminom si Dad ng coffee at tiningnan ako.
Inayos ni Dad yung necktie nya bago nagsalita.
"From now on, both of you will live in the same roof. Understood?"
"What?! No Way!"angal ko at napatayo pa ako.
Tiningnan ko si Shon na parang walang narinig at may sariling mundo.
Okay lang sa kanya na tumira kami sa iisang bahay? Wtfudge!
"Titira kayo sa iisang bahay o mawawalan ka ng allowance at babalik sa bahay?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Dad at naupo nalang.
Anong gagawin ko? T_T
Tiningnan ko ulit si Shon na busy sa cellphone nya. Nakakainis sya! Parang wala lang sa kanya na tumira kami sa isang bahay.
Baka sabihin nila may kalive in na ako? Waaaaaaah! Bata pa ako! Wala nga akong boyfriend eh!
Sinipa ko sa ilalim yung bangko ni Shon at napatingin naman ito sakin. Tingin na mukhang naiinis. Pinandilatan ko sya na parang sinasabi na gawan mo to ng paraan pero kumunot lang yung noo nya.
BINABASA MO ANG
Afraid To Fall In Love Again
Teen FictionNagmahal at Nasaktan Nagtiwala pero nasira Umasa pero nagmukhang tanga Love makes people afraid Afraid to hurt again Afraid to betrayed again Afraid to trust again And mostly Afraid to Fall in Love Again. Kaya mo pa ba ulit magtiwala kung minsan na...