Chapter 16

34 3 0
                                    

Aika's POV (Selosang Aika)

"Sige Mom Eh kayo hindi kayo pupunta dito sa bahay?"kausap ko si Mom sa cellphone. May pupunta daw kase dito na mga designer ng damit para sukatan ako at makapili ng isusuot ko para sa birthday ko sa sabado. Tuesday palang naman ngayon.

(Busy daddy mo pag aayos ng party for tomorrow. Pupunta ako jan mamaya okay?)

"Okay po. Take care !" At hinang up ko na.

Hindi na ako papasok. Baka dumating na yung designers.

Naligo muna ako bago bumaba sa kitchen. Nakita kong nagluluto si Shon. Naks! Naka apron pa. Likod palang ulam na oh. Kung hindi lang masama ugali nito. Nakuu! Baka nainlove na ako.

hindi pa nga ba inlove?

Tumahimik ka nga utak. Kung anu ano naiisip mo eh.

Wala kayang forever!

"Let's eat."nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Shon sa harapan ko. nanlaki yung mata ko. Nasabi ko bang nakatopless sya?

Tinanggal na nya yung apron nya. Gosh ! Ano to? Pandesal? Ang sarap naman ata ng almusal ko kung ganun.

Ugh! erase erase! Ang dumi na ng utak mo Aika.

"Ah o-oo tara!"sabi ko na natataranta at nagmadali ng pumunta sa lamesa para kumain.

"Weird?"bulong nya.

"Sino? Ako?"turo ko sa sarili ko.

"Hindi. Yung katabi mo..."pamimilosopo nya.

Nakakapunyeta talaga tong Shon na to.! Ang pilosopo nya!

"Tsk!"at pinagpatuloy ko na yung pagkain ko.

"Shon hindi ka ba papasok?"tanong ko. Kase late na pero andito pa rin sya.

"Hindi ba obvious?"sabi nya.

"Ha-ha-ha dami ko tawa sayo. Tatlo!"sarcastic na sabi ko.

"Ha-ha-ha-ha mas madami yung sakin. Apat!"panggagaya nya. Aba! Talagang pinupuno ako nito ha!

"Nangiinis ka ba?!"

"Hindi. Nangaasar lang."ngiting ngiting sagot nya.

"Hindi na nakakatuwa!"asar na sabi ko.

Totoo naman kase. Agang aga!

"Bakit? Sinabi ko bang matuwa ka? And isa pa, im not joking so why do you have to laugh?"

"Ewan ko sayo!! Maghanap ka ng kausap mo!"sabi ko at tumayo na. Tapos na rin naman akong kumain. Sa salas ko nalang iintayin yung designer daw.

"oy! Yung kape mo!"pahabol na sigaw ni Shon. Nilingon ko sya.

"Che!"sabay irap at dumiretcho na sa salas at padabog na umupo. Niyakap ko yung throw pillow.

juice ko! Hanggang kelan ako mahihirapan? Ayokong magpakasal sa mokong na yun. Kawawa ako pag nangyare yun.

*ding dong*

Napatayo ako ng marinig ko yung doorbell.

"Yun na siguro yung designer." sabi ko sa sarili ko.

"Good Morning po Ms. Collantes.Ako po yung designer nyo at sya yung magsusukat sa inyo."bungad sakin nung babae. Mababa sya pero maganda. Shoulder level lang yung hair nya.

"Come in."sabi ko. Pinilit kong ngumiti kahit badtrip ako sa mokong na Shon na yun. Ang nangyare tuloy naging fake smile.

Pinaupo ko sila dun sa may sofa at andun na rin si Mokong. Ano naman kayang gagawin nya dito? Makikinuod? Tsk!

Afraid To Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon