CAR

2.5K 79 29
                                        


Kiefer's

Im on my way to the arena nang biglang tumirik ang kotse ko. Pag minamalas ka nga naman oh. Malas pa because I dont have Mang Fred with me, kaya all I can do is wait for him. Nagcomute lang sya since wala syang car na magamit kaya I dont have any choice but to wait until maayos ang lahat.

Hassle na kung babalik pa ko, mas hassle pag nagcomute pa ko. Lumabas ako ng kotse hoping na sana may tumulong sakin dahil sure ako may mga kakilala din naman akong papunta ng arena na dadaan sa pwesto ko.


True enough may biglang tumigil na kotse sa unahan ng kotse ko. Lakas ko pa rin talaga kay Lord, wish granted agad agad.

Hinintay kong makalabas sya ng kotse nya at nagulat ako nung makita ko kung sino ang lalaking nagmamay ari ng kotse sa harap ko.

Minsan talaga mapapapunyeta ka na lang kay tadhana sa galing nyang mangasar at maglaro ng feelings eh.

Hindi ako hihingi ng tulong sa kanya pero..........kung aalukin nya ko eh baka pwede na.



"Bro do you need help?" He asked. Mabait naman to nagkataon lang talaga na rebound sya kaya inis ako pero joke lang yung rebound sya.


"Ah nasiraan lang" casual kong sagot sa kanya. Kunyari hindi ako stress at hindi ko kailangan ng tulong nya. Parang flopping lang to sa basketball, daanin sa acting.


"Papunta ka din ba ng arena?"


"Oo sana"

"Eh di sabay ka na sakin" sincere nyang alok sakin.


"Okay lang ba?" actually medyo hesitant pa ko. Hindi dahil wala akong tiwala kay Jeron kundi dahil mas wala akong tiwala sa sarili ko pero labag man sa loob kong aminin na kailangan ko sya, aaminin ko na.


"Oo naman dun din naman punta ko"

"Sige salamat bro"


"Tara na"

Nagpaalam lang ako kay Mang Fred na kay Jeron na sasabay.. Nagbilin na lang ako na tawagan nya ko pag okay na ang lahat bago sya tuluyang iwanan.


I made my way to his car and opened the passenger seat. I was about to enter inside nang pigilan nya ko. Napatingin ako sa kanya dahil baka nagbago na yung desisyon nya at ayaw na pala kong pasakayin sa kotse nya.

"Kief sa likod na lang" nahihiyang utos ni Jeron sakin. napatingin ako sa kung anong meron sa passenger seat para pigilan nya ko. I saw a personalized pillow of Mika and Jeron, Mika's hoodie, Mika's training shorts, some ponytails and headbands. Meron pang gatorade which they both endorse.

Parang gusto ko ng umatras at wag na lang sumakay dahil sa mga nakita ko.



"Tara na Kief malapit na magstart yung game" yaya ni Jeron at napatingin ako sa relo ko. Oo nga magsstart na yung game. I made a promise to her pa naman na I won't be late.



So labag man sa loob ko, kinain ko na lang yung pride ko ng buong buo.


Pumasok ako sa loob ng kotse nya at umupo sa backseat.

IT STARTED WITH ON A BREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon