JT2

2.6K 64 13
                                    

"Kung sabihin kong ikaw yung bago kong gusto"

"Ah eh..."

"Mika, Jeron ginabi ata kayo" hindi ko alam kung san ako kinabahan sa tanong nya o sa boses na umistorbo saming dalawa.

"Ah Coach good evening po opo a...no po ah ano ah hinatid ko lang po si Mika since late na po natapos yung photoshoot ayun po ah ano po una na po ko" halatang halata yung gulat at kaba habang nageexplain si Jeron. Yes si Coach Ramil nga yung nakahuli saming dalawa. Of all the people si Coach pa talaga Although hinawakan lang naman ni Jeron ang kamay ko at wala kaming ginagawang masama natakot pa rin ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya.

"Oh sige ingat Jeron" paalam ni Coach sa kanya.

"Ingat Je. Thank you ha good night" paalam ko kay Jeron at ngumiti sa kanya. Awkward na ngiti since alam kong kinakabahan sya at kinabahan rin ako sa presence ni Coach Ramil.

"Sige po una na po ko. Good night Ye" Jeron still manage to smile at me bago sya tuluyang umalis.

"Oh Ye pasok ka na sa loob. Wag na magpuyat. Una na rin ako" paalam ni Coach Ramil. Nakahinga ko ng maluwag nung nalaman kong pauwi na sya. Haaaay

"Sige po Coach Ingat po good night" pagkatapos ko magpaalam sa kanya tumalikod na ko para maglakad papunta ng dorm.

"Ye" rinig kong tawag ni Coach sakin. PTJ baka pagalitan ako. Kahit kinakabahan ako nilingon ko pa rin sya dahil mas lalo syang magiisip ng masama kung di ko sya papansinin.

"Yes po?" Nginitian ko na para hindi mukhang guilty.

"Just Take it Easy" he said at naglakad na ulit leaving me speechless. Haaay Coach talaga, is there such thing as Coach Instinct?

Jeron's

Kahit nakakatakot thankful pa rin ako na dumating si Coach Ramil kanina. Alam ko nacaught off guard si Mika at masyado akong naging agressive.

I think I should Take it easy. Kakagaling ko lang sa breakup. Halos wala pang isang buwan. Hindi naman dahil matagal ko ng crush si Mika at single sya ibig sabihin I'll grab the opportunity agad. Masyado pang maaga Ayoko ring maramdaman nya na rebound lang sya. Ginawa nga sa kanya tapos gagawin ko rin sa kanya. Parang mali di ba? I think we need to develop a deep friendship first. Gusto kong makilala nya ko at syempre gusto ko ring makilala sya.

Alam kong hindi pa 21 ang kasunod ng 15 pero alam ko ako na ang susunod. We need to move on from the pain that 2015 brought us. Ayoko ding makihati sa 2015 nya since year ng ex nya yun. I'll make 2016 our year but for now I'll take it slowly. One step at a time.

A week after...

"Uy Miks andito ka pala" pumasok ako sa Library and I saw her. Sa laki nya imposible namang hindi ko sya makita. Actually minsan parang sya na lang yung nakikita ko and come to think of it ang tagal pala since nung huli kaming nagkita. Busy bee.

"Uyy yeah vacant ko eh"

"Ah I see anong oras class mo?" I ask her as I sat down next to her.

"4:30"

"Ah sakto pala can I join you?" Nagtanong pa ko pero umupo na ko sa harap nya so wala na syang choice.

"Oo naman wala ka bang klase?"

"Mamaya pang 5pm. Teka ano bang oras na ba?" tanong ko sa kanya kahit na may sarili naman akong relo. Wala kasi akong maisip na pwede naming topic.

"3:15" anak ng towa naman pati oras di makamoveon.

"Anong 3:15? Mali oras mo 3:21 na" oras ko na. Syempre bulong lang yung "oras ko na"

IT STARTED WITH ON A BREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon