( This is a non-Jemik UD 😊 )
Coach Ramil: Hindi naman ako aware na selfish pala yung Kiefer Ravena
Kiefer: Ano po?
Coach Ramil: Lumalapit ka ulit kasi alam mong masaya na sya. Bakit instead na maging masaya ka na lang para sa kanya guguluhin mo pa sya?
Kiefer: Coach wala naman po akong planong manggulo
Coach Ramil: Eh ano to? Alam mo akala ko between sa inyong dalawa ikaw yung naunang magmoveon pero bakit nastranded ka ata? Yung basketball nga pag gusto mong manalo dadaan ka from 1st to 4th quarter, ang kaso yung pagmomoveon mo 4th quarter na agad pinuntahan mo. Shinortcut mo na natalo ka pa.
Kiefer: Coach never naman po akong nagmoveon kay Mika.
Coach Ramil: So you are saying na hindi ka tumigil sa pagmamahal sa kanya? Kiefer kung pagmamahal ang tawag mo dun, ayoko na palang magmahal
Kiefer: Coach naiba lang po yung priorities ko for awhile.
Coach Ramil: Alam mo naiintindihan ko naman na lahat tayo may mga pangarap Kiefer. Ang weird lang nung sa'yo ang pinangarap mo makasakit ng tao. Nasaktan mo na yung anak ko masasaktan mo pa yung bago mo.
Kiefer: Coach pakinggan nyo naman po yung explanation ko
Coach Ramil: Ngayon alam mo na yung pakiramdam na hindi man lang binigyan ng chance para magexplain. Kung gaano kasakit na hinusgahan ka na agad bago pa marinig yung side mo. Oh sige bukas magtutwitter naman ako. I'll ask my friends to tweet something against you. Magpaparinig ako sa'yo para mabash ka ng mga fans ko tapos matutuwa ako kasi nakaganti na ko sa'yo. Oh may nakalimutan pa ba kong step sa "Kiefer's stages of moving on?"
Kiefer: Coach hindi nyo naman po ko naiintindihan eh.
Coach Ramil: Hindi ko talaga maiintindihan dahil kahit kelan hindi naging madaling intindihan ang mali. To tell you honestly Kiefer hindi naman talaga kita nagustuhan para kay Mika. There's so many horror stories about your past relationships pero tinanggap kita para kay Mika kasi nakita kong masaya sya. Kaso as time passed by pinatunayan mo lang din sakin at sa aming lahat na totoo yung mga horror stories about you. Akala ko kasi mukha mo lang yung horror. Kung alam ko lang na magiging part si Mika ng horror stories ng buhay mo eh di sana sinali ko na lang sya sa Shake, Rattle n Roll baka mas nagenjoy pa ko.
Kiefer: Coach hindi ko naman ginustong masaktan si Mika.
Coach Ramil: Ginusto mo Kiefer. Sa lahat ng ginawa mo may choice kang piliin kung alin dun yung makakasakit o hindi kay Mika and sad to say pinili mo yung mali. Bilang pangalawang tatay nya nasaktan mo rin ako. Minsan nga napapaisip ako dahil feeling ko may part din ako sa mga sakit na naramdaman ni Mika.
Kiefer: Ano pong ibig nyong sabihin?
Coach Ramil: Nung nagpaalam sya about sa inyong dalawa, pumayag ako at hinayaan sya dahil akala ko magiging masaya sya. Kung alam ko lang na sasaktan mo lang sya sana pala una pa lang pinaghiwalay ko na kayong dalawa. Kaso masyado ring nainlove si Mika sa idea na kahit pangit ka ikaw yung perfect guy para sa kanya. Akala ko bola lang pinapaikot mo, pati pala tao. Well played Kiefer, sinama siguro to sa MVP computation no?
Kiefer: Coach totoo po lahat ng pinakita k okay Mika, minahal ko po sya
Coach Ramil: Hanggang saan yung totoo dun Kiefer? Sa galing mong umarte nalilito na ko.
Kiefer: Coach hindi naman dahil nasaktan ko sya ibig sabihin hindi ko na sya mahal. Lahat ng nagmamahal nasasaktan Coach.
Coach Ramil: Pero hindi lahat ng nagmamahal deserve mawalan ng kaibigan, deserve ibash ng buong bayan, deserve pagmukhaing malandi.
Kiefer: Coach Huwag naman kayo mabulag sa lahat ng naging pagkakamali ko. Nakita nyo po lahat ng efforts ko.
Coach Ramil: Nakita ko rin kung ilang beses na nalate sya sa practice dahil nanood sya ng game mo. Kung ilang beses syang nagpractice na distracted. Kung ilang beses syang naglaro na mugto ang mga mata. Ayoko na ulit makita yung Mika na nagpapanggap lang na malakas sa harap ng maraming tao pero ang totoo she's dying inside. Pansin mo naman siguro na hindi na ko masyadong naghigpit sa kanya. Hinayaan ko syang makasama yung mga kaibigan nya kahit minsan ginagabi na. Hinayaan ko syang gawin lahat ng makakasaya sa kanya para kahit konti, kahit pansamantala malimutan nya lahat ng sakit na pinaramdam mo sa kanya. Kiefer hindi ko man alam ang buong kwento sapat na para sabihin kong she doesn't deserve you. Ayoko na ulit makita yung Mika 6months ago. .Hindi mo alam yung pinagdaanan nya dahil ang alam mo lang gawin ay dagdagan kung ano pang sakit yung binigay mo na. Kiefer alam kong ang connection lang naming dalawa ni Mika is on the court pero bilang tatay nya sa school na to, ako na ang nagsasabi sa'yo layuan mo na ang anak ko. She's better off without you. Just accept that fact Kiefer
Kiefer: Coach is it because of him?
Coach Ramil: I will always bleed green Kiefer. Call me biased, unfair or what but I'll go for him anytime of the day.
Kiefer: Coach hindi nyo pa sya kilala?. Bakit nyo naman ipagkakatiwala si Mika sa lalaking hindi pa subok na?
Coach Ramil: Anong gusto mo sa subok ng gago ko sya ipagkatiwala?
Kiefer: Coach naman kaya ko pong magbago para kay Mika.
Coach Ramil: Kaya mo pang mas maging gago?
Kiefer: Coach
Coach Ramil: Alam mo Kiefer at the end of the day si Mika pa rin naman ang magdedecide para sa inyong dalawa. Sa nakikita ko ngayon masaya na sya kaya Malabo na balikan ka pa nya . Pero hindi natin masasabi but in case balikan ka nya, hmmm hindi ko na lang sya isasali sa first 6.
Kiefer: Ano po?
Coach Ramil: That will just prove how weak Mika is in terms of decision making. Ayokong dalhin nya yun sa volleyball court.
Kiefer: Coach naman iba po ung volleyball sa lovelife.
Coach Ramil: Alam ko pero kung talagang mahal mo sya hayaan mo na syang maging masaya. Kung si Mika nakaya nyang magparaya para sa mga pangarap mo, sana makaya mo rin.
Kiefer: Coach naman wag nyo naman alisin kay Mika yung karapatang magvolleyball.
Coach Ramil: Wag mo ding alisin sa kanya yung karapatan nyang maging masaya na wala ka.
Kiefer: Pero Coach..
Coach Ramil: Isang game lang na makita kita sa venue Kiefer, tatanggalin ko sa first 6 si Mika. Kung nakaya nya, sana makaya mo ring iwasan sya.
Author's Note:
Matagal tagal na to sa drafts ko kaya pinublish ko na ✌🏻️ Rant like UD lang haha. Pahinga muna this story with Jemik since I have a new Jemik story. If you want to read it kindly check my account na lang. Thanks 😘
BINABASA MO ANG
IT STARTED WITH ON A BREAK
Hayran KurguMika and Kiefer's journey after announcing that they are "on a break" with Jeron on the side. ( Jemik stories start on the chapter "JT" ) The story is purely fictional and just for fun. I don't mean to offend anyone. Happy Reading :)