Chapter 16 - Confirmations

43.7K 1K 19
                                    

Chapter 16 - Confirmations

~

FUCK! Hindi na maintindihan ni Ross ang sarili. He's been an asshole, a lot of random girls he had bedded before. But fuck! Bakit pagdating kay Belle ay nawawala siya sa huwisyo? She's just a toy! Hindi niya dapat ito pinahahalagahan pero bakit nakuha pa niyang ipakilala ang dalaga sa mga taong itinuturi niyang pamilya. Puta! Ano bang mayroon sa isang Reabelle Florencia at hindi na ito mawala sa sistema niya.

Plano niya lang naman babuyin ang pagkatao ng dalaga. She's Antonio Buado's ex-fiancee, at matindi ang galit niya sa lalaking iyon kaya niya ginagamit si Belle ngayon. Fuck! Gusto niyang ilublob ang sarili sa tubig para tuluyan na siyang magising sa kahibangan niya.

He just can't let her go? The fuck! Ano bang nangyayari sa kanya? Dapat na talaga niyang dispatsahin ang dalaga sa sistema niya. Kailangan na niya itong iwasan. Maybe he could let her, pagkatapos nang pagbisita nila ng ilang araw dito sa headquarters.

“So, bakit mo siya sinama dito?” Tanong ni Leon.

Narito sila ngayon sa bar station ng head quarters. Dalawa lang sila, si Belle naman ay nasa silid na niya at mukha na itong nagpapahinga. Maka-ilang ulit na din siyang tinanong nila Leon kanina kung bakit nga ba niya sinama si Reabelle dito, pero maging siya hindi niya din alam ang sagot.

Hinithit niya ang sigarilyong hawak niya bago tunggain ang beer na iniinom nila.

Sumandal si Leon sa bar counter. “You know, kapag hindi mo maintindihan ang nararamdaman mo sa isang babae, one thing is for sure, you're in love.”

Literal niyang naibuga ang alak na sinisimsim niya sa naring. Napaubo pa siya sa gulat. Habang walang sawang humagalakpak ng tawa si Leon sa nangyari.

He was coughing. “Putang ina ka, Instik!” Inis na sabi niya.

Hindi naman tumigil sa kakatawa si Leon kaya naman binigwasan niya ito ng malakas sa dibdib. This time, ito naman ang napa-ubo.

La shi! Pikon ka talagang hayop ka!” Natatawang anito. Hindi nito alintana ang sakit ng pagkakabigwas niya dito.

Agad namang sumeryoso ang mukha ng kaibigan. “Ano mo ba talaga siya, Ross?!”

He sighed. “She's just my toy.” Panimula niya. “Remember what I told you when we found out that Antonio Buado has a fiancee? Siya iyong fiance ng gagong iyon! I told her to sell her soul to me, in return, pakakawalan kong buhay si Buado.”

“So, tinuloy mo pala iyong plano mo. Ano na ngayon? Bakit hindi mo na siya ihanay sa mga babae sa Club tulad noong sinabi mo noon?” Tanong pa ni Leon.

Puno ng frustrasyon na tinungga niyang muli ang bote ng beer. “I don't know, I just can't let her go. Para akong mababaliw, Leon.”

He's serious, para talaga siyang mababaliw sa isiping pakakawalan niya si Belle at hahayaan niya itong mapabilang sa mga babae sa Club niya. He doesn't like this feeling. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito katinding damdamin.

Muli siyang sumisim ng alak at humithit ng sigarilyo. Damn! He's really frustrated! Ano ba ang dapat niyang gawin para mawala ang nararamdaman niyang ito.

“Know what,” Leon paused. Hinintay niya naman ang susunod na sasabihin nito. “Ganyang ganyan din ako kay Vinia noon. I was so frustrated thinking about what's happening to me when it comes to her. I am so possessive and I just can't let her go.” Sumimsim muna ito ng alak. “Until one day I woke up knowing that my life is depended on her. That I can't leave without her. That time I realize what's the meaning of love. Mahal ko siya kasi hindi ko alam. I just love her, no words to explain.”

8ET:Complicated UNEDITED VERSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon