Chapter 10 - Let him go

47.1K 1K 5
                                    

Chapter 10 - Let him go

~

MATAPOS DALAWIN ni Belle ang fiance niya ay bumalik na siya sa ETClub. Gumana na kasi ang high tech na diamond earrings na suot niya. Pinapatawag siya ni Ross at doon magpalipas ng gabi. Kinakabahan na nalulungkot siya dahil hindi man lang niya mabantayan ng buong magdamag si Anton, kikabahan naman siya dahil baka kung ano nanaman ang gawin sa kanya ni Ross habang nasa puder siya nito. God! Ano ba ang dapat niyang gawin? Alam naman niyang hindi na niya matatakasan ang tulad ni Ross, sa yaman at impluwensya nito malamang ay wala siyang kalaban laban dito.

Pumasok na siya sa loob ng Club. Kasalukuyan na itong nag o-operate. Hindi niya masikmura ang mga nakikita niya. Mausok nanaman at kabi-kabila ang mga nag tatalik sa mismong tables nila. Siguro kung hindi siya sinamahan ng isa sa mga bouncer sa loob, malamang ay may lumapit na din sa kanya tulad noong una.

Dumiretso lang sila sa may dulo ng Club, hindi sa secong floor o sa basement. Doon niya lang napansin na may mga VIP rooms din pala dito sa palapag na ito. Ang pinaka-dulo daw ay ang opisina ni Ross Costalles dito sa Club.

May tatlong mga gwardya din sa labas ng pinto noon, kapwa mga armado at madilim ang mukha. Nagyuko nalang ng tingim si Belle. Kinikilabutan siya sa mga taong nakakasalamuha niya.

“Pumasok ka na! Kanina ka pa hinihintay ni Master.” Seryosong sabi noong bouncer.

Nakakatakot ang boses nito dahil buong buo. Bigla tuloy dumagundong ng kaba ang puso niya.

“O-okay.”

Si Belle na mismo ang pumihit sa doorknob para makapasok sa opisina. Naabutan niya doon si Ross na seryosong nakaharap sa laptop nito at may kung anong tina-type. Nakasuot ito ng eyeglasses. Hindi ito ang unang beses na pinagilan niyang humanga sa taglay na ka-gwapuhan ng binata pero bakit sa tuwing nakikita niya ito ay hindi niya maiwasang matulala.

He's indeed handsome. Hindi na siya mag tatakha kung bakit kabi-kabila ang mga babae nito. Siguro kung hindi lang ito naging sanggano ay hindi malabang magka-gusto siya dito. Too bad, itinatak niya sa isip niyang hinding hindi na manyayari iyon.

“Why don't you come here and sit on my lap. I want to feel that sexy ass of yours, my lady.” He said in authoritative voice.

Napapitlag si Belle sa narinig. Parang umurong ang mga paa niya. Hangga't maari sana ayaw niya munang madikit siya sa binata. Natatakot siya na baka ano nanaman ang gawin nito sa kanya.

“I am waiting, Reabelle.” Muling sabi nito at pinagdiinan ang pangalan niya.

Lumunok muna si Belle bago siya naglakad papalapit sa binata. Hindi pa din ito tumitingin sa kanya. Naka-focus pa din ang berdeng mata nito sa screen ng laptop nito.

Huminto lang si Belle sa gilid ng binata. Hindi niya kasi alam ang gagawin hanggang sa umayos na ng upo ang binata at pinaka-titigan siya. Oh God! How complicated her life is, buhay pa siya pero hawak na ng demonyo ang kaluluwa niya.

Ross acted like he was waiting. Wala na siyang nagawa kundi ang lumapit sa binata at umupo sa kandungan nito. Napasinghap pa siya ng malakas ng maramdaman niya ang katigasan ng pagkalalaki nito.

Hinapit ni Ross ang kanyang bewang papalapit at saka nilapit ang bibig nito sa kanyang tenga. “Do you feel me, my lady?”

His voice is husky. Kinikilabutan si Belle pero mas nangingibabaw ang kabang bumabalot sa puso niya.

“I am mad at you, my lady. You did something that I don't want you to do. Tsk! Tsk!” Swabe ang pagkakasabi nito pero naroon pa din ang awtoridad sa boses nito.

8ET:Complicated UNEDITED VERSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon