Intrigue
Ciery's POV
Nagkatinginan kaming dalawa. Im so fcked up right now. Tumingin sakin si James habang nakangisi tsaka bumaling kay Terrence. Inalis nya narin ang pagkakahawak sakin.
"Hahaha. Pasensya na pare. Medyo nadala lang. Right,babe?" sabi nya at lumingon pa sakin. I gave him a death glare. How could he have the nerve to disrespect me?!
Tumingin lang Si Terrence kay James. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip nya. He's just looking at James blankly.
"Ge. Alis nako." sabi ni James at umalis na nga.Now, its me and Terrence. His eyes fixed at me kaya nahigit ko ang paghinga ko. Hindi ko malaman kung saan ako titingin kasi hindi ko matagalan ang intensidad ng kanyang tingin. I dont know kung galit ba talaga ang nakikita ko sa mga mata nya dahil hindi ko naman sya masyadong matingnan. Naiilang ako sa paraan nya ng pagtitig.Feeling ko pati kaluluwa ko nakikita nya.Nanatili akong nakasandal sa pader para hindi ako mapaupo dahil dama ko na ang pangangatog ng tuhod ko. Damn Terrence! For making me feel this way.
"A-alis nako" I managed to say kahit na tila yata hindi makapagfunction ng maayos ang utak ko. Hindi sya sumagot o tumango man lang. He's still looking at me like im some sort of bacteria na inoobserbahan gamit ang microscope. When I was about to walk away he grabbed my arm.Nagulat ako at napatingin sa kanya.Nakatingin parin sya sakin.What's his problem? Napayuko ako at napatingin sa kamay nyang mahigpit na nakahawa sa braso ko. Naramdaman ko ang init ng kamay nya. Tila gumagapang iyon sa bawat parte ng katawan nya.
"L-let. me go." sabi ko at pinilit tanggalin yung kamay nya sa braso ko.
"Why? Mas gusto mo bang si James ang humawak sayo? Mas gusto mo bang sya ang kausap mo?" sabi nya. Dama ko ang panunuya sa mga salitang binitiwan nya. At parang nanliliit ako sa way ng pagtingin nya sakin ngayon. Dahil doon ay nakaramdam din ako ng galit." Bakit? Ano naman sayo kung gusto kong si James lang humawak sakin? At kumausap sakin? Its my body anyway.I can choose who will touch and talk to me and who will not" matapang na saad ko sa kanya. Nakita kong nag igting ang panga nya. He's mad. I can sense it but I dont care. Galit din ako kaya parehas lang kami.
" What the hell is wrong with you Ciery?!" he hissed.
Kumunot ang noo ko. Ako pa ngayon ang may problema?
"Wow! Just wow. Ako pa ngayon ang may problema ah? Eh ikaw nga tong sobra makareact kung bakit kami magkasama ni James. Its nothing to do with you,Mr.Perez." sabi ko. I dont know why he is acting this way. Ayokong mag assume. Ayokong mag expect. Siguro kung noon to nangyari baka nagtatatalon ako sa tuwa.
"I thought its just an issue kaya hindi ako naniwala.But then,I finally have my conclusion." sabi nya at naiiling na binitiwan ako. Hindi masyadong nag sink in sa utak ko ang sinabi nya. Tumalikod na sya at nagsimulang lumakad paalis. Nakatingin lang ako sa likod nya habang ito ay lumalayo.
What's that? Pakiramdam ko hindi na magiging tahimik ang buhay ko. I know hindi na talaga tahimik ang life ko dahil sa mga chismis but then mas lalo yatang lalaki ang galuhan sa buhay ko dahil sa kanya.Kinabukasan.
Pumasok ako sa room. As usual, nakatingin parin sila. Ako ng maganda. Umupo ako habang hinihintay ang prof namin. I dont get it bakit hindi nalang nila sabihin sakin kung ano yung binubulong nila since harap harapan naman silang nagbubulungan at nakatingin pa sakin? o dba ang obvious?Humahangos na pumasok si Lara, my bff sa classroom namin. Pinagala nya yung tingin nya sa room hanggang sa nakita nya ko. Nagmamadali syang lumapit sakin. Umupo muna sya.
"Omyghost girl!Bida ka na naman sa campus!" sabi nya. Pag sinabi nyang bida ibig sabihin may issue na naman ako. Kailan ba to matatapos? Medyo sanay naman na ako pero bakit ba madaming makakati ang dila dito?
Inilabas nya ang phone nya at tinouch ang facebook app nya. Paglabas ng newsfeed nya ay nagscroll sya then huminto sa isang fans club update. Nakita ko na fans club page iyon ng Gravity Zero, my kuya's dance crew. May ipinakita sya saking picture pero sa headline ako napatingin.GZ Terrence Perez and Ciery Santos are in a relationship?
Napatanga ako sa nabasa ko. What? Tiningnan ko yung picture at nakita ko nga yung eksena na hawak ni Terrence ang braso ko habang nakasandal ako sa pader. Ito yung nangyari kahapon. Napailing ako. Nakahawak lang naman sakin yung tao may relasyon na agad?
"Girl, anyare? Bakit kayo magkasama ni Terrence dito?" tanong ni Lara.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari.I have no choice kaysa naman mag isip rin sya na may relasyon nga kami ng gagong yun. I told her everything."Gago talaga yang si James no? Ang kapal ng mukha.Hindi parin matanggap na basted sya. Hambog kasi eh" galit na sabi ni Lara.
" Hayaan mo na. May mga tao tlagang matagal makamove on sa isang bagay."sabi ko.
" Tama. Tulad mo" sabi ni Lara pero may himig pagbibiro. Tiningnan ko sya ng masama. Tumawa lang sya pero sumeryoso rin ulit.
"Dapat talaga hindi mo ma pinigilan yung kuya mong basagin ang mukha ni James dati.Sayang lang talaga hindi sila nagpang abot noon no? Naku!Ang hot siguro ni Leader kapag nakipagsuntukan!" sabi ni Lara. Siraulo rin tong babaeng to eh. Gusto pang makipag basag ulo ang idol nya.
"Mabuti na yung ganoon yung nangyari atleast hindi nachismis kuya ko." sabi ko. I love my kuya that's why hindi ko sya hinayaang makipagsuntukan kay James kahit na alm kong galit na galit na sya nun. Nalaman nya kasi yun since nasa isang school lang kami. And he's furious about that. Sinabi ko nalang na I can handle this afterall ako naman ang involve sa issue na iyon. Ayokong madamay ang kuya ko lalo na at masyado na silang sikat noon.Ayokong ako pa mismo ang maging dahilan para mawala ang mga pinaghirapan nila.
Ayoko rin masira ang mukha nya dahil isa iyon sa assets nya except sa kaalaman na magaling talaga syang sumayaw.
"Hay.. kailan kaya ako mapapansin ng kuya mo no? Kahit yata araw araw akong magpaganda sa kanya eh hindi sya masisilaw sa beauty ko." himutok ni Lara. Napatawa naman ako sa sinabi nya.Tama naman sya. Kahit yata araw araw sya sa bahay ay hindi parin sya mapansin ni kuya. Madami kasing chix ang mokong na yun eh. Napatingin kami sa pinto ng biglang may pumasok doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/49409842-288-k352332.jpg)