Wrong
Bahagya kong tinulak si Terrence. Something inside me telling that this is not right. Mali ang umaasa ulit. Inayos ko ang sarili ko bago ko sya hinarap.
Gulat ang nakarehistro sa mapupungay nyang mga mata. Oh those eyes! Yung mga mata nyang may malalantik na pilik at malalim kung tumingin. Lumunok ako at tiningnan sya ng diretsyo."Geez. I need to go" sabi ko at humakbang na ng malalaki para makalabas ng mabilis sa lugar na yon. Hindi ko na sya nilingon.
"Fck!Ciery!"
I heard him shouting my name. Ngunit wala na akong pakialam don ang nasa isip ko lang ay makaalis sa lugar na yon. Makalayo sa kanya dahil nadarama ko na ang pagkawasak ng pader na ginawa ko. Hanggat maaga ay kailangan ko ng lumayo."Ciery! Stop!"
Patuloy sya sa pagsigaw.Jeez! Nagtitinginan na ang mga tao sa kanya at iba ay sa akin. Malakas ang tugtog sa loob ng bar pero umaalingawngaw parin ang boses nya. Halos takbuhin ko na ang exit ng bar para lang makatakas sa kanya. Pakiramdam ko kapag hinarap ko sya ay bibigay na ng tuluyan ang puso ko. Sutil ito eh. Ayaw sumunod sa mga bagay na gusto ko. Parang hindi ko na ito pag aari.
Bumingad sakin ang malamig na simoy ng hangin ng gabi. Dinig na dinig ko ang ingay n nagmumula sa loob ngunit nadirinig ko rin ang dagundong ng puso kong tila naggigyera ang tibok sa bilis. Dalidali akong pumunta sa parking lot at hinanap agad ang Mazda ng kuya ko. Nasa akin ang susi noon kaya makakaalis ako. Tsaka ko na itetext ang kuya ko. Sumabay na lang sya kina Alvin.
Nakita ko agad ang sasakyan ng kuya. Hindi naman kalayuan kaya binilisan ko na ang lakad ko papunta roon. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may himatak sa braso ko. Napaharap ako."What the---"
Si Terrence iyon. Matiim syang nakatitig sakin.Patuloy ang taas baba ng dibdib nya. Halatang pagod sya dahil narin sa tagaktak ng pawis sa noo nya.
'Stop running away from me,Ciery. Naiinis ako." sabi nya. Titig na titig sya sakin. Kitang kita ko ang inis at pagod sa mga mata nya.
"Bakit? Sinabi ko bang sundan mo ko? Di ba hindi? At kung naiinis ka, wala akong pakialam dahil wala akong ginawang mali sayo!"
Tiningnan ko sya ng masama. Kung naiinis pala sya ay bakit pa nya ako sinundan? At hindi naman ako nagpapahabol sa kanya eh.Nakakinis talaga. Tsaka bakit hindi nya nalang balikan ang babae kanina na kung makapulupot sa kanya ay wagas parang ahas! Mas bagay sila ng babaeng yon! Parehas na malandi." Tsaka pwede ba! Bitiwan mo ko. Bumalik ka nalang doon sa babae mo! Baka nakakaistorbo ako sa inyo."
Gulat ang nakarehistro sa mukha nya. Hinatak ko ang braso ko sa kanya.Mabuti na lamang at gulat sya kaya hindi na mahigpit ang hawak nya sa braso ko at nakawala agad ako.
Dali dali kong binuksan ang pinto at pumasok na roon. I started the engine at ng nakabwelo na ako.ay pinaharurot ko yon. Hindi ko na sya nilingon.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nagmamaneho. Shit lang! Ansakit eh. Makaasta sya parang wala syang ginawang masama sakin. Parang wala syang kasalanan. What can I expect from him?He's Terrence Perez. Famous. Chase by girls. Mayaman. Gwapo. At ako?.Sino ba ako? Kapatid lang naman ako ng leader nya. Kaya lang sya malapit sakin ay dahil nakikisama lang sya kay kuya.At yung nangyari samin noon? Ha!Balewala na yon sa kanya. Maraming babae ang nakapaligid sa kanya. He can choose anyone from them.Pero kahit ganoon pala masakit parin. Masakit parin isipin na makakalimutan ka agad ng taong minahal mo ng matagal. Maybe this is really what love means. You will be happy yet you can also be hurt by the ones you love. Hindi lahat ng mahal mo ay mamahalin ka rin. Hindi lahat ng pagmamahal ay masusuklian din ng pagmamahal. I am one of the evidences. Luhaan ako ngayon dahil sa pag ibig na hindi masuklian.Dahil sa pag ibig na akala ko ay magiging masaya pero naging masalimuot. I know im a wreck right now. Again. Akala ko nakamove on na ko. Pero lintek! Hindi pala. Nakakainis! Nakakainis talaga! Naiinis ako sa sarili ko dahil patuloy ko itong niloloko na nakamove on na ako kay Terrence. Na wala na akong feelings sa kanya. Pero wala eh. Mahal ko talaga kahit ginago ako.
Pagkarating ko sa bahay ay agad kong pinark ang sasakayan at tuloy akyat sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto ay napuno ng hagulgol ang loob nito. Ansakit. Nadudurog na naman ang puso ko. Tangna!Shit!Pinunasan ko ang luha ko at agad na nahiga sa kama ko. This pain really crushed me to the ground. Akala ko tapos na ko sa ganitong bagay, pero hindi pa pala. Bakit ba kasi bumalik pa ang gagong yon?!
Yung nangyari sa cr ng bar mali iyon eh. Hindi dapat ako nagpadala sa alak. Shit. Hindi dapat ako nagpadala sa nadarama ko. Hindi na ako magpapakaipokrita. I missed him. So bad. Na handa kong kalimutan ang lahat para sa kanya. Pero nung makita kong may kalandian syang ibang babae at kung paano sya sambahin ng ibang babae ay tsaka ko lang narealize na im just nothing. Letche lang! Ni wala nga akong binatbat sa mga babaeng yon. Sexy. Maganda.Maputi. Matangkad. At may sinasabi sa buhay. Though alam kong yung ibang katangian nila ay mayroon ako pero hindi parin iyon sapat. Im not enough for Terrence. Kaya madali nya lang akong iniwan noon eh. Dahil hindi naman ako importanteng tao.
Nagising ako sa kalampag sa pintuan ko. Parang gusto ng gibain ng kung sinumang kumakatok ang pinto ng kwarto ko.
"Ciery! Open the door!"
Dinig kong sigaw ni kuya. Tumayo na ako at lumapit sa pinto. Pagkabukas ko noon ay agad nya akong niyakap. Nagulat ako.
"God! What happened? Ha? Im sorry hindi kita nabantayan kagabi." he said while cupping my face with his both hands. Tila may sariling utak ang mga luha ko at agad na nagbagsakan ang mga iyon. Hindi ko mapigilan eh. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata ni kuya. Dali dali kong pinunasan ang mga sutil kong luha gamit ang kamay ko.
"Its nothing, kuya."
Napabuntong hininga sya. Kitang kita na guilty sya sa nangyayari.
"Fck! Kasalanan ko to eh. Im sorry, sissy." sabi nya.
" Kasalanan ko yon. Ako yung utu uto para pumayag sa balak nyo. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Everything is wrong from the beginning. Im at fault." sabi ko.
Totoo naman. Kung hindi ako nagpatinaod sa gusto nila edi dapat buo pa ang puso ko. Dapat ngayon hindi ako nasasaktan ng ganito. But pain is inevitable. Sadyang kapag nagmahal ka ay masasaktan ka talaga. Hindi puro saya ang hatid nito. Kung sa fairytales nga ay umiiyak ang mga bida sa totoong buhay pa kaya?" Okay. Sige na. Mag ayos ka na. At kumain kana sa baba" sabi ni kuya.
Tumango ako.
" Kanino mo pala nalaman ang nangyari kagabi?" tanong ko sa kanya. Biglang nag iba ang ekspresyon sa mukha ni kuya at nag iwas sya ng tingin.
" Ahm.. m- may nakapagsabi lang na kakilala. Nakita daw kasi nila kayo ni Terrence na nag aaway sa parking lot"
Napatango na lang ako kahit nawiwirduhan sa ikinikilos nya. Bumaba na si kuya at ako naman ay nag ayos na sa sarili.
Ganito naman talaga dapat. Life goes on. Yan ang natutunan ko in the past 2 years.No matter what happened you must learn that you need to go on in life because this is not the end.
