Whatever it is, I've tried to just dont mind. Yeah. I've tried. Kasi kahit anong pilit ko, hindi ko maiwasang isipin iyon.Hindi na dapat ako nagpapaapekto sa kanya eh. Pero hindi ko kaya. Ilan bese ko mang itanggi, pero apektado ako. His actions,words and stares. It affects me. A lot. When I finished my food, I just silently stare at them while they are talking about some random girls. Nang makita kong ibinaba na ni Lara ang kutsara't tinidor nya,I stand up. Lumikha ng ingay ang pag urong ng silya, kaya natuon sakin ang pansin nila.
"Alis ka na?" tanong ni Ace. I look at Lara at nakita kong nagpupunas sya ng bibig gamit ang tissue. Lumipad ang tingin ko sa palapusuhang orasan ko.
"Yup. Gotta do something important" I said. Napatango si Ace sa sinabi ko. My kuya just smiled at me. Tumayo na rin si Lara.
"Ahm.. Thank you sa food" Lara said. Medyo nahihiya pa.
" Ah, welcome" sagot naman ni Ace. Maybe I should thank him too.
"Thanks ah. Sa uulitin."sabi ko kay Ace. He chuckled. After bading them goodbye we headed.
Nauuna ako sa paglalakad at si Lara naman ay medyo nahuhuli. Ang kupad talaga ng babaeng to.
"Ano..Ciery.." narinig kong sabi ng nasa likuran ko. I stop and waited for her to continue what she's about to say. Nasa gilid ko na sya ng magsalitang muli.
"Is there something wrong?" nag aalalang tanong nya. I shook my head.
"Nothing"I said. Walang mali. Wala kang nagawang mali. But why do I feel something? I feel kind of.. disappointed?
Hanggang makapasok kami at makaupo sa mga upuan namin ay hindi na muli kami nag imikan. Its unusual. But im thankful na hindi na sya nag open pa ng another conversation. I dont feel like talking. I dont feel to do anything. All I can feel right now is this little something that is in my chest. Its aching. And I dont know how to ease it. I cant conclude anything right now. Ayaw kong manghusga lalo na at kaibigan ko ang involve dito. I know that she cant do that to me. I trust her. She's a true friend. When everyone seems to turn their back at me, she stays. Dinamayan nya ko. Sinamahan nya ako. Bukod kay kuya isa sya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. At ang tiwalang iyon ay hindi ko hahayang sirain ng isang lalaki lamang.
Lamang? Oo alam ko. He's my everything from the very start. Sya ang nagturo sakin kung paano ang magmahal at masaktan. Paano madurog ang puso ko ng pirapiraso. Isn't it a little unfair? Hanggang ngayon ay mahal ko sya pero sya? Tingin ko ay balewala na ako sa kanya. Sabagay, sino ba naman ako kumpara sa mga babae nya? Im nothing. That's the truth. Masakit man pero yun ang totoo.
Dumating na ang professor namin. Nagdiscuss na ito. Kami naman ay nakinig na since major subject sya. Nagtuloy na ang klase hanggang sa mag uwian na. Habang nagliligpit ako ng gamit ko ay lumapit sakin si Lara.
"Ciery.."
Nahinto ako sa pagliligpit at natuon sa kanya ang atensyon ko. Hindi maipinta ang mukha nya. Tila kinakabahan."Oh? Bakit?" I asked. Napayuko sya.
"Ano kasi.. mauuna na akong umuwi kasi may e-emergency sa bahay" sabi nya. Nagulat naman ako.
"Ha? Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko. Kaya pala ganito ang mukha nya. May problema pala.
"Hindi ko pa alam eh. Basta mauna na ako sayo" sabi nya.
"Sige. Update me ah?" sabi ko sa kanya. Tumango tango sya.
"Bye, Cie." she said at nagkukumahog ng umalis. Nang mawala sya sa paningin ko ay napabuntong hininga ako. Kinakabahan naman ako sa babaeng yun. I'l make sure na iaupdate nya ako mamaya kung anuman ang nangyari.
Pagkatapos kong mailigpit ang lahat ng gamit ko ay lumabas na ako ng room. Habang naglalakad papuntang parking lot ay nakaramdam ako ng gutom. Tsk.Hindi kasi ako nabusog kanina eh. Kinuha ko ang susi ng Montero ko sa bag.
Isang linggo na ang nakakaraan mula ng pinayagan ako ni dad na magdrive ng sasakyan. Dati kasi ay ayaw nya. Gusto nya ay sasabay ako kay kuya. But because of kuya's hectic schedule ay pinayagan nya na ako. Malaking istorbo kasi kapag ihahatid pa ako ni kuya lalo na kapag may appointment sya. So kinulit ko ang tatay ko and thank God, pumayag sya.Sayang din naman ang pinag aralan ko sa driving school kung hindi rin naman ako makakapagdrive.
Binuksan ko ang pinto sa driver seat at pumasok na doon. Minaniobra ko iyon palabas ng campus. I decided to have some snack to a coffee shop not so far from our village.
Huminto ako dun at nagpark. The shop's walls were made of glass. Kitang kita kung anong nasa loob nito. May mga design na tungkol sa coffee. Its a typical coffee shop pero ang nagpaganda rito ay ang terrace nito na tanaw ang green land ng kalapit na village.
Bumaba ako ng sasakayan at sinara iyon. Dirediretso akong pumasok sa loob. Tumunog ang bagay na nakasabit sa pinto ng binuksan ko iyon. Dumiretso ako sa counter. Pamilyar sa akin ang babaeng nakatayo sa tapat ng counter kahit na nakatalikod sya. Napakunot noo ako. No. Imposible naman.
Nang lumapit na ako ay napagtanto kong sya nga. Nakakapagtaka naman kung bakit sya narito.
"Lara?" I asked. Napatingin sya sa akin at bumalatay ang gulat sa mukha nya.
"C-ciery.." sabi nya na hindi malaman kung ngingiti o hindi. Akala ko ba may emergency? Was it a lie?
"Lara!"
Napatingin ako sa direksyon na pinagmulan ng boses. And then our eyes met. As if the world stops at kami lang ang naroon. Matiim ang pagkakatitig nya sakin. Tila ba namamagneto ako sa kanyang mga mata.
"Ah..excuse lang muna Cie. I'll call you later." sabi nya.
Nabalik sa kanya ang atensyon ko. Kinakabahan sya. Ramdam ko iyon. Tumango na lang ako. Maybe it's false alarm. Sa cashier ko na lang itinuon ang atensyon. Pagkatapos na ibigay sakin ang order ko ay naglakad na ako palabas roon. Pagkasakay ko sasakyan ay nahagip ng mata ko ang pwesto nya. Nila. Kitang kita ko na nakatingin sya sa sasakyan ko na tila nakikita nya ako sa loob. But it's heavy tinted. Nag iwas ako ng tingin at pinaandar na iyon paalis. Nang mawala sa paningin ko ang shop ay napaiyak ako. I hate the thoughts that running in my mind. Fck. Was it true? Ang mga hinala ko? If it is, wala na akong magagawa.