Kabanata 2: Film Entries
*Editor's note: Kapapanood ko lang ng Koizora (Sky of Love). I've lost a loved one due to cancer, too. So sad.*
Nagtatakang umakyat si Ycel sa kanyang opisina, pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyante roon. Hindi naman sila ganoon dati, tingin niya may nais sabihin ang mga ito pero mayroon ding pumipigil sa kanila. Binuksan niya ang pinto ng opisina pero agad ding pumihit paharap sa mga estudyante.
"Bakit? Anong kakaiba sa'kin sa araw na ito?" Umiling ang mga ito bago bumalik sa kani-kanilang gawain. Lalo tuloy siyang nagtaka. "May nangyayari bang dapat kong malaman?"
Agad lumingon ang mga ito at nagkatinginan, tila nag-aantay ng kung sinong mauunang magsalita. "Guys, we're a team here. Anong nangyayari? "
"Ma'am ka-kasi..." simula ng Student Government President. Napatingin ito sa kasamang nakahawak sa kamay niya. "Ma'am may idinudulog po kasi sa'kin ang ilang estudyante ng Phoenix . Mayroon daw pong ..."
"Anong mayroon?" untag niya sa tila nagdadalawang-isip na estudyante. "Tell me, Tamara."
"Mayroon daw pong strange sounds and movements sa may storage room."
"Strange sounds?" nakunot-noo si Ycel. Malapit na ang University festival at nakasanayan na ang ganoong mga kuwento sa mga panahong iyon. Ngunit nawala iyon simula nang pumaroon sina Vanessa at Roan. "I wonder what brought it back."
"Ma'am ?"
Umiling siya. "Kung ganoon baka kailangan na nating mag-general cleaning. Baka namahay na doon ang mga daga dahil sa tagal na walang pumupunta roon."
***
Nabago na ang ayos ng storage room, mas malinis at mas maaliwalas na ito pero nandoon pa rin ang mga tinambak na mga lumang gamit. Bukod doon, nadagdagan rin ng ibang bagay ang lugar.
"Sabi ko na nga ba at nandito ka lang." napahalukipkip si Vanessa pagkalapit kay Roan na naiidlip sa swivel chair nito. Bago pa iyon kaya alam niyang ito ang nagdala niyon doon. Nakatakip ang sumbrero nito sa mukha at nakahalukipkip din. "Tulog ka na?"
"Buhay pa ang hagdanan mo?"
"Yeah. Ikaw?"
"San ako dumaan? Sa pinto siyempre."
Napapalatak siya sa sagot nito, tumahimik na ito matapos siyang sagutin. Nagpapahinga na ito. Ilang minuto pa silang nanahimik bago makarinig ng ingay mula sa labas ng silid. Napamulat si Roan at umayos sa pagkakaupo.
"Ako na." pigil ni Vanessa rito pero inabot lang nito ang isang maliit na bolang gawa sa goma at pinaikot-ikot muna iyon sa ere. Patuloy pa rin ang ingay sa labas ng pintuan at mas lumakas pa ito. "Anong plano mo?"
"Just watch." Bumwelo ito at ihinagis ang bola direkta sa pinto pero...
"Bull's eye!" hindi napigilan ni Vanessa ang pagtawa. Sa halip kasi na sa pinto tumama ang bola ay sa noo ito ng guwardiya nag-landing. Tila nabigla naman si Roan sa nagawa pero ibinuntung-hininga na lamang nito iyon.
Samantala, natutop naman ng mga estudyanteng kasama ng guwardiya ang kanilang mga bibig. Hindi rin naiwasan ng principal na mangunot-noo sa nangyari. "Miss Fianza?"
"Oh. Ginagawa niyo rito?"
Mas lalong lumakas ang tawa ni Vanessa sa nawika nito. Napailing si Ycel bago binalingan ang guwardiyang namula ang noo. Matapos kausapin ito ay umalis na rin maging ang mga estudyanteng kasama niyang pumunta roon. Silang tatlo na lamang ang natira roon. "Private huh?" ani Roan.
"So, kayo pala ang nananakot dito?"
"Siya." turo ni Vanessa sa kaharap. "Ngayon lang ulit ako bumalik."
BINABASA MO ANG
GNA3: Fall of Phoenix
Dla nastolatkówHeroes cry not because they are weak but because they had been strong for too long. - Quote from an Anime cover Ngayong kumpleto na ang kanilang grupo, may makakabuwag pa ba sa kanila? O sila na rin mismo ang sisira sa samahang kinalinga? Sinong man...