Another Witness

2 0 0
                                    

Kabanata 9: Another Witness

"Roan, anong nangyayari? Ikaw ba talaga ang nag-file ng kaso?" habol ni Vanessa kay Roan. Mabilis ang lakad nito papunta sa kanilang silid at ni isa sa mga tanong niya ay wala itong sinagot. Tumigil rin ito pagkapasok nila. "Is it true?"

"I want you all to vacate the room in three minutes." Wika nito. Nagkatinginan lang ang mga kaklase nila at hindi kumibo. "Leave!" taas nito ng boses, noon lang nagsilabas ang mga naroroon liban kay Vanessa.

"Hindi mo kailangang mandamay ng iba."

"Lock the doors."

Sumunod si Vanessa rito kahit pa hindi siya sang-ayon sa ginawa nito. Nakita niyang pumunta sa pinakadulong upuan si Roan at pumikit habang nakatungkod ang braso sa mesa at nakahawak ang kamay sa sentido. Isasara pa lamang niya ang pinto pero humabol sina Zander at Daryl.

"Roan, hindi niya ginawa iyon. Hindi namin alam kung bakit niya sinabi iyon pero hindi siya ang nagtangka sa buhay mo. Maniwala ka sana." Agad paliwanag ni Daryl. Nakaupo lang si Roan doon at nakapikit pa rin. "Kilala mo siya, hindi niya kayang gawin 'yon."

"Hindi madali pero sana pag-isipan mong mabuti ang bagay na ito." Segunda ni Zander. Nagmulat ng mata si Roan at direktang tumingin rito. "His mom..."

"I can't."

"What do you mean you can't?" si Vanessa naman ang nagtanong. Sa pagkakakilala niya rito, pinal itong magdesisyon at iyon ang unang pagkakataon na tila walang kasiguruhan ang sinabi nito. "Not now, Van. Not yet." Anito.

Nabaling ang atensiyon nila sa pintuan dahil sa isang boses na tumatawag kay Roan. "Your father is here. Pagbubuksan ko ba?"

Tumango ito. "Iwan niyo na rin kami." Walang kaimik-imik ang mga itong lumabas at ilang sandali pa ay nakita na niyang palapit ang ama sa kinaroroonan niya. Tumayo siya at sinalubong naman siya ng yakap mula sa ama. "Pa, I'm sorry."

"No, I'm sorry. Hindi ko alam."

***

"Pa'no na 'yan? Ano nang gagawin natin?" humarap si Reive sa mga kaibigan. Naroon silang lahat at tila wala sa mga sariling nakatingin sa kawalan. Nasa isang bakanteng opisina sila na ipinagamit ni Jayser habang wala pa itong OJT at doon muna sa Phoenix maglalagi. Alam nilang nakaalis na si Roan kasama ang ama nito. Walang sumagot ni isa sa mga nandoon at ni wala ring kumibo. Mabuti na lang at may kumatok sa pinto, doon nabaling ang atensiyon nilang lahat.

"Kumusta na kayo? Okay lang ba kayo rito?" tanong ng bagong dating na hindi na inantay na pagbuksan siya.

"Eto, parang nangangapa." Sagot ni Racer.

"Kumusta si Roan, kuya? Did she really filed the case against Sasuke? Akala ko ba tapos na ang nangyari sa North Empire at paanong nangyaring ginawa ni Sasuke ang bagay na iyon?" Naguguluhan na ring tanong ni Faye. Sinulyapan nito sina Ace at Charity na nag-iwas ng tingin. "Ano raw ba talaga ang nangyari?"

"Hindi ko rin alam." malalim ang buntung-hiningang pinakawalan niya. "Hindi ganoon sa tingin ko."

"Ganoon rin ako." sang-ayon ni Cassandra. "Anong nalaman niya tungkol kay Sasuke? May na-offend ba si Sasuke sa atin liban sa kanya rin mismo at si Marky?"

"Kung mayroon man, si Ace na iyon."

"Sharm, watch it." Awat ni Reive sa kasintahan.

Naupo na rin si Jayser sa tabi ni Marky. Ilang segundo silang nanahimik, nag-aantay ng sasabihin niya. "What she said before was not a lie. Totoo lahat ng sinabi niya bago sila pumunta ng Paris."

GNA3: Fall of PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon