Legendary Blue Royalty

3 0 0
                                    

Kabanata 4: Legendary Blue Royalty

*Editor's note: Nakagawa na ako pero trip lang, jumo-join..Balikan ko na si Roxanne, baka maglayas na.

~

Kauupo pa lamang ni Roan sa kanyang swivel chair pero agad ring napatayo dahil sa nakitang bouquet sa veranda. Nilapitan niya ito at binasa ang nakasulat sa kard na nakakabit dito. 'Frigillana' ang una niyang nabasa sa medyo nakatiklop na papel. Napapalatak siya dahil sa naalalang tao na may ganoon ding pangalan. Binuklat niya ang kard at natigilan sa nabasang pangalan. Tiningnan niya kung kanino ito galing at nagulantang sa nalaman.

"What about it?"

Napapitlag siya dahil kay Vanessa. Tiningala niya ito. "May pintuan naman di ba?"

"I prefer taking the ladder. It's quite—Ah!" ramdam ni Vanessa ang mabilis na pagkabog ng puso. Mabuti na lamang at nakahawak siya sa railing ng veranda bago masira ang hagdanan. Ngumiti siya kay Roan na mabilis nahawakan ang kamay niya. "Dangerous now."

"Can you step a bit higher? Medyo mahirap kang mahila sa posisyon natin." Sumunod naman si Vanessa at nakaakyat na rin ito. Sabay pa nilang nalingon ang nasirang hagdanan. "Kunin mo na lang ang duplicate key. It's safer to walk in the door."

"That was nothing. Kumpara sa mga napagdaanan kong mga gulo, katiting lang 'yan." Sa nasirang bulaklak naman sila napatingin. "Anong mayroon sa bouquet at seryoso ka kanina?"

"Wala." sagot niya sabay pulot sa bulaklak. "May ilang emergency whatevers ako sa bag ko. Gamutin natin sugat mo."

"Roan, may inililihim ka ba sa'min?"

"Mukha bang meron?" hamon niya bago pailing na nangiti. "Too much suspicion may create delusions. Careful, you might make a shadow you can't escape."

Biglang bumukas ang pinto ng storage room na ikinaalerto nila. Bumungad si Fox na mukhang masama ang araw. Mabilis niyang nilapitan si Roan at ikinagulat nila ang paghigit niya sa kamay ng babae. Agad kumawala ang nabiglang kaibigan at kunot-noong napatingin sa kanya.

"Anong nangyayari sa'yo Fox?!" hindi pa rin makapaniwalang bulyaw ni Roan dito. Si Vanessa naman ay hindi pa rin magawang magkomento sa mga nangyayari.

"I really hate it when everyone comes bugging me and you're not around to stop them. Bakit ba bigla-bigla kang nawawala?" Bakas sa tono at mukha nito ang inis.

"Ryosuke?" paninigurado ni Vanessa sabay turo pa rito. "Akala ko ba hindi na madurugtungan ang pelikula niyo?"

"Found yah, Foxy!" mula sa pintuan ay masiglang tawag ni Reive na halatang natutuwa sa paghahabol sa kaibigan.

Alam na ni Roan kung bakit inis ito. Binulabog na naman ito sa tambayan nito. Pero, hindi ganoon ang reaksiyon nito sa mga masasamang araw nito. Fox is like her twin, he is calm, more like peaceful. Nagsulputan na rin ang iba pang mga kaibigan nila na kinawayan pa siya. "Yo, Roan!"

"Oi, do they know the day?" tanong niya kay Fox.

"Everytime they remember yours."

"Sorry."

Pumalatak ito bago naupo sa upuan niya. Nagsalubong tuloy ulit ang kilay niya. "Please do something about those guys." Sabi nito.

Nginitian niya ito. "You know I don't take orders from anyone. But, just for today, this moment, I'll do. Exemptions are good, sometimes."

***

Nasa klase na sina Roan, Vanessa at Fox pero tahimik pa rin ang lalake at malalim ang iniisip. Ordinaryo lang iyon para sa iba pero para sa kanila may kakaiba na. Nandoon rin sa klaseng iyon sina Fumie at Charity na nagkapalagayang loob na marahil dahil magkatabi na ng upuan. May ilang minuto pa bago magsimula ang susunod na klase. Tahimik lang na nagbabasa si Fox at nakatingin naman sa labas ng bintana si Roan. Tumayo rin ang huli at awtomatikog nakuha ang atensiyon ni Fox. Nahila rin nila ang atensiyon ng buong klase. "You need some space out? Tara."

GNA3: Fall of PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon