Kabanata 5: Anniversary
Str.05.16.14.18.40
Editor's note: Saka ko na lang i-e-explain kung ano 'yang mga 'yan. Haha, ngayon ko lang naisipang isiwalat ang mga pangalan kasi ngayon ko lang napagdesisyunan kung ano talaga ang tawag sa kanila. (^0^)
~
Saglit na nilingon ni Roan ang kaibigang nahuli at ibinalik muli ang paningin sa kabundukang niyayakap na ng kadiliman. "Dumating ka rin."
"You won." Napabuntung-hiningang wika nito bago tumabi sa kaibigan. "Hindi ko akalaing gagaling ka nang ganyan."
"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko tuwing nawawala ako sa araw na iyon?"
"Hindi naman kalayuan ang North Empire."
Hindi makapaniwalang natawa si Roan sa sinabi nito. "Why would I go there?"
"Because I would also look at my mom's former office."
Hindi siya tumugon dahil inaantok na siya. Napagod siya sa mahaba nilang biyahe o karera. Napamulsa si Fox bago napabuga uli ng hangin. "Uwi na tayo." Aya nito.
"Anong silbi ng pagkatao kung wala na itong buhay?"
"Patay." Napangiti si Fox sa sagot at lalo na sa pagsagot nito sa ganoong tanong. Ilang segundo pa nilang pinagmasdan ang tanawing hindi na nila masyadong makita dahil sa pagdidilim ng paligid. "I wonder how your parents took things...noong kamuntikan na kayong mawala ng kuya mo."
"Much as I wondered how you handled your loss at our own university."
Napapihit ang lalake. "Tara na, madilim na."
Sumunod na rin si Roan dito. Nauna siyang sumakay sa kotse niya at pinauna na rin siya ni Fox sa biyahe. "I'll tell you something you wanted to know." Naalala niya ang kasunduan nila ni Fox kapag nanalo ito laban sa kanya. "It's about your mom's murder case." Ilang kilometro na ang natakbo nila pero hindi talaga niya kaya na manahimik na lamang, bago pa mahuli ang lahat, gusto na niyang sabihin dito ang totoong nangyari. Ang nalalaman niya at ang kinalaman niya sa nangyari sa ina nito. Iginilid niya ang kotse at huminto naman si Fox sa tapat niya. "Anong problema?" agad nitong tanong sa kanya sa kanilang speaker.
"That day..." panimula niya.
"Huwag na nating pag-usapan. Let's just go home."
Napahigpit ang hawak niya sa manibela. "That day she died, the last person she saw was me."
"Ano na naman bang gusto mong gawin? Gusto mong akuhin ulit ang kasalanan ng iba?"
"Makinig ka, Fox. The person who pulled the trigger was me. I let her die, Fox."
"Roan!" Ikinagulat ni Roan ang lakas ng boses nito. "Tumigil ka na." mahinahon na ulit ang boses nito pero alam niyang galit ito. Hindi niya na alam kung anong susunod na sasabihin dito. "I trust you. At ang marinig 'yan mula sa'yo ay hindi ko matatanggap." Wakas nito.
***
"Bibihira ka lang yata naglalagi sa classroom niyo." Napalingon si Roan sa kanya pero ibinalik rin ang paningin sa labas ng bintana.
"Nagkataon lang."
"Wala ang instructor niyo?"
"Kayo rin."
"May naging away kayo ni Fox?" usisa niya pero walang sagot mula rito. Naupo na rin siya sa isang mesa malapit sa bintana at pinagmasdan ang kaibigan. Malalim ang iniisip nito. "Wala kang binabasa?"
"I had just finished one."
Natahimik silang muli. Wala naman siyang nararamdamang pagkailang sa kaibigan. Katulad pa rin ito ng dati pero hindi niya alam kung maibabalik pa niya ang dating kaugnayan niya rito. "Hindi tayo nakapag-usap nang maayos pagkatapos ng birthday celebration niyo."

BINABASA MO ANG
GNA3: Fall of Phoenix
Novela JuvenilHeroes cry not because they are weak but because they had been strong for too long. - Quote from an Anime cover Ngayong kumpleto na ang kanilang grupo, may makakabuwag pa ba sa kanila? O sila na rin mismo ang sisira sa samahang kinalinga? Sinong man...