Godfather

1 0 0
                                    

Kabanata 7: Godfather

"What's going on?" ibinalik ni Roan ang mga papeles na nakuha sa opisina ni Ycel sa folder bago inilagay sa drawer ng study table niya. "I actually used a real human's name."

Napasandal siya sa upuan. "Crazy." Hindi niya alam kung paano nangyari iyon. Natutop niya ang bibig habang pilit nag-iisip ng mga naganap. Napapitlag siya nang may kumalabog sa kanyang pintuan. Kasunod niyon ang malalakas at mabilis na pagkatok ng ama. "Alam kong nandiyan ka. Buksan mo ang pinto." Anito.

Pinagbuksan naman niya ito ng pinto at ikinakunot-noo niya ang biglaang pagtapak ng ama sa loob ng kanyang silid. Napasandal siya sa pader malapit sa pintuan samantalang nakatayo limang hakbang mula sa kanya ang ama. "Ano pong nakarating sa inyo?"

"May klase ka pa?" sa halip na sumagot ay tanong rin nito.

Hindi iyon ang normal na tono ng boses ng ama kaya alam niyang alam na nito ang balitang kumakalat sa Phoenix. "May dalawa pa."

"Simula ngayon," hinarap nito ang anak. "Sasamahan ka na ng kuya mo kahit saan ka magpunta."

"He has his OJT, that would be a--"

"I said it. It's final." Giit nito. Nilapitan nito ang anak na nagtatanong ang mga mata.

"Do I look like a failure to you, dad?" tanong niya sa ama.

"Stop talking nonsense. Parating na ang kapatid mo."

Umalis na rin si Kurt at naiwan doon si Roan na napahawak sa ilong. "Pissed."

***

Nangiti si Jayser pagkakita sa kapatid na nakasimangot habang palapit sa kanya. Oras na para ihatid niya ito. "Nakasimangot ka."

"Seryoso ako."

"Bakit iba ang direksiyon ng labi mo?"

"Ha! May polar ang labi ko? Abnormal?"

Inakbayan niya ito at kunwaring sinakal. "Nag-aalala lang sa'yo si papa. You're doing it again and it scares them."

"I'm not gonna break."

"Stubborn." Bumuga ito ng hangin. Nagsimula na rin silang maglakad papunta sa kotse niya. Wala silang imikan hanggang sa makabiyahe na sila papuntang Phoenix. "Nag-iimbestiga na rin pala si Fox." Balita niya.

"Kasama sina Mark?"

"Halos lahat, excluding Faye and Cass pero nakikibalita naman."

"They talk to you?"

"They tell me the development, whatever the truth is they'll accept it." Nakatingin lang ang kapatid sa daan na tila ba may iniisip. "You miss them?"

"I'm not always with them."

"Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi mo sila iniisip. You always connect to them. Ngayon lang nangyaring magkaiba kayo ng agenda. Mukhang..." Muli niya itong nilingon at kahit wala itong masyadong reaksiyon, alam niyang nasasaktan ito higit kaninuman. Their bond is not ordinary that goodbyes are just waved. "Looks like you're falling apart."

***

Nakarating sila sa Phoenix sampung minuto bago ang susunod na klase. Dahil sa kagustuhan ng mga magulang nila, hinayaan lang ni Roan na sumunod sa kanya ang kuya. "Susunod ka talaga hanggang sa klase ko?"

"Wala ka namang problema roon di ba? Just like what we always do."

"Paano pala ang OJT mo?"

"Mag-e-extend ako sa summer."

GNA3: Fall of PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon