Kabanata 10: Visitor
*Editor's note: North Empire na!!!! Haha <(^0^)> cute.
~
Hindi inasahan ni Roan na mangyayari iyon. Tiningnan niya ang babae at saktong pumikit na ito at naglupasay sa mga kamay niya. "Miss..." napatingin siya sa palibot ng nabasag na salamin. Nakita niya roon ang hinahanap.
Pagkalapit ng mga humahangos na pulis ay eksakto ring tumunog ang alarma para sa susunod na klase. Halos tumigil ang oras kay Roan. "Ahhh!!!" nagsimula nang mag-panic at matakot ang mga estudyanteng nagsilabasan. "Sir," tawag niya.
"God! She's bleeding." Napatingin sa kanya ang pulis na pinulsuhan ang hawak niyang kamag-aral. "Secure the area." Utos ng pinaka-head ng mga ito sa iba pang pulis habang silang natira ay pinapakalma ang hindi makapaniwalang estudyante roon.
"Sa emergency exit na kayo dumaan. An officer will escort you, do not panic. Calm down." Anang pulis sa mga estudyante.
Nanatiling nakaupo si Roan doon at hindi niya malaman kung gaano katagal na siyang ganoon. Nakikita niya ang mga nangyayari pero parang ang labo ng lahat. Walang pumapasok sa diwa niya. May doktor na dumating kasama ang isang nars at ang grupo ng emergency response team ng Phoenix. Dumating na rin ang ilang guwardiya at... "Roan!" iyon lang ang malinaw na narinig niya. May humila sa kanya patayo at inilayo sa duguang babae. "Anong nangyari?"
"Get off me."
"It's not your fault, Roan." ani Vanessa.
Medyo tuliro pa rin siya. Binitawan na siya ni Vanessa pero ramdam pa rin niya ang panginginig ng malamig niyang kamay kahit pa naka-jacket siya. Alam niyang napansin din ito ni Vanessa. Lalapitan na sana siya ng isang pulis pero hinarang ito ng kasama. "Huwag muna ngayon, sir. Hindi muna siya magbibigay ng statement." Sabi nito.
Napaisip ang pulis bago umalis. Abala ang mga awtoridad sa pagko-kordon sa crime scene samantalang isa-isang nabuo ang kumpulan ng mga kaibigan ni Roan doon. Hindi niya iyon napansin hanggang sa lumapit sa kanya ang kapatid.
"Roan..." tinangkang hawakan ng kapatid ang mga balikat niya pero iniwasan lang niya iyon. "Anong nangyari?"
"I want to be alone." Pinasadahan niya ng tingin ang mga naroroon bago siya tuluyang lumayo.
***
"Ayoko!" nanginginig ang mga kamay niya habang pilit pinapahawak ng isang babae ang pistol. "I can't do it. Ayoko!" Napapitlag si Roan sa narinig na pagsabog. Napatingala siya sa isang firework na sumabog sa kalangitan. "It's okay." Anang kaharap niyang babae. She's so beautiful with that smile. "Everything's going to be fine."
"San mo ba balak pumunta?" Hindi na ikinagulat ni Roan ang pagdating ng taong 'yon. Nakita niya kasi ang kotse nitong pasunod sa kanya, hindi lang niya akalaing mahahanap siya agad nito. Tumabi ito sa kanya at tumanaw sa malayo. "Hindi ko akalaing may tinatago palang ganda ang bayan na 'to." Puri nito.
Magdidilim na ang paligid at kitang-kita nila mula sa kinatatayuan ang tila 'firefly' na nagkumpulan sa ilang bahagi ng kabundukan. Mga ilaw iyon galing sa mga gusali at bahay sa bayan. Nanahimik silang dalawa habang pinagmamasdan ang tanawing iyon.
"Ano nang plano?" Si Ferdz ang unang nagsalita dahil madilim na at parang walang balak ang kasama na magsalita.
"Di ko alam."
"Ba't di natin simulan sa damit mo?" napansin niya ang bakas ng dugo sa tagiliran ng t-shirt nito kahit pa natakpan iyon ng jacket. "Sa kanya ba 'yan? Panigurado marami na ang tawag sa bahay niyo ngayon at hinahanap ka."

BINABASA MO ANG
GNA3: Fall of Phoenix
Teen FictionHeroes cry not because they are weak but because they had been strong for too long. - Quote from an Anime cover Ngayong kumpleto na ang kanilang grupo, may makakabuwag pa ba sa kanila? O sila na rin mismo ang sisira sa samahang kinalinga? Sinong man...