Kabanata 3 : Nightmare
Hm.05.11.14.20.07
Editor's note: Sinusubukan ko pong gumawa ng kuwento na katulad ng format ng mga nagsusulat sa wattpad pero...ahuhu, hindi ko po makuha. Staff writer lang po ako...Mas madaling maging news writer, my gad!
~
Sumandal na si Roan sa kanyang upuan. Napatango na lamang ang guro sa sinabi niya. Nanahimik na siya.
"Huwag mong sabihing gusto mong ituloy?"
Napatingin siya kay Fox sa tanong nito. Hindi na ito nakatingin sa kanya paglingon niya.
"Ituloy niyo na." may pagmamakaawa sa mga matang sabi ni Fumie.
"Have you heard of Ace? Racer Vasco?" biglang lumapit si Vanessa kay Fumie.
"Van", pigil ni Roan rito at gayoon ding tiningnan ito nang masama ni Fox. Ngayon alam na niyang pareho silang ayaw ituloy ang kuwentong iyon.
"Since you left too soon, you haven't heard of the rumors, right?" tuloy nito.
"I'm warning you, Vanessa." Umayos siya sa kanyang upuan para maghanda. Ayaw niyang inuungkat ang tungkol sa bagay na iyon. Ngumiti naman si Vanessa bago tumango. "Okay, I'm not telling anything." Anito.
"Ang totoo niyan, pinayagan ako ng North Empire na ma-access ang mga journals kahit hindi na ako enrolled doon kaya naman may nakukuha akong updates kahit papaano." Pag-amin ni Fumie na sumeryoso ang tono ng boses. "You guys are quite popular in the best and the worst. Hindi nga lang ako naniwala kaagad dahil hindi naman nila kayo kilala."
"How about Phoenix or ISU?"
"Ang sinasabi mo ba Van ay 'yong tungkol sa rumored relationship between Ace and," napatingin ito kay Roan.
"Yamenasai. Enough of those." Mahinahong wika niya kay Fumie.
"Sorry, I didn't know." Paumahin nito.
Tumunog ang siren. Tila ba napakatahimik ng paligid dahil parang ang lakas ng tunog na umalingawngaw sa buong silid.
***
"Oh! Nandito ka nga." Manghang sinalubong ni Cassandra sina Roan pero si Fumie talaga ang gusto niyang lapitan. Binalingan niya si Fox pero iwas na iwas itong makipag-eye-to-eye sa kahit sinuman sa kanila. "Ang cute mo pa rin hanggang ngayon, Hana." Napangiti ito. Matagal-tagal na rin noong huling makita sila nitong magkakasama.
"Ikaw din."
"Sasabay siya sa'min." agad paalam ni Roan sa kanila. Hindi tuloy naiwasang mapangiti ng mga kaibigan. Mga ngiting makahulugan. "Bakit?" maang nito.
"Mauuna na ako sa kotse." Agad umalis doon si Fox. Alam na kasi nito kung saan papunta ang usapang iyon. Nagtawanan na lamang sina Cassandra at Roan pagkalayo nito.
"Ang galing mong mang-asar." Ani Marky.
"Parang noon lang." tugon ni Cassandra bago inakbayan si Fumie na walang kamalay-malay na ito pala ang sanhi ng kanilang asaran. Nakipaglapat-kamao siya kay Vanessa na tahimik lang doong nanonood bago ihinarap si Fumie sa mga kaibigan. "Guys, remember her? Hana Fumie Ichinose, kung naaalala niyo pa iyong batang bumubuntot noon kay Roan, siya na 'to."
"Hi." Tipid nitong bati. Iyon ang unang pagkakataon na nakaharap nito ang grupo dahil si Cassandra lang ang naipakilala ni Roan noon.
"Hello! Ako nga pala si Faye. Ito si Sharmaine at Reive, katabi ni Roan si Marky at iyong nakahiwalay, siguro kilala mo siya, si Racer."
"Si Des nga pala, Van?" naalalang tanong ni Roan. Hindi kasi niya nakikita ang babae kapag nagkakasalubong sila sa Phoenix. Sumenyas lang ito na para bang napaisip rin. "Kasama si Ferdz?"

BINABASA MO ANG
GNA3: Fall of Phoenix
Teen FictionHeroes cry not because they are weak but because they had been strong for too long. - Quote from an Anime cover Ngayong kumpleto na ang kanilang grupo, may makakabuwag pa ba sa kanila? O sila na rin mismo ang sisira sa samahang kinalinga? Sinong man...