Exchange Program

1 0 0
                                    

Kabanata 8: Exchange Program

*editor's note: (05.21.14) May nabasa akong kuwento na hindi ko talaga ma-get through. Under the Philippine law, siblings in law are not supposed to get married. Morally, hindi rin, di ba? Sumakit ulo ko doon.

~

"Nice seeing you again, Roan. It's been a long time since I last saw you." anito sa kanya.

"There was a sudden exchange program for the International Universities Educational Program." sa kabila ng pagkagulat ay naitanong pa rin ni Roan.

"Was that a question?" paniniguro ng ama. Saglit silang nagkatinginan ng 'kaibigan' daw nito at nagkangitian pa. "It was initiated by Janreel and,"

"How about the festival?"

"We'll move the festival to next year before February." Tumayo si Kurt at nilapitan ang anak. "May problema ba?"

Kitang-kita ni Roan sa mukha ng ama ang pag-aalala, maging sa paghina ng boses nito ay bakas ang pangamba. "Wala dad, alam niyo naman siguro na may mga kaibigan ako rito na maililipat kung saka-sakali. Ayoko silang malipat kahit pa pansamantala lang iyon."

"Pag-usapan natin sa bahay." Anito bago akmang tatalikod pero pinigil ni Roan ang kamay nito. "Bakit?"

Niyakap niya ang ama. "Mag-iingat kayo palagi." Kumalas rin siya agad at lumabas na ng pintuan. Nagpakawala siya ng mahinang buntung-hininga bago pumihit at ikinagulat niya ang nakitang mga tao ilang metro sa kanya. "Bakit?"

Itinaas ni Fox ang hawak na papel at ihinagis papunta sa kanya. Hindi niya ito pinulot pero malinaw sa kanya na ito ang listahan ng mga pupunta sa Educational Program sa ISU. "Ano na naman ba ang problema mo rito? Kung may susumbatan ka, hindi ako 'yon. Puwede ba tumigil ka na sa kakasisi sa'kin. You're too annoying."

"Roan?! Don't say that." naglakad si Faye palapit sa pinsan. Sumunod naman agad si Sharmaine rito. "Anong sinasabi mo? We're friends, right? Ayos lang ba sa'yo na malipat kaming lahat pabalik sa ISU?"

"Why not? We never had a good time together since you left me here. After all, you look at me like a bag of trouble weighing too much on your shoulders."

"Hey, hey..." mabilis na nakalapit si Cassandra sa pagitan ng mga ito. "This ain't the right time for this. Walang kakayahan si Roan na gumawa ng ganito kalaking event. This can be a mere coincidence."

"Ah." Sang-ayon ni Roan sabay ngiti. "Plus, this is only temporary."

"Right, so you could do whatever you'd be doing to ratify everything." Si Fox naman ang sumagot sa kanya. Naihilamos niya ang kamay sa mukha, sumasama lalo ang pakiramdam niya. Mabuti na lamang at sound proof ang opisina ng ama, hindi sila maririnig kahit pa magsigawan sila roon. "Hindi ako ganoon." Paniniguro niya rito.

"Dahil gagawin na iyon ng mga magulang mo."

"Fox," agad humarang si Marky sa daraanan nito. "Not here." Tumalima naman si Fox, agad itong tumalikod upang lumayo na sana kung hindi lang ito napigil ng huling pahayag ni Roan.

"Don't worry, you'll get your justice soon enough. Hindi mo na kailangan pang idamay sina mama."

***

Tumigil si Roan sa likuan ng hagdan sa pagitan ng una at ikalawang palapag. Kinakalma niya ang sarili para makapag-isip ng paraan o solusyon sa kinakaharap na problema. "Senior..." nagbago ang emosyong nadarama ni Roan sa pagtawag sa kanya ng isang babae mula sa Phoenix High. Nasa dating gusali nga pala siya. "Oh! Record breaker ka. Ikaw pa lang ang tumawag sa'kin na di ako tinakbuhan."

Lumapit ang babae at doon lang napansin ni Roan ang kakaibang tingin nito sa kanya. "May nagawa rin ba ako sa'yo?"

"Senior, alam ko may problema ka."

GNA3: Fall of PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon