New Friend

8 0 0
                                    

Kabanata 1: New Friend

*Editor's note: 01-02-14, This story is the third part of the GNA and she's still the King. Wahaha*

Napaangat ng tingin si Roan pagkapansing may ibang taong napadpad sa kinaroroonan niya. Pinakamalamig at pinakatagong bahagi iyon ng silid-aklatan, kalimitang siya lang ang pumupunta roon pero sa pagkakataong iyon napagdesisyunan na niyang iyon na ang huling beses ng paglalagi niya roon.

Inalis niya ang earphone at inantay ang pagpapakita ng taong magpapaalis sa kanya roon. Ilang segundo pa at napapalatak na lamang siya dahil walang nagpakita mula sa huling shelf pinakamalapit sa kanya. "Whatever."

Hindi pa man niya nabubuklat ang pahina ng binabasa ay may narinig siyang sumitsit. Hindi niya sigurado kung siya ba ang sinisitsitan pero lumingon pa rin siya. Napakunot-noo siya dahil wala namang ibang tao roon. Tumayo siya at umupo sa mesa para magmatyag, may sumitsit na naman pero mas mahina at mas mahaba ito kaysa sa nauna. Napaismid siya, "Sino 'yan?"

Biglang namatay ang ilaw pagkasabi niya niyon. May liwanag pa rin naman sa ibang bahagi ng silid at iyon ang nagbibigay sinag sa kinaroroonan niya. Nakaramdam tuloy siya nang mas lalong pagkainis sa nangyaring 'yon. Pinulot niya ang mga gamit at aalis na sana pero napabalikwas siya ng isang ingay mula sa kanyang likuran. Awtomatiko siyang napaatras para iwasan ang isang bagay na tila papunta sa kanya. Bulto ng tao ang naaninagan niya hindi multo. Napatid siya ng isang upuan at kamuntikan nang mabuwal, mabuti na lang at agad siyang napahawak sa mesa. Agad niyang binalikan ng tingin ang nakitang bulto pero biglang nawalan ng ilaw ang buong silid-aklatan. Rinig na rinig pa niya ang reaksiyon ng mga kapwa estudyante roon. Kinapa niya ang cellphone sa bulsa at pinailaw iyon pero tumilapon rin iyon dahil sa biglang pagkabagsak niya sa sahig, nagulat kasi siya sa halos gadangkal na lamang na pagitan ng mukha nila ng inaaninag.

"Naman..." napahawak siya sa nauntog na ulo. Bumalik muli ang ilaw sa buong silid. "Ten seconds? Not bad."

"Miss Fianza?!" napatakbo ang staff librarian sa patayong mag-aaral katabi ang mga nabuwal na upuan. "Anong nangyari?"

"Wala naman masyado," aniya at inayos ang sarili. Pinagtitinginan na siya ng halos lahat ng naroroon. "Pakiayos na lang po ang emergency exit nang hindi ginagamit sa kalokohan."

Napatingin na rin ang staff sa nakabukas na pinto doon habang papalayo ang nabiktima.

***

Natigil si Roan sa paglalakad at napahawak sa brasong tumama sa mesa. Tumuloy rin siya sa paglabas sa gusali makaraang mapakiramdaman ito.

"A-ano...Roan,"

Rinig naman niya ang pagtawag sa kanya kahit pa mahina lang iyon pero ayaw niyang pagbigyan ang isa pang panloloko sa kanya ng mga kamag-aral. Madalas rin kasi siyang tawagin pero wala namang kumakausap sa kanya, nagmumukha tuloy siyang tanga. May kalayuan na siya pero nasagap pa rin ng tenga niya ang tunog ng pagbuntong-hininga nito. "Muri desu. Dame da yo." Anito.

Pumihit siya at pinagmasdan ang isang babaeng palayo na sa kanya. Lagpas balikat ang na-V cut nitong buhok at naka-sling bag ng matingkad na asul. Nagsalubong ang mga kilay niya sa nakikita. "Cho-tto ma-tte ku-da-sai," paputol-putol na tawag niya na ikinatingin ng ibang mag-aaral doon sa kanila. "Onamae wa?"

Mabilis itong humarap sa kanya at yumuko. "Gomen nasai. Hindi na mauulit."

"Ano?" hindi siya makapaniwala sa inasal nito, umayos rin ito sa pagkakatayo at humarap sa kanya. Napailing siya. "Ikaw?"

"Pasensiya na, hindi ko naman gustong gambalain ka..." patuloy nito sa paumanhin pero nilapitan lang niya ito at matamang tinitigan. "Ba-bakit—Aray!" napahawak ito sa ulo.

GNA3: Fall of PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon