Bersikulo BenteNuwebe:

70 3 1
                                    


HER HEART

Ang rebelasyon ni Logan ang dahilan kung bakit sobrang laki ng eyebags ko sa araw na ito. Day 2 ng debate competition pero hinang hina  pa din ako. Around 10 pm kagabi, pinabalik na ako sa kubo namin. Pero pagdating ko doon wala si Logan. Binisita din ako nila Michael at Lallaine.

Paggising ko wala ulit si Logan. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Nabubuset na ako sa kanya sa totoo lang. Ilang araw palang kami magkakilala pero andami ng purwisyo ang ginagawa niya sa utak, puso at buhay ko. Pucha kasi.

*vibrates

"Good morning, George! Good luck sa contest today. Nail it, girl! Take care, please? For me."

Hindi ko mapigilang ngumiti sa text message ni Nero. Umagang umaga, kumpleto na ata ang araw ko.

Magrereply na sana ako ng biglang may bumulong sa tenga ko,

"Appear, disappear, one half, one fourth, one fourth, one half, disappear, appear."

I only know someone who would say that.

"Hi Cassy!"

Umupo siya tabi ko.

"How are you, Georgy?" nakangiti niyang bati sa akin.

She's wearing short and black sando. Sobrang elegante niya tignan kahit parang nakapambahay lang siya.

"Mas okay na ako ngayon. Magswiswimming ka ba?"

"Yep. Wanna join?" mukha talaga siyang anghel. 'Yong accent niya lutang na lutang din.

Mga bata palang kami pansin ko na ang kaamuhan ng mukha niya.

"No. Contest eh. He-he."

"Ah oo nga pala! Sorry. Niweys, nakita mo ba si Dim?"

Dim? Sino si Dim?

"Who's Dim?" medyo confuse na tanong ko sa kanya.

"Oh my gosh! Dim, as in Dmitri. Boyfriend mo."

Oh. Pucha. Oo nga. So Dim pala ang term of endearment niya kay Logan. Hindi ko alam pero biglang sumakit ang dibdib ko. May sakit ba yata talaga ako?

"Ahh siya pala. No eh." Pakialam ko ba sa kanya? Nangiwan kaya yan bigla kagabi. Di man lang nagpaalam. Uggh.

Eh bat kailangan magpaalam?

Ugggggh ayoko na siya isipin.

"Kumain ka na ba?" Sabay subo sa kinakain kong bacon. Dinivert ko agad ang topic. Baka magtanong pa 'to ng kung ano ano tungkol kay Logan eh.

"Oh no. I'm on a diet."

WOW. DIET PA SIYA SA LAGAY NG KATAWAN NIYA? huhuhu nahiya na po katawan ko. Mukha na siyang supermodel, tapos diet pa siya. Lord, bakit po?

Dinaan ko nalang sa tawa ang sagot ko.

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHHA"

Natawa na din si Cassy.

"Oh my gosh! You never change. Malakas ka pa din tumawa."

And, again, I laugh at that.

"HAAHHAHAHAHAHAHHAHAHA"

Hanggang sa...

PUTANGINA. Sinong walanghiya ang humalik sa pisngi ko?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Brain VS. Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon