Bersikulo Bente: Utak at Puso

168 13 2
                                    

HER HEART

Akala ko detention na talaga aabutin ko kay tanda. Buti nalang.

Kelangan ko pang umattend ng 2nd Class ko. Si tanda kasi ang dami pang arte, natagalan ulit tuloy ako. Lol.

So, eto ako.... *Takbo, lakad, takbo ulet, tigil, hinga muna, takbo, lakad, takbo.

Putik kasi na elevator. Kung kelan kelangan dun naman nasira. Ugh.

Pagkadating ko naman sa tapat ng kwarto namin, hingal na hingal na ako at amoy pawis na din ako. Ewww. So, nagpunas muna ako then bahala na. Basta, maganda naman ako eh. AT SEXY PA.

Yes. Sakto, wala pa ang dakilang prof namin sa chemistry.

"Hey George! Where have you been?" -ang maarteng boses ni Hillary ang bumungad sa akin

"Ah, eh... Ahhm. Kumain. Hehe" 

Tapos si Nero naman ang sumunod na kumausap saken. *blushes


"Tinakasan mo lang si Dragon eh. Hahaha."

Putik. Wag kang tumawa ng ganyan. Hindi ako makapagsalita eh.

"Lunch ulit mamaya?" -siya ulet

Waaaaaaaah. Lord, thank you po! HAHAHA.

"S-sige." Hala. Eto na naman ako sa pagkabulol ko. Tapos naglakad na ako papuntang upuan ko. Baka mabuko niya pa akong crush ko siya eh.

Hindi ko tinignan si titig boy kasi nahihiya ako sa kanya. I mean, ayoko muna siya kausapin. Tapos ayoko nga siyang lapitan dahil sa malakas na pakiramdam ko sa kanya. Iiwasan ko nalang siya buti pa.

 At dahil wala pa si Prof. Tala, kokopya muna ako ng lesson nila kanina kay Dragon.

"Caroline, peram naman ng notes mo kanina." -tapos ngumiti ako ng nagpapacute, kung paano yun? Aba malay ko.

"Sure. Haha. Ang cute mo George, shocks! Picturan ko nalang tapos isend ko sa phone mo."

See? Maganda na, cute pa! Pero wait, WALA PO AKONG CELLPHONE NA MAY CAMERA. T_T Pero mapagtripan nga muna si Caroline. Haha *evil smirk

"Oh sige. Isend mo dito." Tapos nilapag ko sa mesa niya yung cellphone ko na bulok na galing din naman sa bag kong bulok na. Lol.

Nakita ko yung gulat na expression niya. HAHAHAHA. Ito yung gusto ko eh.

"Isend mo na." Tapos nakangiti ako ng mapang-asar.

"Ahm, seryoso ka ba George?" para siyang natatae na ewan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Joke lang." tapos tumawa na din siya.

"Grabe ka. Pinagtripan mo na naman ako." Oo, tama nga siya, Lagi ko siyang pinagtritripan. Ang epic kasi ng mga reaksyon niya eh. Tulad kanina, parang natatae na ewan.

"Ah ano kasi pfffft, wala akong matinong phone. Kaya kopyahin ko nalang." -medyo nahihiya akong sabihin, pero wala pa din akong pakialam. Natatawa pa din ako. Pffffffft.

Tapos kinopya ko ng mabilisan yung notes na halos wala din naman pala. Ang galing talaga ng Dragon na yun. Tssss.

Mabilis natapos ang Chemistry class namin, and after that sumunod agad and isa sa mga elective class namin this sem na Communication studies.

Dumating na yung prof so natahimik na kami lahat. Babaeng edad 40's na si Prof. Tala.

"Goodmorning class. To start our discussion for today, I want you to choose between 2 colors, red or green. Lahat ng red pumunta sa right side and green to my left side. Pakiaayos na din yung chairs. Face off, please." yun agad ang sinabi niya pagkalapag niya ng mahiwagang briefcase niya sa mesa.

His Brain VS. Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon