Bersikulo BenteTres: Soft, Tender, Sexy Lips

141 7 6
                                    

HER HEART

Matapos ang tatlong oras na panginginig ko sa eroplano (dahil sa takot), finally, we're here.

Pagkababa ko sa kotseng sinakyan namin ni Logan, agad kong inilibot ang mata ko sa lugar at sininghop ang masarap na hangin. Ibang iba talaga ang mga ganitong lugar. Haay. Parang ayoko na bumalik sa Manila.

Isla Utakin.

Hindi siya isla kung iyon ang iniisip niyo, isa siyang beach resort na napapaligiran ng napakadaming puno, mostly mga puno ng niyog. Nagmumukha din siyang Isla dahil sa kakuntihan ng mga tao. Yong tipong parang wala talagang nakatira. I now wonder kung bakit dito ng venue.

This place is just breath taking.

Hindi ko mapigilang mapamura ng malakas. Duh. Kilala niyo naman akong maingay eh. Haha.

"Pakshet. WOW TALAGA! Kita mo ba 'yon Logan? Solid blue yong beach oh."

"Ssssh! Too noisy. -__-" -sabi ng isang lalaking hindi ko maintindihan ang paguugali. Ugh. Nag-poker face pa. Kurutin ko mukha nito eh.

Nasa likod ko siya ngayon. Nakunaku. Weirdness overload. Parang nasa menopausal period. 3hrs kami sa eroplano kanina, tapos di man lang ako kinausap ng matino. Pero tingin naman ng tingin sa akin. Buti't mabait ako kanina, kundi sinigawan ko na siya't inaway. Hahaha. Warfreak.

Tinanong niya ko kanina kung takot daw ako sa heights. Well, hindi naman ako takot sa matataas na lugar, takot lang talaga akong mahulog na walang sasalo. Magkaiba yun.

Tsaka, first time ko sa eroplano, aba syempre natural lang na matense.

Anyways, si Prof Tala ang agad sumalubong samin.

"Finally, you're here." -masayang bati niya sa amin.

"Hi Ma'am!" -syempre super ngiti ako.

Si Logan naman............

WALA. DEADMA. Tss.

"Let's get inside." -Prof tala na halatang excited.

So, ayun pumasok na kami and I expect a hotel or something, but since this is an "island." Ang meron ay mga kubo.

Wow. So sa bahay kubo kami magsstay? Magaling.

"So, per school 1 kubo. Ibig sabihin we'll share sa kubo for 3 days. Dont worry may bed naman na tatlo. And, complete appliances yun. And it's not just a simple kubo, you'll see." -agad na nagexplain ang prof.

Bigla namang humirit si titig boy.

"But, you're not going to stay with us." -sabi niya na parang wala lang.

Ano daw? Hindi magsstay si prof? Anong kagaguhan to?

"Yes. Exactly Mr. Jackson. How did you know btw?

(*I needed someone like you in my life. HAHAHAA. LOL)

Oo nga. Paano niya nalaman yun?

Tinignan ko siya at nabigla ako ng mapansin kong medyo naging tense siya. Wait. Is he hiding something?

His Brain VS. Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon