HER HEART
Matapos kong ma-ipagluto ng hapunan si Kimpoy ay nagpaalam na din ako agad sa kanya. May raket pako ng alas otso ng gabi hanggang alas onse. Ito yung pangatlo kong trabaho. Isang barista o taga-gawa ng kape sa isang Coffee Shop. Nakapasok naman ako dito dahil pagmamay-ari ng pinsan ng pudra ko ang coffee shop na yun.
Yung una kong trabaho is yung pag-gawa ng mga projects o kahit anong papagawa ng mga estudyante, nangyayari yun kahit anong oras o araw.
Pangalawa naman yung pagiging cashier ko sa isang restaurant. Alas nwebe ng umaga hanggang alas singko dapat ako doon, kaso nga di ako nakapasok ngayon dahil sa pagkahimatay ko na dulot ng sobrang sakit ng ulo ko at siguro dahil na din sa pagod. Haaaay. Nanghihinayang pa din ako sa sayang na kita kanina.
Kung papansinin niyo, grabe yung pagtratrabaho ko. Ayaw ko kasi tumigil sa pag-aaral ang kapatid ko at nagiipon din ako para naman kahit papano may pera kami at pang-gastos. Kasi naman, ulilang lubos na kami. Masakit mang isipin pero, simula ng di na nagparamdam ang step-pudra ko, ako na ang tumayong nanay at tatay ni Kim. Never akong umasa sa ibang relatives namin, bukod siguro kay Kelong.
Sampung taon ako ng tumigil na sa pagpapadala ang step-pudra kong ugok. Badtrip yun na tao! Di man lang naisip si Kim. Haaaaay. Minsan, ang mga tao talaga. Dahil mas ginugusto masunod ang sariling kasiyahan nakakalimot sila sa kapakanan ng ibang kapamilya nila. Pagkatapos ko tuloy maghayskul, hindi na ako nakapag-aral pa. Gumradweyt pa man din akong Valedictorian. Odiba!? Sabi sa inyo, matalino ako eh.
OO. TOTOO TALAGA. Matalino daw ako. Simula elementary hanggang hayskul ako lagi nangunguna sa klase. Lahat ng contest na sinasalihan ko na puros quiz bee never pa akong natalo. Grabe nga eh, halos sambahin ako ng mga teachers at buong estudyante ng school namin. Akalain mo ba namang mas matalino pa daw talaga ako sa mga guro ko. Masakit mang isipin para sa mga guro, pero feeling ko totoo eh. HAHAHAHAHA.
Nagtataka din ako kung bakit sobra ang katalinuhan ko minsan, pero parang namana ko ata ito kay Pudra. Natatakot nga ako na baka masiraan din ako ng ulo. Kasi si papa, nasiraan siya ng ulo dahil sa sobrang talino. Oo. Tama nga. Yun nga ang dahilan. Kaya matakot kayo sakin. Ganito man ako, sobra naman ako sa talino at common sense. HAHAHAHAAHHHAHAHAH. Pramis! No joke here.
Anyways, nakarating ako ng Coffee shop ng sakto sa oras. Hihihi. Lagi kasi akong late eh. Kaya lagi din akong pinapagalitan ni Uncle Dong. (Rodulf pangalan niya) Keldong lang palayaw ko sa kanya. Shortcut yun. Hahahahaha.
Pero kahit lagi akong late, hindi ako niyan sisesentahin. Ako pa! Malakas ata super charms ko.
"Goodevening Keldong!" malakas at masayang bati ko kay Uncle Dong.
"Aba aba! Di ka ata late sa oras ngayon Georgy."
Kung Keldong tawag ko sa kanya, siya naman Georgy. Ugh. "He-he-he." tumawa nalang ako bilang sagot. Pumasok na din ako ng staff room at nagpalit ng uniform. Ang cute ng uniform dito. Para akong nagcocosplay ng mga Japanese anime chevarlu.
Pagkatapos kong nag-ayos ng sarili. Lumabas na ako ng room at pumunta agad sa counter. Andun na din si Leny. Yung partner ko sa trabahong ito. Tinanguhan ko lang siya at kininditan. Tinapik niya naman ako sa balikat. Yun ung paraan ng batian namin. Tamad kasi yan magsalita. Tahimik. Ang boring na buhay. Sariling pananaw lang naman. Mas maingay, mas masaya! Oyeaaaaaah!
"Goodevening Ms. Beautiful. May I please help you with your order." nakangiti kong bati sa unang costumer ko. Isang teenager na halatang rich kid ang costumer ko na alam kong laging nandito. Isa siya sa mga suki at kilala ko na siya kaya nga Ms. Beautiful tawag ko sa kanya. Maganda naman talaga siya at mahinhin pa.
BINABASA MO ANG
His Brain VS. Her Heart
Teen FictionLet's talk about brains and hearts. Kaya kung wala ka ng isa sa mga 'yon, sorry wag mo ng ituloy ang pagbabasa. Masasaktan ka lang. __________________________________________________ What if you can hear all of them even if they're not actually verb...