Bersikulo Tres: Si Nero

296 20 22
                                    

HER HEART

Malambot.

Malambot yung hinihigaan ko. Hindi gaya ng simpleng banig lamang sa bahay namin. Bahay. Oo. Bahay nga.

Ay pucha! Bahay namin. Ibig sabihin wala ako sa bahay namin. Agad agad akong bumangon. Saang lupalop ba ako ngayon? Ang natatandaan ko lang ay si Clown at ang thesis niya. At.............

"Pakshet!" Malakas kong nasabi. Ano na ulIt nangyari?

"Hey. You're finally awake."

Nabigla naman ako ng biglang may nagsalita. Hinanap ko agad kung saan galing yung boses. Kaso walang tao, ay pucha! Minumulto ba ako? May katabi pa akong isang kama, kaso natatakpan ng kurtina kaya di ko alam kung may tao. So, malamang tanungin nalang natin. Diba?

"Ah, may tao ba jan?" painosente pero medyo kinakabahang tanong ko.

"Walang tao dito." seryosong sagot nung tao. Wala daw tao??? So, ibig sabihin....... hindi siya tao?

Tumayo ako mula sa kama at binuksan yung kurtina ng pabalang. LOKOHIN BA NAMAN AKO?

"Aba'y pucha! Pinagloloko mo ba ako? Nanakot ka-----------" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko siya.

Hindi nga to tao.

Dahil masyado siyang gwapo para maging tao. Ang kinis ng kutis, ang kapal nung pilikmata, ang ganda ng ayos ng buhok, matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay, walang pimples o eyebags......... BASTA ANG GWAPO! Tao ba talaga to? Nakakainggit eh.

"Miss, you're drooling Tsk." Sinabi niya to habang nagsmirk. Sh*t. Mas gumwapo pa siya nung ginawa niya yun.

Ah. Wait. Processing yung sinabi, drooling daw.... so ibig sabihin.... pusang gala!

Awtomatiko akong humawak sa bibig ko. Shit! Wala namang laway eh. Muntik lang. Kasi di nahulog.

"Hoy! Di ako naglalaway. yabang mo!" pasigaw kong sabi.

"Aww! Ang ingay mo. Maganda ka pa naman sana kaso ang laki ng bunganga mo." Tumayo na din siya at nagsimulang maglakad papuntang pinto.

Pusang gala! MAGANDA DAW AKO!???

Anak ng kambing na nanganak ng kalabaw dahil nirape daw ng langaw! Nag-init bigla ang mga pisngi ko. Buti nalang naglakad na siya kung hindi baka makita niya pa yung mukha ko. Pero, aalis na siya?

"Wait." Shet! Medyo humina pagkasabi ko nun. Anyare sakin?

"Oh ano?" Ang cool din ng boses niya. Halatang mayaman eh.

Tatanungin ko na lahat dahil parang nagmamadali ata siya. "NASAAN AKO? ANONG ORAS NA? ANONG NANGYARI? BAT ANDITO KA? ASAAN NA SI CLOWN? BAKIT LAKWATSERA SI DORA? SAAN------"

"Stop! You're being noisy again. Lumabas muna tayo then I'll explain everything."

His Brain VS. Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon