Bersikulo Syete: Thy attraction

208 14 8
                                    

HER HEART

Abamatindi! Anong klaseng tanong yan? Bugtong? Tsaka ang creepy ng boses ng matanda nung sinabi yun.

"Voiceless it cries

Wingless flutters

Toothless bites

Mouthless mutters"

Ako ba'y pinagloloko ng mga ito? Pero tinignan ko naman ang expression nila, seryoso sila. Putik! Pati yung mga tao naghihintay at nagiisip. Joke ba to?

Si Hillary mukhang nagiisip din. Nakatingin siya sakin na parang nageexpect. Ano ba!? Naprepressure ako bigla.

Voiceless it cries

Wingless flutters

Toothless bites

Mouthless mutters

Ano nga ba? Isip George. Isip. Isa siyang bugtong. Voiceless. Wingless. Toothless. Mouthless.

Sa malamang, taong pipi, at bungi ito. Wala ding pakpak. HAHAHAHA. Disabled person? Syempre, alam kong there's more to that. It's a logic.

"What? You can't answer right? Tsk." sabi ng Lola ni clown at nagsmirk pa.

Nafascinate naman ako sa pag-smirk niya. Akalain mo, matanda na't nakakaganun pa.

"Osiya. We'll just go." sabi nung matanda ng di ako nagsalita.

"No mumsy! Let's wait for her answer." Hillary protested. Tinignan naman ako nung matanda na parang binabasa niya ulit ako. Napakunot ang noo niya at napatingin siya sa dibdib ko.

Aba manyak na tibong matanda ba ito? Tapos bigla siyang ngumiti.

Pero, OO nga! Di siya pwedeng umalis ng di ko yan nasasagot. Nagsimula ng umandar ang utak ko eh. Di ko to pwedeng itigil.

"I have no time, waiting. But since I like her attitude and her surname. Let me do this." mahina pero narinig ko pa din namang sabi nung matanda. Tapos bigla siyang may nilagay sa mesa.

"Pumunta ka sa school na ito, pag may sagot ka na." Then they left.

Putik! Ano daw? Napatulala nalang ako. She likes my attitude and surname? Akala niya ba lalaki ako tapos pakakasalan niya ako, tapos magiging Medina na din apleyido niya? Sh*t. Di ako papatol sa matanda, lalo't lalo na na babae.

Abamatindi! Sobra ko atang ganda para pagkamalang lalaki. Naspeechless nalang talaga ako.

Ng saktong narinig ko yung pagsarado nung pinto, may naisip ako.

ALAM KO NA ANG SAGOT! PUCHA! Kedali-dali pala eh. Ang shunga ko lang kanina eh.

Wait. Kailangan ko sila habulin. Saglit lang talaga.

Dali-dali akong umalis ng counter para habulin sila. Si Leny naman biglang nagsalita.

"Oy! Ano nangyayari sayo? Wala na sila, hayaan mo na yun."

His Brain VS. Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon