Bersikulo Onse: Thy forgotten family.

182 12 5
                                    

HER HEART

Sa loob ng dalawang araw, bigla nalang nagbago ang takbo ng buhay ko. Akalain niyo yun!?

Kung dati buong araw akong nagtratrabaho, ngayon isa na ulit akong estudyante. Take note, di lang basta bastang student. Student ako ng PBA. WHICH MEANS MGA MAY UTAK LANG ANG NAKAKAPASOK. Mainggit kayo.

Masaya naman ako, pangarap ko kasi makapagtapos at makapagtrabaho ng maayos para di na kami maging dukha ni Kimpoy.

Kaso syempre, tama ba na pinagkatiwalaan ko agad si Clown at Tanda? Sabihin na nating utang na loob nga ni Tanda yun kay pudra.Pero, Bakit? I mean, anong nangyari?

As I have said, wala na si papa. He's one of those patient who died nung nasunog ang mental hospital na kinaroroonan niya. Kaya di ko siya matatanong. And asa naman ako na makausap ko siya ng matino if everna buhay pa nga siya. Konti lang ang naaalala kong memories namin. Kasi nabaliw nga siya nung 5 years old palang ako. Seryoso ako nung sinabi kong dahil sa sobrang katalinuhan kaya nangyari yun. Baliw man si papa that time, his weirdness was so cool.

"Baby Georgina, if one egg flies up to the sky what will happen to the egg?"

"Papa syempre mahuhulog at mababasag yun."

"No baby, the egg will never return. A mother dragon will catch her up there then they will live to the lonely mountains happily together with the father hippopotamus."

Oh diba, weird pero cool!

HAHAHA. Natatawa nalang ako pag naaalala ko mga trip ni papa.

Wala eh, sabi sa inyo agressive ako. Kaya ko tinanggap yung deal ni Tanda. And naniniwala ako na, you will not know unless you try. Once in a lifetime opportunity.

Diba? Hahaha. English ule yun. Putik!

Nga pala, nasa bahay na ako ngayon. Hanggang lunch lang ako nagstay sa school. Kasi, ndi pa talaga ako ready! Chos!

Natural, wala pa akong gamit. At bdtrp kasi si Clown, di ako tinantanan buong klase. Tapos medyo natakot pako sa katabi ko na wagas makatingin. Gwapo nga sungit naman. Kay Nero nalang ako naeexcite.

Tsaka, pwede naman daw muna akong magabsent sabi ni tanda para daw makapag-paalam ako ng maayos sa trabaho ko.

Naayos ko na yun kanina. Madali lang naman, sinabi ko nalang na bigla akong yumaman at sawa nakong maging dukha. Naniwala naman. Hahaha.

Ops, pero di ko igigive up yung work ko sa Coffee shop. Sayang din kasi kita nun. At tsaka gabi naman, kaya keribels ko. At, tatanggap pa din siguro ako ng mga projects or thesis. Basta depende sa magiging buhay ko bilang estudyante.

His Brain VS. Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon