HIS MIND
It is still a mystery to me why I suddenly had a killer headache a while ago. That was my first time and it triggered my curiosity. Why? I am not saying that I am invincible but that headache has never happen before.
Was that connected to my condition? I want some answer. No- not want. I need it.
The room felt so compacted as I think. I am currently researching about my condition. Bukod sa mga telenovela at movies na mga fictionated, wala talagang lumalabas na result tungkol sa condition ko. Araw araw din akong nagbabasa ng libro, dahil baka sakaling may mahanap akong mga sagot. Kaso wala pa talaga.
I don't know if I'm hopeless here, but I really wanted to be normal. Dati, tuwang tuwa pa ako sa nagagawa ng powers ko, that I even used it for my own happiness and needs. But as I grew older, I realized that I can't handle the effects of this power.
Pinaikot ikot ko ang swivel chair ko. Oo, para akong bata. Pero, I feel happy everytime I do this. Pinagmasdan ko ang buong room ko na mukhang library. My room is full of books and gadgets. This place serves to be my research area and at the same time, comfort place. I don't know, but everytime na nakakakita ako ng libro natutuwa talaga ako.
HER HEART
Kyaaaaaaaaaaah! Di pa din ako makaget-over.
Pagkatapos namin kumain ng Street foods na napag-alaman kong paborito pala niya ay hinatid ako ni Nero MY Mr. Perfect.
Pucha! So, pagmamayari ko na agad siya? Jusmiyo. Nahihiya ako sa sarili ko. Pero kasi naman, ngayon pa lang ako tinamaan ng ganito. Aba eh! Ideal boy naman kasi si Nero. Sino ba namang di magkakagusto doon?
"Ate...."
Pero, syempre alam ko naman wapakels yun saken, wala ako pagasa kaya back off ang peg ko.
Determinado naman akong maganda at sexy ako. Ahem.
Kaso, alam ko din namang isa akong dakilang dukha. Hindi ako naniniwala sa 'langit ka, lupa ako' love team. Kaso, kung magpapakatotoo tayo, maraming di nagtatagumpay na ganyang relasyon. Yung iba namamatay pa nga. Haha. Yun sabi sa mga nabasa ko. Basta, di kasi ako ambisyosa.
"Ate....."
Crush ko palang yung Nero, pero napunta na agad sa Love and Conflicts! Pero paano kung nagkagusto din siya sakin?
"ATE!"
"Anak ng kabayo na nahulog sa kanal at sinagip ng dinosaur!" Aba't sino ba namang epal ang umistorbo sakin?
"Ate, kanina pa kita tinatawag. Bat ngayon ka lang? Tsaka, sino yung naghatid sayo? Ang gara ng sasakyan ah. Boypren mo ba yun? Ate aahon na ba tayo sa hirap? Tsaka........." Agad ko na siyang pinutol sa anumang sasabihin niya pa.
"Hindi ko siya boypren unang una, dahil soon to be pa lang. HAHAHAHAHAHA."
Amputik! Nababaliw na ata ako.
"Buti kung papatol sayo yung gwapong mama na yun." patawang sabi ni Kimpoy.
BINABASA MO ANG
His Brain VS. Her Heart
Teen FictionLet's talk about brains and hearts. Kaya kung wala ka ng isa sa mga 'yon, sorry wag mo ng ituloy ang pagbabasa. Masasaktan ka lang. __________________________________________________ What if you can hear all of them even if they're not actually verb...