Bersikulo BenteDos: Beautiful like Sunrise

116 5 2
                                    

HER HEART

AWKWARD.

Hinatid niya nga ako papunta sa bahay namin at never ko siyang kinausap while nakasakay ako sa kotse niya. Awkward nga eh. Nakakainis kasi. Ngumiti ngiti pa. Dati sa titig niya lang ako nabubuset, ngayon pati sa ngiti niya. Kanina parang may death threat ako nung sinabi niyang: "Hindi pa tayo tapos, Georgina." Tapos ngayon, di ko maintindihan pag-uugali. Ugh. Bumabait bigla. Maging masungit na lang siya forever buti pa.

Andito na ako sa kwarto ko ngayon at nakatingin sa kisame. Hindi ko maintindihan kung bakit pero hindi ako tanga. Alam kong may mali sa feelings ko toward Logan. He made me feel uncomfortable, pero may something talaga. Tapos kanina bago siya umalis, nabigla na naman ako sa sinabi niya.

"By 4:45, I'm already here. You must be ready by that time, Ok?"

"Ge." -sabi ko nalang habang nakatingin sa paa ko.

And then he said it.

"Why are you not looking at me?" 

PUCHA.

"Why the hell should I look at you?" sabi ko, pero hindi pa din ako tumingin sa kanya. Putik eh. Napapaenglish ako sa taong ito.

"The color of your eyes is amber brown, right? And it glimmers in the dark. I want to see it. They're beautiful." -napakaseryoso niyang sabi. Yung tipong mapapataas ang balahibo mo.

At dahil dito napatingin na ako sa kanya. Waaaah. *dubdub dubdub dubdub

Anong sasabihin ko? Ugh. Bahala na.

"Ge. Bye."

Tapos nagmadali akong tumalikod. Muntik pa nga akong natisod sa pagmamadali ko eh. T_T Nakakahiya. Nakita kaya niya yun?

Haaaaaaaaay. Logan. Anong ginagawa mo sa sistema ko? Could it be............?

"Ate........"

Hala. Gising pa pala si Kimpoy.

"Oh, bat gising ka pa?" -tanong ko sa kanya. Mukhang nagising lang ata bigla.

"Tabi tayo matulog. Aalis ka bukas eh." -sabi niya habang papalapit sa higaan ko.

Ang sweet talaga ng kapatid ko.

"Sige ba, basta wag mo iiihan tong banig ko ah." -pagbibiro ko naman sa kanya.

"Hala ate. Malaki na kaya ako. Tssk."

"HAHAHAHAHAHAA PIKON." -malakas na tawa ko

"Ate naman, maawa ka sa mga kapitbahay natin, tulog na sila nagiingay ka pa din. Wala ba talagang day-off yang bunganga mo?" -siya

His Brain VS. Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon