MMB 12

23.4K 248 8
                                        

MMB 12

JOHN’s POV

Isang lingo na simula nang mangyari yon..

Isang linggo na simula ng manghingi siya ng space..

Sina Christian at Mara ang laging kasama niya..

Balik sa dati kami na sila ang magkasama lagi..

Miss na miss ko na siya..

Sa bawat araw na nagdaan parang may kulang ang buhay ko.

Hindi na ako kasing saya tulad noon..

Kapag kasama ko lang siya parang buo na ang araw ko..

Namimiss ko na ang yakapin siya..Ang hawakan ang kamay niya..

Namimiss ko na ang pang aasar niya..

Namimiss ko na ang mag ngiti niya sa tuwing makikita niya ako..

Namimiss ko ang pagsabi niya ng I love you sa akin..

Namimiss ko na ang pagsabay namin ng lakad na magkahawak kamay,

Namimiss ko na ang paghatid at pagsundo sa kanya..

Namimiss ko na siya..Siya mismo..Sobra na,,

Siya namiss nya kaya ako?

Siguro hindi pa..dahil sa loob ng isang linggo naming hindi nagpapansinan,tinangka ko siyang kausapin pero umiiwas siya..Nagtetext ako sa kanya hindi naman nagrereply..Tinatawagan ko siya pinapatayan naman ako ng phone..Hindi ko na alam kung hanggan kailan kami ganito pero ako parang di ko na kaya na ganito kami..Hindi ko na kaya na ganito yong set-up namin..Kaya ko pa ban g isa pang linggo?Kaya ko pa ba? Dahil arang di ko na kaya ang di siya makasama..

Si LIa naman,gusto niya lagi kaming magkasama para daw mas mawala ang lungkot ko pero hindi ako pumayag..Hindi ko na nga siya masyadong pinapansin.. Iniiwasan ko muna siya dahil alam kong dahil sa kanya kaya kami nagkaganito ni CHandria..Hindi naman ako galit kay Lia pero siyempre di ko maiwasang mainis..dahil sa kanya nag-away kami ni Chandria tapos kung makaasta siya parang wala lang sa kanya..

Ngayon ko lang narealize na mas hindi ko pala kayang mawala si Chandria..Hindi ko kaya ang wala siya sa buhay ko..Mawala na ang lahat wag lang siya..Kung papipiliin niya lang ako kina Lia at sa kanya,siya ang pipiliin ko..Kung gusto niyang layuan ko si Lia gagawin ko basta bumalik lang siya sa akin..

Nandito kami ngayon sa Canteen..Kaming lima lang..

LIan: Tulala ka na naman bro? Lagi ka nalang natulala..

Karl: Pabayaan mo muna si Chandria John..Mahal ka niyan…

Tapos tumingin siya kina Mara,Christian at Chandria na nasa kabilang table na medyo malayo sa amin,lagi namang ganito ehh..kung pwede nga lang hindi siya magpakita sa amin gagawin niya..Parang kaya lang naman niyang mawala ako sa kanya ehh..Masaya pa nga siya…

“Mabuti pa siya Masaya..

Sean: Naniwala ka naman sa tawang yan? Naku tingnan mo nga JOHN,tumatawa nga hindi naman abot hanggang mata..Ang lungkot kaya ng mata niya..Halatang nasasaktan din..

“Masyado ko na ba talaga siyang nasasaktan?

Carlo: Kung noon kuya,siguro..nasasaktan mo siya ng di mo alam…Kaya siguro ito yong resulta dahil inipon niya lahat ng sakit..kaya nong medyo siguro napuno na siya,sumabog na siya kaya ayon ganito na ang nangyari..

Makakaya mo ba?(Kathniel book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon