Chapter 4 ( In The Line )

62 6 4
                                    

if ever na may problema pa po you can messagge me or just comment.
Salamat.










Halos maghapon na kami na nag papractice ngunit hindi pa rin namin makuha ng maayos ang kanta .










" Mag Pahinga muna tayo ! Thirty minutes lang . " sabi ni miss president napa buntong hininga ako salamat naman .









" Wahhh . dapat pala nag linis na lang ako ng school hindi naman
kasi ako marunong kumanta eh . bakit ako pa kasi yung kakanta yung iba kasi diyan na marunong talagang kumanta ayaw kumanta !" reklamo ni sophia habang palabas kami ng music room . wala na silang ibang choice kundi si sophia . Pinipilit nila ako kaso ayokong kumanta wala naman sa tono ang boses ko .










" Maganda naman ang boses mo sophia. ikaw lang ang kailangan mag adjust dahil sa hindi tugma ang kanta sa ritmo ng boses mo " paliwanag ko . nadaanan na namin ang music room ng Class A at sa tingin ko ay tapos na silang mag practice dahil wala ng tao dun.










Pagdating namin sa cafeteria hindi naman sa sinasadya ng mata ko ? Sa tingin ko?






Na mapatitig sa mga lalaking naka upo sa isang mesa dito sa loob ng cafeteria .







" Yung mata Yooanie napaghahalataan na. " sabi ni sophia na may pasundot sundot pa sa tagiliran ko agad ko naman binawi ang tingin ko . pansin ko lang bakit hindi sila na papatingin sa mga taong nakatingin sakanila?








Hindi naman sa sinasabi ko na tignan nila ako . ang ibig ko lang sabihen bakit hindi nila nararamdaman na may nakatingin sakanila?










" Hello? Nawawala na ba ang kaluluwa ng kaibigan ko na nag nga ngalang yooanie ? " narinig kong sabi ni sophia sa tabi ko .












" Tara na nga pila na tayo ." sabi ko









" oo nga pala sabi ni daddy baka gusto mo daw sumama sa bakasyon namin ." sabi niya habang nakapila kami nilingon ko naman siya .












" Saan yon ? Hindi ko lang alam." Sagot ko bago pa niya masagot kung saan iyon ay sakto naman na siya na ang oorder . hindi ko alam kung bakit gusto kong tignan ang taong nakaupo sa isang grupo ng mga lalaki isa sa mga lamesa dito sa cafeteria at sa hindi ko sa inaasahan na pagkakataon na pag lingon ko ay
Yung taon titigan ko ay ngayon ay nasa likod ko na nakatitig ako sakanya matangkad nga siya kaso hindi siya nakatingin sa akin kundi sa menu dito sa cafeteria .












" miss ano bibili ka ba ? O pagpapantasyahan mo yang lalaking iyan ? " narinig kong sabi ng kahera kaya mabilis na napabaling ang tingin ko sakanya .









Agad na hinanap ng mata ko si sophia at nakita ko siya na nakupo na malapit dito na kumakaway pa . ang sama ng ugali niya hindi man lang niya sinabi na ako na ang nasa pila .
















Umorder na rin ako ka agad dahil galit na talaga si ateng kahera . Tinatarayan pa niya ako sa pag order ko na bawat sasabihen ko ay puno ng sarkasmo ang salita niya at nakataas ang kilay niya .











Hindi kaya may gusto siya sa lalaki sa likod ko?













" Oh ayan na . wag kang tutunganga sa susunod ha ? Ang dami pang customer na nag aantay sinasayang mo oras nila " sabi niya at sabay noon ang pag abot niya sa akin ng tray ng pagkain ko . napalunok ako dahil sa tono ng pananalita niya . tumango na lang ako at nagtungo na sa mesa kung saan naroon si sophia .









" Ahahaha ! Grabe ka yooanie masyado ka bang amaze na amaze kay kouren ? Tulala ka na sakanya kanina at bilang napaka supportive mo na kaibigan hinayaan na lamang kita aba ! Mahirap sirain ang mga ganung moment baka masakal mo ko" sabi niya ng tumatawa tawa habang kumakain pa ng french fries.












" nakakahiya yun
sana kinalabit mo man lang ako . para hindi ako nagmukang tanga duon na nakatingin sakanya " sabi ko . nag no no sign pa siya bago niya ako sagutin .











" First hindi ka naman mukang tanga . muka ka ngang inlove na inlove habang nakatingin sa kanya eh . ahahahaha" sabi niya ng tawa pa din ng tawa . nakakahiya naman sana walang masaydong nakakita
Baka mas lalong dumami ang magalit sa akin dahil iniisip nila may gusto ako sa hinahangaan nila .












" ewan ko sayo sophia mabilaukan ka sana " sabi ko . ngunit parang wala siyang narinig at tumawa pa talaga siya sa totoo lang? Tao ba siya ?









Bumuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain .









Hindi din naman nag tagal ay natapos din naman kaming kumain at sa maniwala kayo sa maniniwala kayo hindi nako tumingin pa sa mesa ng lalaking iyon kung ano ano pa kasi ang iniisip nitong si sophia . Nakakahiya sa mga taong dumadaan na napapatingin pa talaga sa amin .














Nag lalakad na kami papanik sa music room ng nakasalubong namin si tito .









" Mabuti naman at andito ka . pinag alala mo kami yooanie sa susunod mag text ka iha . para hindi kami nag aaala . " sabi ni tito .

" Pasensiya na tito wala kasi akong cellphone na dala. " sabi ko kadalasan naman na hindi ko dinadala ang cellphone ko eh .










" Okay lang iha . so bukas na ba kayo makakauwi ? May damit ka ba sa locker mo? Teka kumain kana ba ?" Sabi ni tito na pa ngiti na lang ako . simula ng nawala si daddy at mommy hindi ako pinabayaan ni tito at tita .









" Opo may damit pa ako sa locker ko . at kakain lang po namin " sabi ko
. Tumango naman siya na parang pinahihiwatig niya na naiintindihan niya ako .








" Sige na iha mukang may gagawin ka pa mauna na ako " sabi niya tumango na lang ako at ngumiti . nagpa alam na din siya kay sophia at ganun din naman si sophia .










Nagpatuloy na kami sa music room at pasalamat naman kami na wala pa masiyadong tao at nagiikot o kumakain pa ang iba .









Di din nag tagal ay kompleto na kaming lahat kaya nag simula na kami natapos ang gabi namin at araw na sa tingin ko ay kahit papaano ay maayos at mapag tiyatiyagaan na ang ipapakita namin .









Gagalingan ko ang pagtutugtog ng gitara kung kinakailangan para makita ng apat na singkit na yun na hindi lang kami bastang babae . siguro nga magagaling na sila pero sana pumanig samin ang swerte mamaya...





sana nga.








******

A Nerd ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon