if ever na may problema pa po you can messagge me or just comment.
Salamat. I play niyo din po yung song yan po kasi ang kinanta nila.. :)Nandito na kami lahat sa likod ng stage at ramdam na ramdam ng lahat ang kaba sa paligid . sa tingin ko hindi naman kami kinakabahan sa ipapakita namin, kinakabahan kami sa kalalabasan ng ipeperform namin mamaya.
" Yooanie pls kahit ngayon lang hindi ka ba pwede mag skinny jeans ? May jacket din naman eh. Hindi naman sa nang hihimasok ako sa fashion mo pero sayang sa criteria yang suot mo " sabi ni miss president . napatingin
Naman ako sa suot ko may problema na naman ba sa suot ko?" Yooanie . ikaw ang mag gigitara dapat maipakita natin na alam natin ang fashion sa i peperform natin ngayon . " payo naman ni sophia .
Napa buntong hininga na lang ako at kinuha ang damit na nasa upuan at tumuloy na ng dressing room
Ayoko na ako ang masisi dahil sa hindi ko pagpapalit ng damit . at sa tingin ko hindi naman kita lahat ng balat ko dito isa lang naman tong Peach faded Jeans white sleeveless na may patong naman na peach din at itim na rubber shoes .Wala namang problema diba ? Ilang oras lang naman .
Pag kalabas ko tumitig sila sa akin . at ayoko ng titig nila hindi ko gusto .
" May igaganda ka pa pala yooanie " sabi ni miss president hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na pabalik sa upuan ko
" Ang ganda talaga ng bestfriend ko . bestfriend ko yan ah " sabi ni sophia
Katulad ng ginawa ko kay miss president ganun din ang ginawa ko kay sophia ..Lahat kami ay napatingin sa labas ng dumating ang Class A Ngunit Ilang babae lang ang nakabihis sakanila na sa tingin ko ay ang mag peperform ?
" bakit sila Yuri yan ? Asan sila kouren ?" Tanong ng isa kong kaklase dahilan ng pagtingin ko sakanya.
Binatukan naman siya ni Sica .
" Mas maigi sila na lang ang makalaban natin ngayon.
naghanap ka pa ng dahilan ng ikababagsak natin ! nako " sabi ni sica ibinalik ko din ang paningin ko sa labas .Akala ko ba sila ? Bakit hindi ko silang nakitang dumaan.
Agad namang sinagot ng presidente namin ang katanungan ko .
" Wala Sila kouren . hindi sila ang makakalaban natin hindi sila magsasayang ng oras para satin . kaya kung ano man yang iniisip niyo
Ay tama. Ang grupo nila yuri ang tunay nating kalaban sa stage mamaya " sabi ni miss president" Ano? Eh bakit ngayon mo lang sinabi ? Nagpaganda pa ko ng bongga dahil baka sakaling mapansin ako ni kouren eh " Sabi ni Irene .
" Ako din " segunda pa ng iba naming kaklaseng babae .
" At sa tingin niyo gagalingan niyo ng ganto ? At pag hahandaan niyo ng ganto ngayon kung sinabi ko na hindi sila ang makakakumpetensiya niyo?" Tanong ng aming presidente
Sa sinabi niyang iyon ay may punto talaga siya.
" The G Girls are now on the backstage and ready to perform . They are from Class A . so are you ready guys ? " we heard the emcee said .
" Shocks eto na yun " narinig kong sabi ni sophia . tama siya eto na yun
Agad kaming lumabas ng narinig na namin ang hiyawan tingin ko ay lumabas na sila yuri sa stage kaya sumilip kami ni sophia .
Nagumpisa na sila at halos malaglag ang panga at mata ko .just like
Nagsasayaw ba sila ? Habang kumakanta ?
At maniniwala ba kayo na parang sa bar ang sinasayaw nila na classy nga lang ang dating?
" Geez. SPG naman iyang sinasayaw nila grabe talaga yang grupo ni Yuri " narinig kong sabi ni sophia .
" Wag na natin silang husgahan. Tara na dun na muna tayo
. " sabi ko at naglakad kung saan ang upuan ko.Hindi din nag tagal at natapos na sila .
" Oh my gosh tayo na " Sabi ni sophia hinawakan pa niya talaga ang kamay ko at pinisil nginitian ko na lang siya dahil kahit ako ay kinakabahan din .
" OMG " naririnig ko pang sabi ng iba naming kaklase .
" Let's welcome the Band of Class F
" sabi ng emcee . napakunot naman ang noo ko nung Class A ang ganda ng pag papakilala niya pero ng Class F na simpleng welcome lang ?Hindi ko na lang iyon pinansin at nag lakad na din sa entablado . naramdaman ko ang biglaang pag lamig ng kamay ko . kaya medyo nahirapan ako sa pagkuha ng gitara
Lumunok muna ako para ikalma ang sarili ko
. at nasabi ko na ba gitara ang gamit ko ngayon ?Tumikhim na si sophia na parang ipinapahiwatig na mag umpisa na kami ..
Inumpisahan na namin ang pagtugtog ng Cupid ...
Habang tumutugtog kami ay nahagip ng mata ko ang isang lalaki sa dulo gwapo pala tagala siya i mean sila .
Pero Hindi ko kasi makita kung saan siya na katingin kasi seryoso lang ang muka niya sa akin ba? Kay sophia ? O sa classmate ko?
Ano ba tong iniisip ko? Agad kong ibinalik ang atensiyon ko sa pag papatugtog ng gitara
Ng matapos kaming tumugtog ay yumuko kaming lahat . Sana kahit papaano ay nagustuhan nila ang ipinakita namin . sana nga..
Pag balik namin sa backstage ay nagkakagulo na sila pero ako may isang tanong lang na pumapasok sa utak ko .
ano bang problema ko sa kouren na yon ? Dugong koreano siya ? Eh may dugong koreano din naman ako ah hindi nga lang buo.
Bumuntong hininga muna ako at binuksan ang bottled water tsaka lumabas ng pintuan ng backstage kaso sa hindi ko inaasahan na may tao pa lang paparating at nabangga ako
Tinitigan ko ang nabangga ko .
Kouren ?
Ngunit bago pa man ako makasagot may narinig akong matining na boses .
" Oh My goshh!!! Nag papapansin siya kay oppa kouren ! Huhuhuhu that old witch. malandi siya " sabi ng napakasakit sa tenga na boses ng babae .
Ano daw ??? Paki ulit ? Masyado na bang masakit sa tenga ang boses niya para mabingi ako ?
Dumami ang tao sa paligid . ano na to? Lumabas lang ako ng kwarto at may nabanggang gwapo kontrobersyal na ako ?
Ngunit mas nagulat ako ng umupo siya sa harap ko at tinitigan ako . hala ? At kelan pako na conscious ?
" You're lipstick is spreading around your lips " sabi niya at tumayo na Gosh? Oo nga pala nilagyan kami ng red na lipstick at sapilitan pa talaga . ayan na ! Ayan na ang sinasabi ko eh.
Nahihiya na ako na hihiya na talaga ako.
*****
BINABASA MO ANG
A Nerd Confession
Teen FictionI'm a nerd. But hindi katulad ng ibang nerd hindi ako matalino, sa itsura ko lang Aakalain mo na matalino ako, nag aral nako ng mabuti pero wala pa din. Naniniwala ako na kapag matalino ka matalino ka. Hindi dahil nerd ang pagpapakilala ko ay mad...