Graeme Jeoffe's pov
Nagising ako sa liwanag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Napamulat mulat ako bago ako pumikit ulit at niyakap ang unan ko.
Hmmm ang lambot talaga ng unan ko, ang bango bango pa.Inamoy amoy ko ang unan ko ay mas hinigpitan ang yakap dito.
Bakit parang nagbago ang amoy ng unan ko parang strawberry cherry na kaamoy ni Ality.
Teka, Ality? Diba nan dito sya kagabi at dito daw muna sya matutulog sa bahay? Alam ko habang na nonood nakatulog ako sa kalagitnaan ng palabas. Wait, what?! Nakatulog ako?! Does that mean na itong unan kong niyayakap ngayun ay ...
Napamulat ako noong mapagtanto ko ang nangyayari, napatingin ako sa katabi ko na yakap – yakap ko ngayun at yakap din naman ako.
"Hmm" ungol nya
Tae! Magigising na ata sya, anong gagawin ko?! Sa kalagitnaan ng pagpapanic ko ay napatingin ako sa kanyang muka.
Grabe ang ganda nya talaga, yung perpekto nyang kilay, ang mahahabang talukip ng kanyang mga mata at meron din syang matangos na ilong at malarosas na pisnge. Ang kanyang taglay na labi naman ay may kulay na mala dugo. Ang kanyang kulay abong mga mata na parang hinihila ka palapit tuwing tinititigan mo.
Ano?! Tinititigan ?! does that mean –
Oh damn, she's awake! At alam nyo ang Malala? Nakita lang naman nya akong nakatitig sa kanya.
" G-good morning" parang ewan kong sabi
" Magandang umaga din" sabi nya " ummm, Graeme Jeoffe pede bang bitawan mo na ako?" dagdag pa nya
Ano daw bitawan ? bakit ko naman sya bibitawan?
Nagpo-process sakin yung sinabi nya at matapos ng ilang sandal tyaka ko lang na alala na nakayakap nga pala ako sa kanya. Agad-agad akong bumitaw sa yakap at umupo sa kama.
" P- pasyensya na, h- hindi ko s- sinasadya"
Ano ba Graeme Jeoffe bakit k aba na uutal? Ano baa ng nang yayari sayo?
" Ayos lang, tulog naman tayo eh, hindi natin alam kung anong ginagawa natin" sabi nya
Tiningnan ko ang muka nya at wala akong nakitang emosyon mula dito. Para bang yung lagi nyang expresyon, yung poker face.
Sinabihan ko sya na gamitin na ang banyo sa kwarto ko at ako na lang muna ang gagamit ng banyo doon sa baba, pero tinanggihan nya ang alok ko at sinabing sya na lang daw ang gagamit ng paliguan sa baba, total kukuha pa naman daw sya ng damit.
Wala na akong nagawa noong lumabas na sya sa aking silid, kaya naman nagpasya na akong maligo.
Matapos kong maligo ay nagayos na ako at bumaba papuntang kusina. Nakita ko sya doon na nagluluto, nilapitan ko sya at tinanong kung ano ang niluluto nya.
" Ah ito ba? Wala fried rice lang to at fried egg with bacon "
" Ah, ganon ba, sige intayin na lang kitang matapos, dito sa may lamesa"
Nakita ko syang tumango, matapos ang ilang minuto ay tapos na din sya at kumain na kame.
Matapos kumain ay dumeretsyo ako sa living room at na nood ng telebisyon. Matapos ang ilang minuto na panonood ay napasin kong pababa sya at dala dala ang bag nya.
" Paalis ka na?" tanong ko dito
" Ah oo, hindi naman pedeng dito ako tumira eh, kailangan ko ding umuwi"
kung alam mo lang pedeng pede kang tuwira dito kung gugustohin mo lang, pero para bang kaya kong sabihin to sa kanya, kaya naman ito na lang ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
My Criminal Boyfriend
ActionWhen the clock start it means the game is up. It is either you live or you die... Will I be able to finish this game alive? Will I be able to get my price? I am Ality Irl Garcia and surely I will survive... In this world of darkness and sorrow...