Case 08; Kindness and A song

13 0 0
                                    



Graeme's P.O.V

Pagbukas ng pinto ay laking gulat ang bumungad samin, doon ay nakita namin si Al na umiinom ng kape.

Noong matauhan ako sa gulat ay tumakbo kagad ako palapit ay Al.


" Al ayos ka lang ba ? wala bang ginawang masama sayo ang taong to?"

" Huh? Ano bang pinagsasasabi nyo ? at ano bang ginagawa nyo dito?" walang muwang nyang tanong samin.

" Sabi kasi samin nina Lorret bigla ka na lang daw kinuha ng lalaking to" sagot ko sa kanya.

" Nagpaalam kaya ako sa kanila na heheramin ko muna si Aly" depensa sa sarili noong lalaki.

" Sino ka ba ? Ano ka ba ni Al para magkaroon ka ng karapatan na basta na lang syang dalhin sa lugar na to?" saad ko sa lalaki habang kinukwelyohan sya.

" Ako ba? Ako lang naman ang nakatatandang kapatid ni Al

" I – ikaw ang n – nakatatandang kapatid ni Al?"

" Oo, ako ang kuya nya, at ikaw ano k aba ng kapatid ko?"

" A – ako? Ako ... Ako ang k- kaibigan ni Al. Tama! Isa ako sa mga kaibigan ni Al"

" Ah ganon ba, pasensya na, gusto ko lang naman sanang heramin itong prinsesa ko, masyado ko na kasi syang namiss simula noong umalis sya sa bahay naming at hindi pa bumabalik" sabi noong lalaki.

" Like I will" cold nyang sabi

" Ito naman napakacold mo hindi ka na nagbago"

" I won't go back there " sabi nya at tiningnan nya ang kapatid nya ng masama.

" Okay, okay, chill hindi na kita pipilitin pero ito ang sinasabi ko sayo princess, hindi ako makakapayag na may mangyari na masama sayo, remember that"

" Tss" sagot nya at bigla na lang syang tumayo at hinila ako sa aking braso.


Deredretsyo kaming naglalakad hanggang sa makalabas na kami ng gusaling iyon. Tumigil kami pagdating naming sa isang waiting area at bigla na lang nya akong hinarap.


"B- bakit?" nauutal kong tanong sakanya


Bakit ba akong kinakabahan? Ano ba itong nangyayari sakin? Natatakot ba ako? Imposible naman yun, ako si Graeme Joeffe Morales ang prisisendente ng aming paaralan at tyaka bakit naman akong matatakot sa isang babae?


Okay, given na ang unang pagkikita namin, pero kahit na! Lalaki parin ako! I should be stronger than he not weaker!

Maya- maya pa ay bigla a lang syang bumuntong hininga.


" Tara na nga, ilibre mo a lang ako, na gugutom na ako" sabi nya at nagsimula na ulit maglakad palayo sakin.


Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa lalamunan at parang tyaka lang akong nakahinga.

Sa totoo lang akala ko ay sa mamahaling kainan kami pupunta, kaya naman laking gulat ko ng tumigil sya sa isang maliit na karindirya at pumasok doon.


" Anong sayo?" hindi nya nakatingin na taong sakin

" Umm, Ano bang meron dyan?" tanong ko sakanya

My Criminal BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon