BEA's POV
Wala akong ibang maramdaman ngayon. maliban sa, takot na takot ako. Hindi ko alam kung saan ako papunta habang tumatakbo ako, basta ang naiisip ko ngayon ay ang makaalis sa mala-impyernong lugar na ito. "Kailangan kong makalayo sa mga taong yun" Sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo. Pakiramdam ko na sa isang marathon ako ngayon sa sobrang bilis ko. Habang tumatakbo ako, sumisigaw ako ng tulong. Kahit alam kong ni-isang tao walang makakarinig sa sigaw ako. Asan nga ba ako? Hindi ko alam....
Tumigil ako sa pagtakbo, napahawak ako sa mga tuhod ko. hingal na hingal na ako. Siguro naman nakalayo na ako sa kanila. Hindi ko naisip na makakatakbo ako ng ganun kalayo at kabilis. Akala ko. Akala ko.. Katapusan ko na, akala ko 17 years lang ang itatagal ko sa mundong ito.
Pero paano ako ngayon? Ni hindi ko alam kung nasaan ako, o kung may tao bang nakatira sa lugar na ito. Nagpatuloy ako sa paglakad..
"TULONG!"
"TULONG!"
May bahay ba dito? Jusko. Naiiyak na ako.. pero tuloy pa din ako sa pag-sigaw..
"TULOOOOOONG!"
Biglang umulan. Bakit ngayon pa? Ang dilim ng daan at ang ulan, hindi ko makita ng maayos ang daan. Grabe na ang nararamdaman ko, nanginginig na ako sa llamig at sobrang pagod na ako. Nanghihina na ako. Pero, nilalabanan ko ang pagod ko. Hindi ako pwedeng bumigay ngayon, malayo na ako natakbo ko. Ngayon pa ba ako bibigay! A BIG NO!
"BOSS AYUN SIYA! AYUN YUNG BABAE!"
"DALIAAN NYO!"
Sa hindi kalayuan, nakitang tumatakbo sila papalapit sa akin. Anong gagawin ko? Hinang hina na ko. Pero kaya ko to! Huminga ako ng malalamin at nagsimulang tumakbo. Dapat makakita ako na taong pwedeng tutulong sa akin. Lord, please. Take care of me. Please, give me a sign na mahaba pa ang pananatili ko sa mundong ibabaw.
Hala! Takbo.. takboooo..
Naramdaman kong naiihi ako. Bakit ngayon pa!? Kaya ko pa tong pigilan. Tuloy lang ako sa pagtakbo. Mga ilang minuto din akong hindi tumigil sa pagtakbo. Ramdam kong wala nang sumusunod sa akin. Hay, salamat sa D'yos.
Pero ang pantog ko, ang sakit na. Pakiramdam ko puputok na siya anytime. This can't be! Hindi nga ako mamamatay dahil sa mga gagong humahabol sa akin. Mamatay naman ata ako gawa sa sakit sa bato.
Kailangan ko munang makahapan ng pwedeng ihi-an.
Sa di kalayuan mula sa kinatatayuan ko, parang may natanaw akong maliit na bahay. Siguro may tao doon. Nagmadali akong pumunta doon, kailangan kong kapalan ang mukha ko na makigamit ng CR.
Mag tatao po ka lang Bea, kaya mo yan. Nakaya mo ngang tumakbo ng malayo e.
Okay... Makakaraos na din ako...
"Ta—"
Biglang bumukas ang pinto. Isang gwapong lalaki ang bumungad sa akin. Wala siyang saplot. Saplot talaga??
Walang siyang t-shirt. Yung.. Yung.. Katawan nya. Ano. Ah. Ano.. Ang ganda, hindi nakakadiri yung mga muscles nya. Oo, nasabi kung gwapo siya kahit hindi ko naman maaninag ang mukha nya.
"Ah-ano? Pu-puwede bang... Ano?.. Pwedeng maki-CR? Ihing-ihi na kasi ako.."
Nakatungong sabi, hindi ako makatingin sa kanya, sobra akong nilalamig gawa ng sobrang pagkabasa ng ulan.
"Kumanan ka dun, yung unang pinto yun ang CR." He said.
Tumango naman ako sa kanya at nagmadaling, pumunta sa CR.
Pag-labas ko ng CR, wala na dun ang lalaki. Hindi na ako nag paalam sa kanya. Lumabas na ako. Kailangan ko ng makauwi.
Biglang bumuhos ulit ang malakas na ulan..
Teka? Ano yun? Sobrang laki ng patak ng ulan.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko..
at nakita ko ang mukha ng kuya. May hawag siyang timba.. Wait?? Urgh!!
"HOY! BAKIT MO AKO BINUHUSAN? HA?!" Sigaw ko sa kanya. Hindi pa din ako bumabangon.
"ANG TAGAL MO KASING GUMISING! AT TINGNAN MO, UMIHI KA PA TALAGA DYANG SA KAMA MO?"
Huh? Ahh—Sa panaginip ko kasi umu-ihi ako eh. What the? Kinapa ko ang kama.. Oo nga, medyo mainit. Hehe
"Sige na kuya. Bumababa kana, ako ng bahala dito."
" Wala namang ibang gagawa nyan"
Malelate na ako! Dali-dali akong nagayak. Lintek kasing panaginip yan. Pero... Sayang hindi ko nakita yung mukha nung lalaki. Ang creepy. Baka aswang yun kasi bigla nalang siyang nawala.
Second Subject na yung naabutan ko. Kahit anong kakamadali ko, late pa din ako. Papalapit palang ako sa room nakita ko na agad si Jane. Ang aking best friend.
"Aga mo Bea ah?" Sabay ngiti ng nakakaloko.
"Oo nga e." Nilampasan ko lang siya at umupo na sa upuan ko.
Hindi nagtagal, pumasok na yung next teacher namin. Si, Mam Psycho.
Puro siya, daldal. Wala naman atang nakikinig sa kanya.
"Mam! Mam!" Napatingin ang lahat kay Anna.
Binabawi ko na yung sinabi kong walang nakikinig kay Mam. Meron, si Anna.
"Yes, Miss Anna?" Tanong naman ni Mam.
"Ano pong ibig sabihin kapag nanaginip kayo ng about sa isang tao? Either, kakilala mo o hindi?" Tanong naman ni Anna.
Wait? Tugma yung tanong ni Anna sa iniisip ko! Ano nga bang ibig sabihin nun. Dahil don, nakinig ako ng wala sa oras.
"Hmm. Psychology facts, You can only dream about things you know, the faces of people you see in your dreams are the faces you've seen before" Paliwanag naman ni Mam. – Ahhh.
So? Pwedeng nakita ko na siya? Somewhere.. Pero hindi ko naman kasi nakita yung paka-mukha nya e. Medyo lang. Hanggang mag-uwian yun pa din yung nasa isip ko. Hanggang sa makauwi ako yun pa din.
Hindi ko na nga lang yun—siya. Parang managinip lang!
BINABASA MO ANG
BEA
RomanceLove is decision, a choice we each must make. It gives, selflessly, even sacrificially. It unconditionally provides for the one that is loved.