BEA's POV
Mamayang gabi na yung talent night. Kinakabahan ako, ito kasi yung unang beses na sasali ako ng pageant at unang beses na sasayaw ako sa harap ng mga schoolmates ko ngayong highschool. Naisip ko din na, dapat ibigay ko yung best ko dito kasi ito na yung huli. Graduating na kasi kami ni Ian.
Hindi man ganun kadali, pero isinantabi ko muna yung problema ko kay Christian.
Wala kaming pasok ngayon kasi, nagreready ang lahat para sa gaganaping talent night. Perfect na rin naman namin ni Ian yung steps. Pinagdadasal ko nalang na sana mamaya ganun din ang kalabasan.
"Bea, hindi ka ba sasama? Ma-grocery kami ng Kuya Jiro mo?" Narinig ko namang sumigaw si mama nula sa labas.
"Wait lang mah."
Pagkatapos kung magayak, nakita ko naman silang naghihintay sa akin sa labas. Malapit lang naman yung grocery store dito kaya hindi na kailangan sumakay pa. Tahimik lang kaming naglalakad nila Mama at Kuya. Nangmarating kami sa store, pumunta ako sa ice cream section.
"Asan ba dito yung, cookies and cream?" Sabi ko sa isip ko habang naghahanap ng ice cream.
"AYUUUN! GOTCHA!" Napasigaw ako ng makita ko ang nagiisang cookies and cream ice cream, kaagad ko itong nahawakan pero nagulat ako ng may isa pang kamay ang nakahawak dito. Nangtingnan ko kung sino siya. Biglang uminit ang ulo.
Anong ginagawa ng walangyang to dito?!
"HOY! FABRICANTE? BITAWAN MO NGA TONG ICE CREAM KO!!" Sigaw ko sa kanya. Pero yung mukha nya, chill lang na para bang walang nangyayaring agawan.
"Sayo ba to?" Eh, hindi mo pa nga nababayadan eh." Sagot naman nito. Aba't talagang...
"FYI, Fabricante. Ako ang nauna sa ice cream na to. Kaya kung ako sayo, bitawan mo na." Hindi pa din nya binibitawan yung ice cream. "Ang dami-daming ibang ice cream dyan eh. Humanap ka nalang ng iba."
"Madami pala eh. Edi ikaw ang humanap ng iba." Kaagad naman nyang hinila ang ice cream, dahilan para kamuntikan na akong matumba.
Lumayas siya, tangay-tangay ang ice cream ko! Huminga akong malalim at, tumakbo papalapit sa kanya..
"ICE CREAM KO YAN!" Agad naman akong sumakay sa likod nya. Sinasakal ko na siya. Pero hindi pa din nya binibitawan ang ice cream.
"BUMABABA KA NGA SA LIKOD KO!" Sigaw nya din, halatang galit na din siya. Pwes kung galit siya, mas galit ako. Kalalaking tao, nangaaway ng babae.
"HINDI! HINDI AKO PABABA, HANGGAT HINDI MO YAN BINIBIGAY!"
Nakasakay pa din ako sa likod nya. Mas sinasakal ko pa siya, yung alam kong mahihirapan siya pero makakahinga pa rin siya. Hindi naman kasi ako mamamatay tao. Pero kung sabagay, hindi naman siya tao. Kaya mas sinakal ko pa siya.
"ARAAY!" Nahulog ako, dahil bigla nya akong tinulak. Umubo-ubo pa siya, habang naka-hawak sa leeg nya. Buti nya sa kanya.
"PAPATAYIN MO BA AKO?" Sigaw nya sa akin.
"OO! PAPATAYIN KITA!!" Sigaw ko rin sa kanya.
Agaw eksena na kami dito sa grocery store. Halos lahat na ata ng tao kanina pa nanunuod sa amin.
Hinanap ko yung ice cream. Wala na sa kanya, hindi na nya hawak hawak. Napanganga ako ng makita ko yung ice cream na hawak nung bata na sa counter na at nabayaran na.
"NAKITA MO NA? WALA NA. WALA. NA. YUNG. ICE. CREAM." Mariin kung sabi sa kanya. Umalis nalang
ako, umalis akong taas noo. Bibili nalang mamaya o bukas. Letche siya!
BINABASA MO ANG
BEA
RomanceLove is decision, a choice we each must make. It gives, selflessly, even sacrificially. It unconditionally provides for the one that is loved.