BEA'S
Ayaw ko talaga ng ginigising ako ng sobrang aga. Ito naman kasing magaling kong kapatid 5:30 pala ay nanggugulo na.
"Bea. Ano na?!" May narinig akong boses ng halimaw sa labas ng kwarto ko.
"Oo. Eto na! Matuto ka naman kasing maghintay. KUYA!" Sarcastic kong sabi.
"Matuto ka din naman kasing magmadali."
Chadan!! I'm done. Naglakad ako papuntang pinto, pag bukas ko nito may isa pang halimaw ang bumungad sa akin. Na walang paki-alam at tuloy tuloy lang sa pag pasok at humiga.. Aba? Talagang!
"Anong ginagawa mo dito" bulyaw ko sa kanya.
"Good morning din!" Sarcastic nyang sagot.
"Oh--Okay. Dyan ka nalang papasok na ako. Hinihintay na ako ni kuya. Bye!"
"Wala na siya. Umalis na." Whaaat? Kapatid ba talaga nya ako? Bakit ganun siya. "Sakin ka nalang daw sumabay."
"Ano pa nga ba? Dalian mo!" Sigaw ko kay Ian.
Pagdating naman ng school, nagkakagulo sila sa harap ng Principal's office. Kung anu-ano ang mga naririnig kong kumento mula sa mga tao dun.
"Sino ba yun?"
"Hindi ko kilala eh. Pero ang sabi, galing daw yun Canda."
"Mukha ngang gwapo eh"
"Ang tagal naman nyang lumabas."Gwapo daw? Eh di. Lalaki.
"Tara na!" Bigla naman akong hinila ni Ian. Aray ha?
Biglang bumukas ang pinto ng P.O. at lumabas mula don ang isang lalaki..
Iba yung dating nya. Para may pagkabad boy yung datingan nya. Pero.. Gwapo siya. Infairness naman sa kanya.
Nagkaroon naman ng bulung bulungan sa hall way.
Dumaan siya sa harap namin ni Ian. Napatingin siya kay Ian pero madali lang yun, tumingin naman siya sa akin. Mata sa mata ang naging labanan. Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. At umiwas na ng tingin."Yun ba yung gwapo? Di naman e. Mas gwapo pa din ako."
Kapal ng mukha ni Ian. Hay nako! Pero kung sabagay gwapo din namam siya.. Kahit papaano.
Hindi ko nalang siya pinansin. Naglakad na ako papuntang room. Pero parang walang tao dun. Oo nga pala! May event nga pala dito.
Napatingin ako sa cellphone ko. May nagtext pala. Baka si Ian nanaman hinahanap ako. Umaga palang pakiramdam ko ubos na yung energy ko gawa ni Ian.
From: Janeeee :))
I-cheer mo ko mamaya besty! Pang-3rd pa ko. C u later.Ps. May bagong gwapooo!!! Kyaaah!
Oo nga pala. Kakanta si Jane mamaya. Kailangan andun ako.
Nasa tapat na ako ng room. Bahagya akong sumilip at nakita ko ang natutulog na lalaki.
Si.. Ah.. Yung transferee. Napatingin ako sa kanya, yung ilong nya ang tangos yung kilay nya medyo makapal pero bagay sa kanya. Yung pilik nya medyo mahaba din.
Napatingin ako sa labi nya. Mapula-pula yung labi nya. Parang.. Parang an-
"Tapos ka na bang tumitig?" Tanggala! Nakakahiya. Tumayo siya at akmag lalabas na ng room. "Bibigyan nalang kita ng picture ko. Para kahit bago ka matulog masisilayan mo ako." Ano daw?
"Wag na. Baka bangungitin pa ako!" Ang yabang nya ah
Akala ko pa naman may kabaitang taglay! Kayabangan lang pala. Letche siya!Magmadali akong pumunta sa ground, doon kasi nagaganap yung event. Nakita kong paakyat na si Jane. Medyo malayo ako sa stage, kaya hindi ko talaga makita ng maayos.
Tumalon talon ako. Hay! Nakakapagod na. Tatalon pa sana ako pero biglang may bumuhat sa akin, kaya mas nakita ko ng maayos si Jane. Teka? Sino ba to? Baka si Ian lang naman. Lagi naman nya akong binubuhat, lalao na pag ganito para daw makita ko, kasi naman daw ang liit ko.
Natapos na din ang kanta. Ang galing talaga ng besty ko! Whoo!!
Binaba na nya ako."Ian. Thanks h--"
"IKAW? HOY ANO! BAKIT MO AKO BINUHAT HA?" Walang hiya. Si ano pala. Yung transferee. Akala ko pa namam si Ian. Strike two Bea. Very great!"That's how you say thank you? Well. You're welcome" Tanong naman ni Ano. "Naaawa kasi ako sayo. Hindi mo makita. Pero wag kang mag alala. Ok lang yun. Kaya, you're welcome." Sarcastic nyang sabi. At tumalikod na sa akin. Pero bago pa siy makaalis may sinabi siya-
"By the way. Hindi ANO ang pangalan ko. It's Vince Christian Fabricante." At tuluyan na siyang umalis.
Parehas sila ni Ian. May Christian ang mga name, si Ian kasi. Christian Ian. Akala ko nga nung una kaya Ian dahil sa ChristIAN. Pero mali ako.
Naglalalad ako papuntang gate. Uuwi na ako, walang magandang nangyari sa araw na ito. Hindi ko naman na makita si Ian at Jane.
"Close na pala kayo agad?" May nagsalita mula sa likudan ko. Hinarap ko siya, nakita ko si Ian. Hindi maipinta ang mukha, parang wala sa mood ang halimaw.
"Huh?" Sagot ko namam si kanyan. Sino ba tinutukoy nya.
"Ni Vince, close na pala kayo? Bilis ah!" Kami close? Ha ha ha. A big NO!"Anong pinagsasabi mo?"
"May pabuhat buhat pa siya sayo. So, may pumalit na pala sa trabaho ko?" Yung mukha nya parang bata may sakita sa tamlay. Ano bang drama nito."Akala ko. Ikaw siya. Tara na, tama ng drama. Okay?" Bigla naman siyang ngumiti
Bipolar talaga. "Pero, teka Ian. Kilala mo si Vince?" Pagtatanong ko sa kanya."Kilala ko lang iya sa pangalan. Yun lang.."
"Ah okay."Naglakad lang kami. Hinatid nya ako sa bahay.
"Ayaw mong kumain muna?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi, uuwi na ako. May bisita din kasi sa bahay eh. Kaya di na ako magtatagal.""Oh sige. Ingat ka Ian." Paalam ko sa kanya. Bago pa man kami tuluyang mag hiwalay. Hinala nya ang kamay ko.
"Wag mong hayaang mapalapit siya sayo." Huh?
"Anong pinag--""Sige na. Pumasok ka na. Bye Bea!"
At tuluyan na siyang lumakad pauwi. Yun talaga minsan ang problema ko lay Ian.. Minsa hindi ko siya maintindihan. Hmm. Ano ba yan, sumasakit ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
BEA
RomanceLove is decision, a choice we each must make. It gives, selflessly, even sacrificially. It unconditionally provides for the one that is loved.