6

10 2 0
                                    

BEA's POV

Two weeks. Two weeks kaming nagpractice para sa talent portion namin. At eto na yung last day na magpapapratice kami. Sa two weeks na yun, naging mas komportable ako kay Ian. Although, komportable naman talaga ako sa kanya, pero kasi iba yung ngayon. Mas kinailangan naming maging komportable sa isa't isa para magawa ng tama at maganda yung sayaw namin.

Lagi kaming nagpapapractice sa room tuwing vacant at uwian. Lagi ding nandun si Christian, lagi siyang nanunuod. Kaya minsan, parang nahihiya akong gumalaw kasi may ibang ta. Sa tuwing wala pa sila Ian sa call time naming si Christian yung lagi kong na-aabutan sa room. Ewan kahit hindi naman kami naguusap. Ewan basta...

"Ang pagod! Sobra! Parusa ata to!" Sabi ko, break time namin sa pagpapapractice. Umupo ako sa isang tabi, napapikit nalang ako at huminga ng malamin. Bigla akong napamulat ng maradaman kong may tao sa tabi ko.

"Oh!" Bigla naman nyang nilagay ang mineral water na may kasamang biscuit with handkerchief pa. Nagulat ako sa ginawa nya. Ano kayang meron sa lalaking yun. Pagkabigay nya nun, umalis na din sya at umupo ulit sa pwesto nya. Hindi man lang ako nagpagpasalamat kay Christian.

Kami nalang ulit ni Christian ang magkasama dito sa room, pumunta kasi ng canteen sila Ian para bumili ng snack. Lumapit ako sa kanya. Mukhang tulog siya. Pinagmasdan ko yung mukha nya, bakit ganun? Yung itsyura nya, malayo sa ugali na. Kahit alam ko namang hindi nya ako maririnig dahil may headphone siya, nagsalita pa rin ako.

"Hmm. Christian, thank you dito." Inangat ko yung mga binigay nya. Sabay hinaplos ko yung ilong nya gamit yung hintuturo ko. Hindi ko lang naigilang gawin yun, parang ay kung ano sa akin na nagsasabing gawin yun.

Babalik na sa ako sa pwesto ko, pero biglang may humawak sa wrist ko at bigla akong hinila.

"Araaa—" Hindi ako kagalaw, nakauapo pa din siya at ako naman nakapatong sa kanya. Habang nakapikit pa rin siya ako naman namilog ang mata sa pagkagulat. Tatayo na sana ako, pero bigla nya akong niyakap dahilan para mas mapadikit ako sa kanya. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Parang sasabog na.

Hindi ko na alam.. Ang alam ko lang magkadikit na ang mga labi namin. Hindi ako makagalaw, bigla akong nanigas sa pwesto ko. Huminga ako ng malalim, at tinulak siya.

"HOY IKAW BAKIT MO KO HI—"

"Anong nangyayari dito?!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Ian. Kanina pa ba sya dyan? Nakita kaya nya? Nakakainis naman tong si Christian, bakit nya ba yun ginawa. Nakakainis!

"Tse!" Yan lang lumabas sa bibig ni Christian. Seriously?

Hindi ko naman muna to isasabi kay Ian. Alam kong magagalit siya kay Christian. Pero, first kiss ko yun eh. Nakakainis lang tagal! Ang sarap mo gilitan Fabricante.

Umupo ulit si Christian. Dumating na din sila Gayle para makapagsimula na ulit kami. Para akong wala sa sarili.

"Ano ba Bea? Kanina okay na tapos ngayon. Ganyan ka nanaman! Bukas na to Bea, Bukas na!" Sigaw sa akin ni Gayle, ewan ko lutang parin talaga ako. Hindi ko siya sumagot. "Dun na tayo sa last part, please both of you. Make it perfect!" Isinantabi ko muna yung iniisi ko para magawa ko ng tama yung mga steps.

You keep wondering if you're what I'm wanting
You don't even have to try
 

"Okay.. One last ikot Bea." Ginawa ko naman kung ano yung sinasabi ni Gayle. 

You don't have to try
Don't try
Don't try
You don't have to try

"Alalayan mo yung likod nya, hawakan mo yung likod nya Ian. Yung is among kamay Bea, hawakan mo mukha ni Ian." Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hingang malalim. Wala lang yan Bea. 

Out of all the girls
You my one and only girl

Ain't nobody in the world tonight

"Eyes to eyes.." Nung tumingin ako sa mata ni Ian, nakatingin na agad sya sa akin. "Ilapit nyo masyado mukha nyo.. Matatapos na yung kanta...." 

Inilapit nya yung mukha nya, dinikit na yung ilong nya s ilong ko. Ramdam ko na din ngayon ang paghinga nya.

Out of all the girls
You my one and only girl

Ain't nobody in the world tonight

 Yung mata nya, nakatingin lang sa mga mata ko. Ganun din ako, hindi ko mapigilang hindi mapatitig. Bigla nya akong hinalikan sa noo. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha, at ngayon siguro, para na akong kung ano sa pula ng mukha ko.


All of the stars, they don't shine brighter than you are
Ain't nobody in the world but you and I
You and I
You and I
Nobody in the world tonight
Ain't nobody in the world but you and I....

Bigla kaming napahiwalay ng sumigay sila Gayle at Jane..

"Kyaaaaaah!!"

"OMG! OMG!"

"BAGAY TALAGA KAYO!"

"RAMDAM NA RAMDAM NAMAN YUNG CHEMISTRY NYO!"

Ano bang pinagsasabi nitong dalawang to.

"You did great." Sabi ni Ian. Bigla naman akong napangiti.

"No! You did great, sabi mo kasi ikaw magdadala sa akin diba?" ngumiti siya, at bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko. Nagpaalam na kami kila Gayle at Jane.

Naglalakad kami ni Ian, papuntang bahay. Walang nagsasalita sa amin, siguro dahil na rin sa pagod na din siya. Pero ako, hindi pa din maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Chris—

"Bea, anong meron sa inyo ni Vince?" Out of nowhere na tanong ni Ian.

"Wala.." Tipid kong sagot

"Eh, ano yung kanina?" Alam nya? Nakita nya?! Bigla akong kinabahan. "Yung kanina, bakit ka sumigaw. Bakit parang galit ka sa kanya?" Nakahinga ako ng maluwag, dahil hindi naman pala nya alam, hindi pa ako ready na isabi kay Ian yun. Alam ko kung anong pwedeng mangyari, lalo na't hindi sila okay ni Christian.

"Ah. Ano. Nabwisit lang ako sa kanya. Oo! Nakakainis kasi sya kanina." Palusot ko.

"Ahh. Lumayo ka nalang kasi sa kanya. Hindi siya makakabuti sayo." Tingin ko nga din, hindi talaga siya makakabuti. "Sige na Bea, pumasok ka na. Bye!" Paalam naman ni Ian, hindi ko namalayan nasa tapat na kami ng bahay naming.

"Ingat ka. Bye!"

Nangmakapasok ako sa bahay, agad kong tinawag sila Mama.

"Mah! Kuya! Nandito na po ako."

"Kumain ka ba nak?"

"Ah. Opo mah, kumain kami ni Ian. Pahinga na po." Alam ko kay mama. Bago ako makapasok ng kwarto ko, lumabas naman si Kuya Jiro ng kwato nya.

"Mukhang napapadalas kayo ni Ian ah?" Sabi naman ni Kuya Jiro.. Malamang, nagpapapractice kami.

"Nagpapapractice kasi kami kuya diba? Pageant. You know!" Mataray kong sabi sa kanya.

"Baka naman, kayo na. Di ka lang nagsasabi." Kami? Buti pa siya alam nyang kami, pero ako hindi eh.

"ASA!" At iniwan ko sya sa labas, pumasok na ako para makapagpahinga na din.

Bago ako pumikit, biglang tumunog yung cellphone ko. Calling unregister number, sino naman kaya to. Bago pa man ako makapagsalita, naunahan na nya ako.

"I enjoyed your lips." Parang tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Naalala ko nanaman yung kanina. "I hope, I can taste that again and again." Bigla kong pinatay yung phone ko. Muntik ko ng maitapon yung phone ko sa sobrang pagkabwisit..

Lintik ka, Vince Christian Fabricante!

BEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon