BEA's POV
Nakatingin lang ako ngayon sa kanya, hindi ako gumagalaw sa pwesto ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaction ko. Kung matutuwa ba ako dahil may sasalba na sa talent portion na ito, o magagalit dahil hindi naman nya alam yung step pero nandito siya. Anong gagawin nya, papalakpak? Sasabay sa beat ng kanta habang ako sumamayaw? Wrong timing naman kasi yung sakit ni Ian.
Ayan na. Papalapit na sya!
"You're drooling baby!" bigla naman nitong sabi sa nang tuluyang makalapit sa akin. Sabay kindat naman nya. Pwedeng masuka? Drooling ng mukha nya.
"Kapal ng kalyo mo sa mukha!" Sabi ko sa kanya, medyo pasigaw pero alam kong hindi naman nila maririnig kasi busy sila sa kakasigaw.
Nagsimulang ng tumugtog yung music. Nagulat naman ako ng bigla ako nitong hawakan sa bewang at hatakin palapit sa kanya. Iniisip ko ngang tapakan yung paa nya eh, kaso baka mas lalo kaming matalo. E-enjoyin ko nalang yung ginagawa namin.
You fix your make up, just so
Guess you don't know, that your beautiful
Try on every dress that you own
You were fine in my eyes, a half hour agoIf your mirror won't make it any clearer I'll
Be the one to let you knowOut of all the girls
You my one and only girl
Ain't nobody in the world tonightAll of the stars, you make them shine like they were ours
Ain't nobody in the world but you and I
You and I
Ain't nobody in the world but you and IYou stop the room when we walk in
Spotlights on everybody staring
Tell all of these boys, they wasting their time
Stop standing in line, cause your all mineAnd this evening I, won't let the feeling die
I never wanna leave your sideOut of all the girls
You my one and only girl
Ain't nobody in the world tonightAll of the stars you make them shine like they were ours
Ain't nobody in the world but you and I
You and I
Ain't nobody in the worldYou keep wondering if you're what I'm wanting
You don't even have to tryYou don't have to try
Don't try
Don't try
You don't have to tryOut of all the girls
You my one and only girl
Ain't nobody in the world tonightAll of the stars, they don't shine brighter than you are
Ain't nobody in the world but you and I
You and I
You and I
Nobody in the world tonight
Ain't nobody in the world but you and INagkalapit na ang mga mukha namin. Yung mata nya nakatitig lang sa mga mata ko kaya hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mga mata nya. Ang ganda ganda ng mata nya, hindi ko lang makita kung anong kulay nito dahil sa medyo madilim. Yung kilay nya, medyo makapal pero bagay sa kanya. Ang gwapo niya! Gwapo? Oo na. Gwapo pero puro kalyo ang mukha!
"Gwapong gwapo ka nanaman sa akin."
Hindi ko namalayang tapos na yung kanta. At pumapalakpal na sila.. hindi ko nalang sya pinansin. Bumaba na ako ng stage at pumunta kung nasaan sila Gayle. Bigla naman nila akong niyakap ni Jane at Gayle.
Nang sabihin kung sino ang nanalo. Well, congrats to us! Kami yung nanalo para sa talent portion.
"Congrats bestie! Ang galing mo. Ang galing nyo!" napangiti naman ako sa sinabi ni Jane. Ang galing ko daw. Well, I know right! Hahahaha
"Wow! Bagay din pala kayo ni Vince ano?" Sabi naman ni Gayle na para bang kinikilig pa. Wait? Speaking of. Asan na yun?
"Teka, asan na si Fabricante? At wait. Paanong –" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng biglang nagsalita si Gayle.
"Paanong alam ni Vince yung step ni Ian, yung step nyo?" Hindi na ako nagsalita pa. Tumango lang ako habang may pagtataka sa mukha ko kung paano yun nangayari. Pwede din namang dahil sa madalas siyang nanunuod pag nagpapractice kami kung ganun ang bilis naman nyang na-memorize.
"Ayan pala si Ian eh?" Sabi ni Jane.
Agad naman akong napalingon, at nakita ko si Ian na naka-jacket. Mukhang nilalamig ang halimaw na ito. Lumapit siya sa akin. Tinitingnan ko lang siya. Bigla naman siyang ngumiti kaya ngumiti na din ako sa kanya.
"Galing mo kanina ah." Sabi ni Ian sa akin, habang nakangiti. Pero halata sa mata at mukha nitong masama ang pakiramdam nya. Hinawakan ko ang noo at leeg nya. Ang init. Ang taas ata ng lagnat nya.
"Alam kong magaling ako. Pero, anong ginagawa mo dito? Nilalagnat ka di ba? Sana nag-stay ka nalang sa bahay nyo para nakapagpahinga ka." Bulyaw ko sa kanya. Tigas talaga ng ulo nitong halimaw nato!
"Naks! Concern siya." Tanga ba siya? O, wala talaga siyang isip. Malamang concern ako. Para saan pa't naging best friends kami di ba? "Pwera biro. Gusto kasi kitang mapanuod. Kahit hindi ako yung kasayaw mo. Sabi ko pa naman sayo ako yung magdadala sayo. Tapos ako yung wala."
"May sakit ka nga talaga. Ang drama mo eh. Okay lang naman eh!"
"Okay lang? Kasi nandyan si Vince?" Hala siya? Saan nanggaling yun?
"Loko! Hindi no! Pero, nakakapagtaka lang. Alam nya yung step mo, yung step natin."
Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako dahil dun.. Hmm!
"Kanina kasi nung biglang sumama yung pakiramdam ko. Tinawagan ko si Vince, tinuro ko sa kanya yung step. Hindi naman siya nahirapang gawin dahil alam na nya yung iba." Pagpapaliwanag naman nito. Bigla ko naman itong binatukan.
"Aray naman Bea!"
"Tanga ka talaga. Imbes na, magpahinga ka. Pinagod mo pa yung sarili mo para turuan si Fabricante! At sana naman pinaalam mong may sakit ka."
"Sorry na baby. Halika dito, kiss nalang kita. Dali."
"Sira ka ta--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Dahan dahan naman nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko. Napatingin nalang ako sa mata nyang nakatingin din sa mga mata ko. Magkadikit na ang mga ilong naming ngayon. Ramdam ko ng yung hininga nya.
Papikit na sana ang mata ko ng biglang may dumating. Si Fabricante pala. Bigla naman akong hinalikan ni Ian. Sa pisnge. Napatingin kami kay Fabricante. Pero paalis na rin ito.
"Vince!" tawag ni Ian sa kanya. Hindi ito lumingon pero, tumigil ito sa paglakad nya. "Salamat.."
"Wala yun. Alam mong gagawin ko lahat—" hindi na naituloy ni Christian yung sasabihin nya. Ng biglang nagsalita si Ian.
"Bea, tara na! Hinihintay na tayo nila Jane at Gayle sa labas."
Naunang lumabas si Ian. Inayos ko muna yung mga natitira pang gamit namin. Nagulat ako ng makita kong nandito pa rin pala si Fabricante.
"Anong ginagawa mo dito?" malumanay pero maydiin kong sabi sa kanya. Hindi ako nito sinagot. Humakbang ako mapatikod ng naramdaman kong papalit siya sa akin. Wala na. Nasa dead end na ako. Wala na akong mahahakbangan pa. Nacorner nya ako.
"Umalis ka nga dyan!" sigaw ko sa kanya, pero wala lang. Patuloy lang siya sa pagtitig sa mata ko. Ang bilis na ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Naalala ko nanaman yung bigla nya akong hinalikan.
Naramdaman ko namang papalapit na yung mukha nya at para bang hahalikan na nya ako. Himinga akong malalim.
"Ano ba! You already stole my first kiss! And. Don't. You. Dare. Steal. My. Second. Kiss.!" Agad naman akong nakaalis sa pagkaka-corner nito. "Dahil wala kang karapatan!"
"Then, I'll do everythinv to make you mine.. Mine alone!"
What did he say?
BINABASA MO ANG
BEA
RomanceLove is decision, a choice we each must make. It gives, selflessly, even sacrificially. It unconditionally provides for the one that is loved.