5

8 2 0
                                    

BEA's POV


Nandito kami ngayon kila Gayle. Medyo malayo to sa amin, kasi sa kabilang bayan at malayo din to sa centro. Wala naman kaming choice kung hindi tumuloy sa kanila. Ayaw ko naman kasing sa bahay kami magpractice paniguradong aasarin lang ako ni Kuya.

Almost two hours na kami dito kila Gayle, pero wala pa din kaming mabuo. First time ko din palang makapunta sa lugar na to. Hindi dahil sa malayo kundi wala naman akong pupuntahan. Mga one n'half hour kasi yung byahe papunta dito.

"Hindi pa ba tayo magsisimula? Anong oras na!" Sabi ko sa kanila, nakakainis naman kasi. Sayang na nga sa pera sayang pa sa oras. May nalalaman pa kasing pageant!

"Mamaya na Bea. Pupunta pa tayong centro mamaya, maglalayas tayo." So. Yun pala talaga ang pinunta namin dito. Alam ko namang may mga mura pero masarap na pagkain daw dito. At yung ang dinadayo. Pero ako-kami. Hindi naman yun ang pinunta namin dito. "Okay lang naman na mamaya na talaga tayo magsimula eh. Sure naman tayong sa sunod na practice, may magagawa na tayo." Dagdag ni Gayle.

Dahil ako lang naman ang ayaw pumunta ng centro para mamasyal, wala akong nagawa. Majority wins nga daw. Si Ian naman saktong kakadating lang. Nagtext nasa centro na daw siya, hindi na namin siya pinatuloy kila Gayle kasi papunta na din kami sa centro. Tinext ko naman agad si Ian..

To: Ian

Ian, otw na kami sa centro. Nakakainis. Sayang lang. :(

Wala pang ilang minute nakapagreply na siya kaagad.

From: Ian

Okay lang yan. Sige, ingat kayo.

Hindi na ako nagreply sa kanya. Medyo madaming tao din dito sa centro ng bayan nila Gayle, kasi desperas daw ng Fiesta. Sa hindi kalayuan, nakita ko si Ian. Kaagad ko naman siyang tinawag.

"IAAAAN!"

Kaagad naman siyang lumingon sa pwesto ko at naglakad papalapit sa akin. Yung pakiramdam ko hindi ko maintindihan. Parang may kung ano sa akin, hindi ko mapigilang hindi tumitig sa mukha nya, kasi ang gwapo niya.

"Alam kong gwapo ako, wag mo kong titigan ng ganyan."

"Hoy ang kapal ng mukha mo..." Pakiramdam ko, namumula ang mukha. Agad naman akong tumalikod at naglalakad papunta sa pwesto kung nasaan si Gayle.

Biglang namang nagring ang phone ko. Si Jane lang pala.

"Hello?"

[Uh. Hello bestie? Asan ka? Papunta kasi ako ngayon kila Gayle.] Hala? Pupunta siya dito mag-isa. Baka mapaano pa si Jane. [Malapit na ako, I think. Call kita later. Bye.] Yun talagang babaeng yun.

"Sino yun?" Bigla bigla nalang naman nagsasalita si Ian.

"Ah, si Jane. On the way daw siya dito."

"Hoy! Tara dun, tikman natin yung kwek-kwek dun." Sigaw naman ni Gayle.

Bigla naman akong hinila ni Ian.

Masarap nga yung kwek-kwek, masarap yung sauce nya. Puro turo-turo lang yung kinain. Pero masasarap naman yung mga yun, lalo na yung fishball. Ang sarap inumin nung tamis-anghang na sauce nila.

Kami nalang ni Gayle, Ian at Jane ang magkakasama kami. Hindi na rin kami nagplanong pumunta sa peryahan kasi madaming tao. Buong araw kasama ko si Ian, humiwalay kami sa kanila kanina. Pero dahil sa dami ng tao, hindi nya binitawan ang kamay ko. Pakiramdam ko nga kanina sobrang safe ako.

Mag-aala syete na rin ng makauwi ako sa bahay, buti nalang may nasakyan pa kami.

Nag-enjoy naman ako, kahit wala kaming ginawa para sa talent portion namin.

Mga tatlong araw na rin ang nakalipas, tuwing hapon nagpapractice kami. Buti mga basic step lang kaya hindi ako masyadong nahihirapan. Medyo nasa kalahati na rin kami ng tugtog. Malapit na kaming matapos. Pakiramdam ko nga pagod na pagod na ako. Ang dami pang school works na dapat tapusin, kaya late na din ako natutulog at ang aga ko pang gumising.. Minsan hindi na din ako kumakain dahil sa sobrang pagod, nakakawala na din ng gana.

Busy ngayon ang lahat sa school, kasi malapit na yung talent night. Hiwalay kasi ang talent night at sa mismong gabi ng pageant. Wala din akong kasama ngayon, officer kasi ng school organization si Jane, kaya naman busy siya. Si Ian naman busy din. Hindi ko naman alam kung anong pinagkakaabalahan nun.

Kakain sana ako, kaso ang haba ng pila sa canteen. Medyo nahihilo na nga ako, gawa din siguro sa puyat at sa gutom. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi naman ako pupunta.

Hindi ko namalayan nakarating ako sa isang place sa school namin. Parang dating fish pond ito, may maliit na kubo din may mga halaman. Walang tao..

"Pwede na siguro ako ditong magpahinga. Nahihilo na talaga ako.."

Habang papalapit na ako sa kubo. Yung ulo biglang sumakit. Ano ba ito? Patang mas lalo ata akong nahilo. Wala pa namang ibang tao dito.......

Nagising ako. Nasa bahay na ako, anong nangyari?

"Gising ka na pala? Kumusta ka na?" Si Ian. Mukha agad ni Ian ang nakita sa pag-gising ko. Ang anghel ko. Chos! "Wag ka munang bumangon. Teka, inumin mo to."

Pag may ganto ba namang kagwapong magaalala sayo, tatanggi ka pa ba? Syempre, hindi na ano.

Bea, kaibigan mo yan. Best friend mo to be exact. Wag mong pagnasahan....

"Salamat. Anong nangyari, huli kong alam nasa garden ako."

"Nahimatay ka kasi. Sabi nung school nurse, sobrang pagpapagod at nagpapalipas ka daw kasi ng pag-kain." Ah kaya pala... "Bakit ba sobra ka naman atang nagpapagod. Pinapa—" Pinutol ko ang sinasabi nya. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.. Habang nakangiti. Niyakap nya din naman ako.

"Thank you Ian. Thank you sa pag-uwi sa akin dito. Buti nalang ikaw ang nakakita sa akin! Ang swerte ko talaga sayo!" At kumalas na ako sa pagkakayakap. Yung mukha ni Ian, parang nagulat siya sa ginawa ko. "I owe you, Ian." Niyakap ko ulit siya, pero mabilis lang iyon.

"Ah-ano.. Wala yun, ikaw pa ba. Ako ata ang superhero mo!"

Hahaha. Natawa naman ako, para syang bata. Hindi ko na hinatid si Ian sa labas, sabi nya magpahinga nalang daw ako. Hindi pa man lang tumatagal simula ng umalis siya ng bahay, nagtext na agad na siya. Na bigla ko namang ikinasaya.

From: Ian

Wag ka ng magpuyat. Good night! :)

Agad naman akong nageply..

To: Ian

Opo. Thank you talaga! Good night! :)


Ako na ata ang pinaka.. pinaka swerte pag dating sa kaibigan. Hay! pero sana Ian, dahan dahan.. Baka mahulog na ako.

BEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon