4

22 1 0
                                        

BEA's POV

Nagising ako gawa ng ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Nagtatawanan sila. Alam kung si Kuya Jiro, mama at si Ian. Ang aga aga naman ni Ian, nandito na agad. Hindi naman nila ako ginigising, siguro nageenjoy silang magkwentuhan. Kaya hinayaan ko nalang hindi muna ako bumangon. Bigla namang tumunog yung cellphone ko.

From: Ian

Hey! Good morning. Ako naghanda ng breakfast mo! :)

Hindi ko alam kung magrereply ba ako. Malalaman nyang gising na ako. Pero, anong meron kay Ian? Bakit ganyan siya ngayon. Hindi ko naman sinasadya pero naririnig ko ang pinaguusapan nila sa labas.

"Nga pala. Kumusta naman si Bea sa school Ian?" Tanong ni mama kay Ian. Hindi ko mabigilang hindi making kasi ako yung pinaguusapan nila.

"Okay naman Tita. Kami nga po ang representative ng section naming para sa Mr. and Ms. Campus" Masiglang sagot naman ni Ian. Talagang proud pa siya ha?

"Di ba, may talent talent sa ganun? Wala namang talent yung si Bea eh. Hahahaha" Hello kuya? Alam mo bang naririnig kita!

"Graba ka naman sa kapatid mo." Sita ni mama kay kuya. Lalabas na sana ako pero bigla ako napatigil sa narinig ko.

"Jiro, Tita." Sa tono ng pananalita nya, mukhang kinakabahan si Ian, ano kayang meron? May problema ba siya. Nagaalala ako sa kanya. "Gusto ko po sanang ipaalam sa inyo na, may gusto ako kay Bea. Pero hindi ko pa naman po siya liligawan sa ngayon. Gusto ko lang din pong ipaalam na, mahalaga po siya sa akin." Wait? Anong pinagsasabi ni Ian. Walang nagsasalita sa kanila, pati ako kinabahan. Hindi ata nagustuhan ni mama ang sinabi ni Ian. Hala siya!

"Ha ha ha. Tita naman, nagjojoke lang ako. Wag kayong masiyadong seryoso. Pero totoo naman pong importante siya sa akin." Nakahinga ako ng maluwag, hindi maganda ang biro ni Ian. Buti naman.

"Akala ko totoong may gusto ka sa anak ko. Alam mo Ian, boto ako sayo." Ano namagsasabi ng nanay ako. Hindi ko na kinaya. Lumabas ako at yung mga mukha nila, para silang nakakita ng kung ano.

Napatingin nama ako kay Ian, yung reaksyon nya parang hindi nya alam yung gagawin nya. Napatingin ako ng bahagya sa sarili ko. At pati ako nagulat. Ang tanga ko lang! Nakashort at nakasando nga lang pala ako. Ang take note! Wala pa akong bra, buti nalang hindi ganun kanipis ang sando at hindi ito puto.

Nagmadali akong pumasok sa kwarto. Hindi ko alam kung lalabas ba ako. Nakakahiya kasi. Kay mama okay lang yun syempre pero kay kuya, syempre may part na okay lang at may part na nakakahiya. Pero.. Pero okay Ian.. jusko! Kung pwede lang mag-teleport papunta sa ibang lugar, gagawin ko!

Muli akong lumabas at wala na sila sa sala. Nakita ko sila sa labas. Nag madali akong maligo at muling bumalik sa kwarto ko para magbihis.

Hingang malalim....

Labas ng kwarto...

"Oh, anak. Kumain kana. Sabayan mo na si Ian." Waaaah! Nahihiya talaga ako kay Ian. Na medyo naiinis. Naglakad na ako papuntang kusina, si Ian lang ang nadatnan ko dun. "Anong ginagawa mo dito? An gaga mo manggulo."

"Aga pa ba? Tanghali na ah. Sige na kumain ka na." Sabi ni Ian, na para bang wala siyang nakita kanina na kahiya hiya.

Kumain kami. Walang nagsasalita.. Hindi ko alam, naiilang talaga ako kanina.

"Bea, mamaya na daw practice natin. Kila Gayle nalang daw." Sabi naman ni Ian. Tumango lang ako, at pinagpatuloy ang pagkain ko. Nagulat naman ako biglang s'yang tumayo at lumapit sa akin. Hinawakan nya yung noo ko. "Wala ka namang lagnat. Masama ba pakiramdam mo? Pwede namang wag na muna tayo magpractice mamaya. Sasabiha—"

"Hindi. Wala. Okay lang ako." Sagot ko naman sa kanya.

"Yung sa kanina. Sorry.. Sana hindi ka nabastos." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Lupa? Kainin mo ko please..

"Ah-ano.." Ano ba to? Hindi ko matuloy tuloy yung sasabihin ko..

"Alam mo Bea.. Wag kang mahiya o ano." Tanga ba siya? Anong wag mahiya? Lalaki siya tapos makikita nya yun. Oo nga, hindi naman nya nakita pero bakat eh. Halata! Ganun na din yun.. Gusto kong sabihin pero hindi ko masabi. Nahihiya pa rin talaga ako..

"Kasi sa totoo lang. Wala naman akong nakita eh. Hindi ko lang siguro napansin? O wala naman ta—" I cut him off. Punyeta! Akala ko maganda ang sasabihin.

"Hoy! Ang kapal ng apog mo! Lumayas ka nga dito sa pamamahay ko!!" Yung hiya kong nararamdaman kanina, nawala. Napalitan ng galit. Kaibigan ko ba talaga sya? Walangya!!

"HAHAHAHAHA! Joke lang naman. Pero hahahahahaha.." Tawa pa din sya ng tawa.

"Mawalan ka sana ng hangin sa kakatawa mo! Hayop ka!!" Sigaw ko dito. Tumatawa pa din siya. Mamatay na ata siya. Urgh!

Bahagya naman akong napatingin sa akin... Meron naman eh, kahit papaano. OA naman ni Ian sa wala. Napaka-hmmp!!

--

Natapos ang maghapon, nagpractice lang kami kila Gayle. Kahit Malayo, keribels basta daw makapractice. Hindi naman kami masyadong nagpagabi kasi may pasok na bukas. Hinatid na din ako ni Ian sa bahay.

"Ian, salamat. Ingat ka pag uwi." Paalam ko sa kanya.

Pero bago pa man siya umalis, may sinabi siya sa akin..

"Alam kong narinig mo yung sinabi ko sa mama at kuya Jiro mo kanina. Bea, gusto kong sabihin sayo na—" biglang may tumaan na mga grupo ng lalaking ang bilis ng patakbo ng motor. Kaya hindi ko gaanong narinig ang sinabi ni Ian. Nag paalam na siya, pumasok na ako sa kwarto para magpahinga.

Biglang may nagtext sa akin. Si Ian lang pala.

From: Ian

Good night Bea! Matulog kana, susunduin kita bukas. :)

To: Ian

Ok, Good night din. :)

From: Ian

Btw, hindi mo man lang sinabi kong nasarapan ka ba sa niluto kong breakfast para sayo. :( Hindi mo ba nagustuhan?

Natawa naman ako. Haha oo nga pala.

To: Ian

Nah. Masarap siya. Thank you! :)

From: Ian

Gagawan kita ulit bukas. Don't worry.. Haha

To: Ian

Wag mong dalasan, baga masanay ako. Hanap-hanapin ko.

Wala pang 2mins, nakapagreply na siya agad.

From: Ian

Okay lang na masanay ka. Wala naman akong balak itigil yun.

Hindi ko na alam yung isasagot ko..

To: Ian

Sige na. Oo na! Good night na. See you tomorrow Ian. :)

Akala ko hindi na siya magrereply. Kasi ang tagal na pero wala pa din. Matutulog na sana ako, pero biglang umilaw yung cellphone ko. Tumatawag pala si Ian.

"Hello?"

Medyo matagal din bago siya ulit nagsalita..

[Kung nasanay ka na, sabihin mo lang sa akin. Para hindi ko na itigil...]

Hindi pa din ako nagsasalita.. Hinihintay ko pa yung sasabihin nya.

[Alam kong narinig mo yung sinabi ko sa mama at kuya mo kanina. Bea, totoo yun. Importante ka sa akin. Pinahalagahan kita. Ni rerespeto. Totoong ma—sige na, Bea. Matulog ka na, good night. Dream of me. Hahaha! Matulog ka na, par magkalaman ka naman. hahahahahaha]

"Kapal talaga ng apog mo! Kbye!!"

[Hahaha. Sige na! Good night. Love you!]

"Uh..." Hindi ako agad nakasagot. Namatay na din yung tawag. Hindi ako handa sa love you thingy ni Ian.. Mahal nya ako? Kailan pa?

Natural, best friends kayo di ba? Hay. Oo nga naman. Asa ka naman kasi Bea!

Hindi naman ako umaasa ah?. Tsk!

BEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon