9

24 3 0
                                    

BEA's POV

Ang sakit ng ulo ko. Hindi ako nakatulog ng maayos. Pinuyat ako nung hinayupak na Fabricante'ng yun! Kung anu-ano ang sinasabi sa akin. Hindi naman sa apektado ako, pero. Kasi. Oo na, apektado na ako. Ikaw ba naman sabihan ng ganun di ba? Hindi ko pa nararamdaman yung feeling ng sinusuyo, kaya parang lumundag yung puso ko nung sabihin nya yun. Pero, di ko alam kung totoo bay un. Hays! Sana, hindi ko siya makita....

"Please! Sana, hindi kita makita!" Sabi ko habang naka-cross fingers. Naglalakad ako ngayon sa pathway, papuntang room, ng makita ko si Jane at Gayle na magkasama.

"Hi-oh? Anong mata yan?" sabi ni Jane sa akin, habang tinururo ang mga mata ko.

"Maganda." Wala sa mood kong sabi at, iniwan sila. Pumunta na ako sa room at umupo sa upuan ko.

Wala pa din si Ian. Ni-hindi ko nga alam kung paano nagkasakit yung halimaw na yun eh. Lumipas na yung dalawang subject, pero lutang pa din ako. Pinipigilan kong hind makatulog, dahil pagnagkataon magagalitan ako ng teacher ko. Pero, wala pag mas pinipigilan ko yung antok ko, mas sumasakit yung ulo ko. Si Christian naman, hindi siya pumasok. Buti nalang hindi siya pumasok.

Naramdaman kong nag-vibrate yung phone. Ka-agad ko naman itong tiningnan. Nakita ko naman yung name ni Ian. Ang loko, namimiss na ata ang maganda nyang bestfriend.

From: Ian

See you later! :')

See you later? Eh? Wala naman kaming usapang magkikita kami. Hmm

To: Ian

Huh?

From: Ian

Kita tayo mamaya. Naboboring na ako dito sa bahay. Mall tayo!

To: Ian

Naku. Naku. Magpahinga ka nalang, wag kang maglayas. Dadaan nalang ako sa inyo, bago ako umuwi. Okay? :)

From: Ian

Sure! See you later, Bea. I miss you....

Ano daw? I miss you? Emeged...

To: Ian

Okaaaaay, See yah!

Hindi na siya nagreply. Nawala tuloy yung antok ko. Natapos ang buong umaga, at eto ngayon lunch time na. Mag isa ako ngayong naglalakad, buti nalang walang pasok mamayang hapon, makakapunta ako kila Ian.

Nakita ko naman agad si Jane at Gayle na kumakain sa canteen. Itong dalwang to, lagi nalang akong iniiwan. Nang papalapit ako sa kanila, kaagad naman nila akong nakita.

"Bea!" Bati naman ni Jane. At ngumiti ako sa kanila. "Kumain ka na ba?" Umiling ako.

"Nga pala. Pupunta ako kay Ian mamaya. Sama kayo?"

"May pupuntahan kasi ako eh.." Sabi naman ni Gayle.

"Ako din Bea eh, Sorry."

"Ganun ba? Sige. Okay lang!" Bigla namang tumunog yung cellphone ko, unknown number yung tumatawag. Pero parang familiar sa akin yung number na ito.

"Wala ka bang balak sagutin yan." Hindi ko si Jane, sinagot. Inaalala ko kung kaninong number ito. Agad naman naagaw ni Gayle yung cellphone ko at, sinagot.

"Hello?.. Canteen, why?... Ok bye. See you.." Then, pinatay na niya yung call at binalik yung cellphone ko sa table. Sino kaya yung tumawag. Pero, wait? See you? Hindi kaya si Ian yun?

"Ikaw huh?!. Yiee!" Tukso sa akin ni Gayle. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka. Hindi ko naman alam kung ano bang pinagsasabi nito. "Mag kita daw kayo ni Vince mamaya." Yun lang pal—WAAIT?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon