3

18 2 0
                                    

BEA's POV

Nitong mga nakaraang araw, mas madalas kung nakakasama si Ian. Ito kasing si Jane busy. Kaya ilang araw na din masakit ang ulo gawa ni Ian. Pero kahit ganun, Masaya naman akong kasama siya. Kahit papaano. Hahaha. Pero, wait. Ang tagal naman nun bumili..

"Ito na po miss yung Ice cream mo." Nilagay naman nya yung Ice cream sa table namin. Nandito kami ngayon ni Ian sa Mall. Biglang kinuha ni Ian yung panyo na sabay pinusan sa may gilid ng labi ko. "Ang kalat naman ng baby." Pinalo ko agad ang kamay nya. Sira ulo talaga.

Sa di kalayuan, parang natanaw ko si Christian. Hinayaan ko baka kasi kamukha lang. Bumalik na kami ni Ian sa school, pagkatapos naming maglakad lakad.

"Okay class. Next month magkakaroon tayo ng event dito sa school. Kasabay din nito ang Mr. And Ms. Campus. Per section, may kanya kanya representative. At isa lang ang talent na gagawin nila." Event nanaman, di ba sila napapagod? "Sinabi ko na agad, para maka-paghanda kayo. By the way, nakapili na pala ako ng ipanglalaban natin" Ngiting ngiti sabi ni Mam, habang nililibot ang tingin.

"Mr. Christian Ian Ferrer.." Hahaha, knowing him. Ayaw nyang sumasali sa ganito. Last time na may pageant siyang sinalihan hindi siya umaattend kasi ang pangit naman daw nung ka-pair nya. Tiningnan ko siya, hindi nanaman maipinta ang mukha ng Ian. Hahahahah. "At para sa babae, si.. Ms. Bea Tabanao" Sino daw?

Ako?

"Grabe oh!" Bigla kong sabi. Hindi ko mapigilang hindi mag-react.

Bigla nalang umalis si Mam. Hindi man lang ako tinanung kung papayag ba ako.

"Ok lang yan. Akong magdadala sayo." Bigla namang sumulpot si Ian sa tabi ko. Kapal talaga ng pagmumukha.

"Bahala ka sa buhay mo.." Lumabas na ako ng room. Letcheng buhay ito. Sa dinami dami ng babae bakit ako pa? Araaay. Napaupo ako sa sahig. Hindi kasi tumitingin sa dinadaan. Pag angat ko ng ulo ko nakita ko si Christian pala.

"Dyan ka nalang?" Inabot nya sa akin yung kamay nya. Akmag aabutin ko ito para makatayo ako.

"Sala—"

"Wag mo siyang hahawakan Bea." At biglang tumigin kay Christian "Don't you dare, touch what's mine!"  Hindi ko masyang narining yung huli, pero alam ko galit siya. Bigla nya akong binuhat ni Ian para makatayo. Pero yung tinginan nila ni Christian. Para silang nagpapatayan. Ano ba ito? Dumdami na din ang tao dito. Kailangan na naming umalis.

"Ah. Tara na Ian." Hinila ko na si Ian. Pero tumingin muli ako kay Christian, nakangiti siya. Yung ngiting nakakaloko. Ano bang problema nila?

"Sabi ko sayo, wag kang lalapit sa kanya." Nagulat ako ng biglang napataas ng boses ni Ian. Hindi ako makapagsalita. Huminga ako ng malalim..

"Nabunggo kasi ako, tapos.. ano.. natumba ako." Nagulat ako ng bigla naman nya ako yakapin. Ano ba tong halimaw nato. Ang tagal din naming hindi naguusap. Mukha kasing mainit ang ulo nya.

Pero hindi nya ata natiis, siya din mismo ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Sorry, nasigawan kita." Biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi nya, sa tono ng pananalita nya. Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap. Nag eenjoy pa ako eh. Ano Bea? No! Joke lang yun.

Pumunta kami ng room, para makapagmeeting about sa pageant. Naabutan naming naguusap-usap na yung mga classmates naming. Pero nakita ko si Christian na nasa huli at nakaheadphone. Walang paki-alam.

"So, ano? Anong itatalent nyo?" Tanung naman ni Gayle, yung president ng class.

"Kanta?" Suggest ko naman. Wala naman kasi akong talent. Naku..

"Sayaw nalang kayo." Sabi naman ulit ni Gayle

"Hindi ako sumasayaw.." Sabi naman ni Ian.

Tiningnan ko si Ian ng.. Talaga-ba?-look.

Ako pang niloko nya. Nakikita ko nya yang sumasayaw sa kwarto nya pag magisa sa harap ng salamin. Hahahaha

"Mag-declamation nalang kayo." Napairap naman ako sa suggestion ni Gayle.

".. Final na to." Ayaw ko na tuloy sumali. Talent portion palang ganito na. Ayaw ko na! "Sasayaw kayo... Contemporary dance!" What? No! Tatanggi sana ako, pero pinigilan ako ni Ian. Lintik siya, purke magaling siya sumayaw. Bahala na kung ano kakalabasan nito.

Vacant kami sa last subject naming, may meeting daw kasi ang mga teacher. Kaya ito, napagpasyahan naman nila na magpractice nalang daw. Yung iba pumipili na ng song na gagamitin namin para sa talent namin. Pero ako? Eto.. wala ako sa mood. Iniisip ko nga na wag sumipot sa pageant.

Naubos yung oras naming ng wala naman kami halos nabuo. Nagagalit na nga sila sa akin, makisama daw ako. Eh wala nga ako sa mood. Iniisip ko din kung ano yung kanta. Ayaw ko ng mga steps na yung kailangan halos magdikit na mga katawan naming. Kahit naman kasi, matagal ko ng kaibigan si Ian, iisipin ko palang yung gagawin namain. Naiilang na ako.

"Okay Guys!" Biglang nagsalita si Gayle. "Nakapili na nga pala kami ng kantang gagamitin para sa talent nyo. Excited na akong makita kayong sumasayaw." Ngiting-ngiti nyang sabi.

"Pwede ba sabihin mo na, para makauwi na tayo." Nakakainis, ang tagal naman kasi. Kung siya nalang kaya ang sumali.

"Chill, Bea! Eto na nga. The song You and I by John Legend, is what we chose." Favorite song ko yun, pangarap ko ngang may lalaking kumanta nun sa akin eh. Ang sweet kasi. "Don't worry guys, mga basic steps lang naman ang papagawa namin sa inyo."

"Okay, so bukas na tayo mag start. Bye everyone!" Paalam naman ni, Gayle at umalis na. Kami nalang ngayon ni Ian ang magkasama.

Nang makarating kami sa bahay. Hindi na siya pumasok umuwi na siya. Matutulog na sana ako, pero biglang umilaw yung cellphone ko. Nag text pala si Ian.

From: Ian

Out of all the girls
Your my one and only girl
Ain't nobody in the world tonight.

but you and I.

Goodnight Bea. :)

Anong meron kay Ian? 

BEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon