Chapter 6

829 20 1
                                    

Nash's POV

.... Ayun.

Teka.. Si Sharlene din pala.

Hn.

Magkaklase pala kami.

"Magkaklase pala tayo. Sumunod ka na lang sakin para di ka maligaw. Kaya mo na bang maglakad?"

"Ahm.. Salamat pala. Kaya ko naman na maglakad mag-isa. Susundan na lang kita."

"Sige."

Tahimik lang kaming dalawa habang papunta sa classroom.

Ang weird niya talaga.

Tinititigan ba niya ko?

"Anong kailangan mo? Ba't ganyan ka makatitig?"

"Ahmm. Wala..."

Weird.

San nga ba ulit yung room?

Ahh oo. Kakaliwa tapos pangatlong kwarto.

//CLASSROOM//

"Oy brad!" Sigaw ni Jairus.

"San tayo? Ay. Teka.."

Asan na si Sharlene?

Yaan mo na nga.

Hindi ko naman siya responsibilidad.

"Anong hinahanap mo Nash?"

"Ah wala. Oy. Tara na nga unggoy. Dun na lang tayo sa bahay ko."

"Eeeeh! Bro!! May nakita akong chix kanina! Kaso pangit ugali! Gusto ko pang makita yun ulit eeh. Maya na tayo magcut."

"Tsss. Bahala ka. Mauuna na lang ako."

"Wew! Sayang uniform! Tsaka may kasama kang chix kanina ah! Asan na?"

"Ewan. Kaklase natin. Kasabay ko nga kaso biglang nawala. Basta uuwi na ko. Jan ka na. Baka maabutan pa ko ng teacher natin."

Asan na kaya si Sharlene?

Hindi kaya naligaw siya papunta?

Baka masyadong mabilis yung paglakad ko.

Hm..

----

Sharlene's POV

"Anong kailangan mo? Ba't ganyan ka makatitig?"

Eh kasi...

"Ahmm. Wala..."

Actually... Sasabihin ko sana na ang bilis ng lakad mo Nash.

Pero nakakahiya. Naabala ko na siya ng sobra.

Dapat kayanin ko na to.

Ngayon ko lang maeexperience na magklase sa bagong building eh.

Lagi kasing sa luma yung mga dati kong pinagklasehan.

Haiii...

Pero ang ganda rin dito. Bagong pintura eeh.

Hm?

"N-Nash?"

Nawala siya.

Hala! Anong gagawin ko?

::Ding dong ding dong::

Hala yung bell! Hindi na ko makakapasok..

Saan na ko pupunta?

Hindi ko alam yung room ko kasi pinasunod lang ako.

Nakakalungkot naman.

Pakiramdam ko tuloy na sinadya niya kong iligaw.

Dun na lang ako sa likod ng school.

Kung uuwi ako ng maaga, baka mag-alala sila Mama sakin.

//BASKETBALL COURT//

May bola...

Kaso hindi ako marunong eh hehe.

Masubukan nga.

----

Nash's POV

Asan na ba kasi siya? Naikot ko na ata yung buong building ah.

Nilock naman na ng mga guard yung pinto ng entrance ng building para walang magcut na estudyante.

Tae. Mas okay talaga dun sa lumang building.

"Sharlene..."

Wala. Tahimik.

Sa rooftop kaya? Ba't ko ba hinahanap yun?!

Ano ba yan. Makaupo na nga lang.

(15 minutes later...)

Hindi naman ako makakabalik sa classroom. At ayoko.

Hanapin ko na nga lang! Nako naman.

//ROOFTOP//

...... Wala siya dito.

Saan na kaya nagpunta yun?

Aray.. Kumikirot nanaman tong kanang braso ko.

----

Author's note:

Magfaflashback muna tayo sa next chapter. :)

@pusongmamon44

One Life [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon