Chapter 3

959 26 0
                                    

Author's note:

A new character.

----

"Unggoy's" POV

"Ang bagal naman ni Nash kumilos! Ayoko nang maghintay dito. Makaakyat na nga at nang makakita na ng mga bagong chix!"

Haii. Hello. 

Hello. Haii. 

Ehem. Ehem. 

Ako nga pala si... 

Okay na kaya yung ganun? 

Sabagay.. Oo. Pwede na yun. 

Ulit.. 

Hello. Ako nga pala si Jairus. Nice to meet you. 

Ako yung unggoy. Ay. Este. Pogi. 

Leche ka Nash. Pakiramdam ko tuloy unggoy nga ako. Amp yan. 

Sabay killer smile! 

Pampawala ng bad vibes. 

Yown beybe! 

Hehe.

Sa kakapraktis ko, ngayon ko lang napansing nasa tapat na ko ng school. 

Medyo mainit ngayon ah. 

Sana sulit naman ang pagpasok ko dito. 

Makapaghanap na nga ng pwedeng maging girlfriend.

"Kuya, wala namang papatol sayo."

Tch. Andito nanaman tong nakababatang kapatid ko na si Mika. 

Haii. Basta tungkol sa babae, lagi na lang siyang sumusulpot.

"Bebe. Meron din yan. Papatunayan ko sa'yo na may papatol rin sa kagaya ko!" 

Sabay killer smile!

"Yuck. Kadiri ka kuya! Makapasok na nga!"

"Oy. Pag may pumorma sayo, ipabugbog mo muna sakin ha!"

"Oo ba!"

"Sige. Ingat."

Buti naman at nakaalis na yun. 

.... 

.... 

.... 

....

"A-a-a-aaaang GANDA."

Kailangan kong makilala yung babaeng yun!!! 

Pero oobserbahan ko muna siya.

Ang haba ng buhok niya. 

Mukhang di taga-rito. 

Makalapit nga ng onti.

Aah. Ang bango niya sobra. 

Hindi malakas yung pabango pero nakakaadik. 

Pakiramdam ko... 

Siya na...

Ka-kailangan kong magpakilala sa kanya. 

Sigurado akong new student siya kaya wala siyang alam tungkol sakin. 

Ayos!

Eto na.. Lalapitan ko na siya.

"Uhh. Miss? Mukhang naliligaw ka? Kailangan mo ba ng tulong?"

"Hoy manyak. Bagong lipat ako rito pero hindi ako tanga. Magaling rin akong mangilatis ng tao kaya mag-ingat ka sa mga pinagsasasabi mo."

Sabay walk-out. 

OOOOUUUUCH!! 

First heartbreak. 

Joke lang.  

Pero seryoso. 

Ang bitch naman nun.

"Ganda mo sana! Kaso sa panglabas lang eh!! Bleh! Walang papatol sayo!"

"Che! Wag mo kong gagalitin kung ayaw mong masaktan!"

Nakalayo na siya pero ang linaw ng pagkakarinig ko sa sinabi niya. 

Sus. Kung ganun naman ugali, hindi ko rin magugustuhan. 

Makapasok na nga!

"Magkaklase pala tayo. Sumunod ka na lang sakin para di ka maligaw. Kaya mo na bang maglakad?"

Si Nash yun ah! Sino yung kasama niya? 

Oy chix rin ah. Aga-aga Nashie boy hehe.

"Ahm.. Salamat pala. Kaya ko naman na maglakad mag-isa. Susundan na lang kita."

Nako. Magkakilala pa ata sila.  

Baka pwedeng akin na lang yan Nash. 

Pero iba pa rin yung dating sakin nung naunang amazona eh. 

Lakas ng tama ko. 

Aish. Mauna na nga akong pumasok. 

Nilalangaw na ko dito kakahintay eh.

----

Author's note:

Welcome to the club madlang people.

Ganito kasi yun. 

Since bago lang naman ako't itong kwento ko, naiintindihan kong walang masyadong magbabasa't makakaappreciate kaya ngayon, naisip kong si Alexa na lang ang makakatuluyan ni.............. N............ Jairus. Hahaha! 

Ayon. May isa kasi silang pic na nakitaan ko ng potential so ayun.

Btw, Mika's years younger in my story, obviously. 

So ayun. Lil' biological brother niya si Jairus okay?

Sorry kung naguguluhan na kayo sa mga nangyayari. 

Kapit lang kayo ng mabuti't darating tayo jan.

@pusongmamon44

One Life [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon