Chapter 16

618 15 5
                                    

Nash's POV

"Sharlene..."

Hindi ako makahinga..

Kanina pa..

"Bakit?"

"Uh... Yung tatay mo... Tulong..."

"Papa!!! Layuan mo na si Nash!! Natatakot na siya sayo eh kanina ka pa kasi nakadikit at nakatitig sa kanya! Mama oh!!"

"Teka anak. Eto na.. Eto na.. Wag mo na ko isumbong kay Mama mo. Alam mo naman yun. Dragon kung magalit."

Pfffft.

Nasa likod niya lang yung nanay ni Sharlene.

Haha! Patay.

"Honeypie??"

Eh? Malambing magalit??

"Uwaaa!! H-ho-honeypie!! I love you very much!!! Hilutin kita mamaya! Gusto mo?"

"LABAS."

Boom. Hahahaha!

Labas tuloy siya eh.

"Pasensya na kayo ah.. Uhm. Nash. Hihiramin ko lang muna si Sharlene saglit kung ayos lang sayo."

Eh???

"Mama! Nakakahiya..."

"Haha. Sige po Tita. Okay lang po."

"Ang cute niyo talaga. Anak, halika muna saglit."

..........

"Opo ma. Nash, pasensya ka na ah."

"Uy. Wala yun. Sige na."

Ano kayang pag-uusapan nila?

Sharlene's POV

"Mama, ano po ba yung sasabihin niyo sakin? Bakit kailangan pa nating umakyat dito sa kwarto ko?"

"Ah anak.. Kasi.. Nakakahiya pero.. Okay lang bang magbakasyon kami ni Papa mo?"

"Ha? Eh opo naman Ma! Yun lang pala eeh!"

"Pero anak.. Yung importante kasi ay yung kalusugan mo. Kung ayaw mong umalis kami ni Papa mo, hindi kami tutuloy."

"Ayos lang po ako Mama. Kaya ko naman na mag-isa rito."

"Yun nga ang pinaka-inaalala namin anak. Kaya naisip ko na pasamahan ka rito. Wag kang mag-alala. Kakausapin ko pa naman yung taong yun eh kaya di ko pa alam kung papayag siya o hindi. O sya anak. Bumaba ka na. Ay oo nga pala. Paakyatin mo naman si Nash dito."

"Sige po."

Hmm? Si Nash?

Bakit kaya?

Nakakapagod talaga mag-isip.

Makababa na nga lang.

"Nash?"

"Oh?"

"Pinapaakyat ka ni Mama. Andun siya sa kwarto ko. Pag-akyat mo jan, kumaliwa ka tapos sa dulo nun yung kwarto ko."

"Sige."

Nash's POV

"Tita?"

Ooh..

Ang linis naman ni Sharlene.

Grabeng kwarto to.

Parang di ginalaw.

"Nash iho! Halika. May gusto lang sana akong ipakiusap sayo kung pepwede."

Ano kaya yun?

"Eh ano po yun?"

One Life [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon