Chapter 12.2

614 14 1
                                    









Jairus' POV




"Alexa..."

"Ano?"

"San ka ba talaga nakatira?!"

"Hoy baliw! Ikaw nga tong naglalayo sakin sa bahay ko tapos tatanungin mo ko kung saan ako nakatira?! Malapit na nga tayo samin eh! Ilang kanto na lang, bahay ko na. Abnoy ka. Hinila-hila mo pa ko!"



Ha?
Di ba niya alam kung anong klase ng mga tao ang nakatira dun?!!
Tssss...



Di kaya dun talaga siya nakatira?
Gangster?
Pero.. Imposible eh..



"Basta.. Ughh.. Kailan ka ba lumipat jan? Wag mo na itago sakin. Base sa mga ikinikilos mo, alam kong di ka taga-rito."

Yumuko siya..

"Kanina lang rin.."

Nako! Nadale na..

"Ano?! Eh yung mga magulang mo asan? Andun ba sa bahay niyo?!"

"Oo. Bakit?"



"Drug dealer kayo?"

"Hindi noh!! Ba't mo naman nasabi yun?!"

Pag tumama ako, patay na..

"Kulay blue yung gate niyo? Number 126? Murang bili?"

"Haa? T-teka.. Pano mo..."




"Tch. Teka kukunin ko yung mga magulang mo dun. Bumalik ka sa school. Hintayin mo si Mika. Pag lumabas siya... Wag mo sabihin na andito ako ha. Pakihatid na rin yung kapatid ko samin. Tsaka.."




Gagawin ko ba?
O di gagawin?
Ang gulo...



Kailan pa ko naging martyr para lang sa isang babae?!



"May mga kapatid ka rin ba dun?"

"A-aahh... Wala. Only child lang ako.. Ano bang meron? Tsaka bakit mo susunduin yung mga magulang ko dun ha?!"

Wala talaga siyang alam..

"Paki-alagaan yung kapatid ko, Alexa. Ipagkakatiwala ko muna siya sayo. Ingatan mo siya ha. Mahal na mahal ko yun eh... Babalik ako. Basta mauna ka na dun!"

"T-teka!!"




Alexa's POV



"Kulay blue yung gate niyo? Number 126? Murang bili?"

"Haa? T-teka.. Pano mo..."

Ano bang meron sa bahay ko??
Eeh kakalipat ko lang dun...

"Tch. Teka kukunin ko yung mga magulang mo dun. Bumalik ka sa school. Hintayin mo si Mika. Pag lumabas siya... Wag mo sabihin na andito ako ha. Pakihatid na rin yung kapatid ko samin. Tsaka.."



Magulang ko...
Nahihirapan akong huminga sa mga nangyayari..
Ayoko ring magsinungaling pero..



"May mga kapatid ka rin ba dun?"

"A-aahh... Wala. Only child lang ako.. Ano bang meron? Tsaka bakit mo susunduin yung mga magulang ko dun ha?!"

Wag ka na lang umalis...



"Paki-alagaan yung kapatid ko, Alexa. Ipagkakatiwala ko muna siya sayo. Ingatan mo siya ha. Mahal na mahal ko yun eh... Babalik ako. Basta mauna ka na dun!"

Ha?!! Teka...
Ba't.. Ansakit..

"T-teka!!"



"Wag mo rin sasabihin sa kahit na sino kung asan ako ha! I love you babe! Papakasalan na kita pag nakabalik ako hehe!"

Tumakbo na siya...
Anong gagawin ko?!

"Jairus!! Sandali!!"

Hindi ko na nasabi...








Na mag-isa lang naman akong lumipat rito..








Babalik na lang ako sa school..
Pero ba't ganun?
Masama pa rin ang kutob ko..
Baka masyado lang akong nag-iisip..





Jairus' POV




Nakalimutan kong itanong yung pangalan ng mga magulang niya.
Shit.
Tae Jai..
Ano ba tong pinasok mo?!



Mukhang di na ko makakauwi pero bago ang lahat..
Kailangan ko munang iligtas ang mga magulang niya.
Only child lang siya kaya hindi ko pwedeng hayaan na mawalan siya ng magulang.



Malapit na ko..
Tahimik.. Nakakatakot.



Teka..
Nakabukas yung gate nila..
Papasok na ko...



Mika.. Kung di na ko makakauwi..
Wag kang malulungkot ah...
Hihingi na rin ako ng tawad kasi baka di kita makalaro mamaya..



May... May tao...
Nakatalikod na lalake..





"Excuse me po. Kayo po ba ang tatay ni Alexa?"





Alexa's POV




Andito na ko sa school pero...
Hindi ako mapakali...
Hindi ako mapakali...



Biglang kumikirot yung puso ko..



May sakit ba ko?



"Ate?"

"Mika! U-uuhm.. Sorry ah. Inutusan kasi ako ng kuya mo na bumalik rito para sunduin ka't ihatid sa inyo."

"............. Asan si kuya ko?"



Natakot ako bigla...
Ang lakas talaga ng kabog...

"A-aah.. Di.. Di ko alam eh. Bigla niya kong tinakbuhan pagkatapos niya yung sabihin.."



Sorry Mika...
Hindi ko kayang sabihin sayo...
Baka isipin mong pinagpalit ka tsaka bilin yun ng kuya mo.
Kahit na ayokong sundin.. Talagang nahihirapan ako na sabihin..



"Hmph! Talaga si kuya.. Abnormal.. Ate.. Laro tayo sa bahay namin! Kikidnapin muna kita habang wala pa si kuya ko! Heehee!"

"Haha! Sige. Hihintayin ko rin sana siya eh kaso nakakahiya."

"Okay lang yun!! Halata namang crush mo din si kuya eh!"



H-ha?!!
Eh... Hindi..
Uhm...



"Ikaw talaga Mika! Halika na. Uwi na tayo?"

"Sigee!"




----

Author's note:



Sorry. Nalate nanaman ako ng update.. :((

Hindi bumalik yung net namin kahapon eeh.xD

Patawaaaad!!


Next chapter will be NashLene na. :3

Sorry sa mga pabitin ah. :D




@pusongmamon44






One Life [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon