Chapter 10

767 22 2
                                    



Nash's POV



Buti na lang nakalagpas na kami ng 3rd floor bago siya umiyak.
At least rito sa 4th, wala pang nagkaklaseng 4th year.
General assembly kasi ng mga gagraduate ngayon.



Dito na lang kaya kami?
Kesa mahirapan pa si Sharlene umakyat.
Hmm.
Kahit papano medyo nailabas na niya ang mga luha niya.



May panyo ba ko?
Shit. Wala. Damit ko na lang.
Tutal basa na rin naman ng luha niya eh.



"Sharlene. Dito muna tayo sa 4th. Magpahinga ka muna tsaka... U-uuhm.. Pwedeng... Bumitaw ka muna? Kahit saglit lang."

"S-sige.."



Sharlene's POV



Grabe. Nakakahiya.
Kanina pa pala ako umiiyak.



!!!!!!!!!!!!


!!!!!!!!!!!!



Hu....
Huuuu....
Huhuhuhu-hubad..



Re-rape..
Inaaaaay juskoo pooo...
Nananawagan po ako sa lahat ng Santo!!
Iligtas niyo po ako huhuhuhu. Looooord!!



"N-nash!! Teka! H-hindi talaga maganda ang katawan ko a-ah. Jusko po. Wag please.... Wag po..."



Nash's POV



Aw!
Alam ko namang di ako gwapo pero..
Sobra na tong batang to..
Nakakasakit na nakakatawa.


"Sharlene. Teka nga rin! Mali naman yang iniisip mo eh! Hinuhubad ko lang tong uniform ko kasi basang-basa ng luha mo."

"A-aahh. Hahahaha! Sorry! Ganun pala yun. Sana sinabihan mo muna kasi ako."

Hahaha! Haii nako.
Hanggang kailan kaya ako magiging rapist sa mga mata niya?



Sharlene's POV



"Teka lang, Sharlene. Wag kang gagalaw."

"Hm?"

Dahan-dahan siyang lumalapit.
Jusko..
Ano nanaman ang gagawin niya?
Lagi na lang ako nagkakamali ng hinala.



Eh kasi naman....
Mahina ako, malakas siya, walang ibang tao rito, na-nakahubad siya, ma-ma..cho..
Gwapo...
.....ha?



Sharlene, ano ka ba?!
Ngayon ka pa nag-isip ng ganyan..



Kinakabahan na talaga ako..



"Wag kang gagalaw, Sharlene."

Yung boses niya....

"N-nash!"



Hinawakan niya yung braso ko..
Hn!!!! Juskoo...
Saklolo...
Hm.. Ha?
........



Pinupunasan niya yung mukha ko...
Gamit yung uniform niya...



"May sasabihin ka?"

"Sorry. Akala ko kasi..."

"Ano? Rape nanaman? Ang kulit mo rin eh noh? Hindi nga ako ganung klase ng lalaki. Ligtas ka pag akong kasama mo."

"Hindi mo kasi sinabing pupunasan mo lang yung mukha ko eh."

"Adik."



Nginingitian niya pa ko kahit na puro pambibintang lang ang ginawa ko sa kanya.
Nakakahiya talaga ako.
Gusto ko nang magtago.
Minsan na lang ako magkaroon ng kaibigan, may posibilidad pang mawala.




Nash's POV



May iniisip nanaman to.

"Oy. Lika na. Kumain na tayo."

"Haha! Sige!"

"Eh ba't ka tumatawa jan?"

"Kasi.. Rapist pa rin talaga ang tingin ko sayo... Manong."

"Aw! Bahala ka nga haha. Abnormal rin yang utak mo eh. Kain na tayo."



Tumungo siya't umupo na kami.
Sinimulan na namin ang pagkain kaso parang may mali.



Si Sharlene nakatitig.
Tinakpan ko na lang yung katawan ko ng uniform kaso di pa rin siya tumitigil sa kakatitig.
Nakakailang na.



"Ano nanaman?"

"Masarap kasi..."

Y-yung?
Napatakip ako ng katawan dun ah..
Ang weird talaga ng babaeng to.



"Masarap yung sisig... Sobrang sarap... Tatanungin ko lang rin sana kung giniginaw ka ba kasi basa yung uniform mo kaso nahihiya kong magtanong. Sorry talaga."

Ah hahahahaha!
Nahihiya pero nasabi naman niya.
Haii nako.



"Hindi ako giniginaw kaya wag ka na mag-alala jan. Malapit nang maglunch. Pupunta ako sa rooftop para patuyuin to para makauwi na ko bago nila ilock yung mga pinto."

Mukhang hindi niya nagustuhan yung sinabi ko.
Aling parte kaya dun?

"Hindi ka na ba papasok? Alam kong wala akong karapatang magtanong pero gusto ko sanang kasama kita sa pagpasok sa room."

"Natatakot ka bang lalayuan ka nila?"



"Oo eh. Kahit na matagal nang ganun ang kalagayan ko, hindi pa rin ako sanay. Pwede bang sumama muna sayo sa rooftop?"

Anong gagawin ko?
Hindi ko rin to pwedeng iwan dito.

"Baka mapagod ka kasi pag lumayo ka pa kesa yung bababa ka na lang tapos room na."

"Gusto kitang kasama Nash."



Hehe. Medyo misleading talaga to.
Kung ibang lalaki ang nakakarinig nito ngayon, tsss.



"Sige pero sabihin mo agad pag pagod ka na ha. Magkaliwanagan muna tayo. Hindi talaga ako papasok mamaya kaya kailangan mong kayanin mag-isa."

"O-o sige."



Sharlene's POV



Mukhang hindi niya gustong makipagkaibigan.
Pero kasalanan ko rin yun eh..
Kanina ko pa siya pinagbibintangang rapist.
Baka galit na siya sakin.



"Anong... Kailangan kong gawin para... Maging magkaibigan tayo..."

Yung mata ko..
Umiiyak nanaman...
Eh kasi...
Nalulungkot talaga ko...

"Wag ka ring pumasok ngayon kung gusto mo talagang maging magkaibigan tayo."

Ha?
Eeeeh.. Hindi pwede...
Hindi talaga....



"Wala na bang.. Ibang paraan?"

"Wala. Kung makikipagkaibigan ka sakin, kailangan mong gawin yun."

"Pag-iisipan ko muna..."



Anong gagawin ko?
Ayoko siyang mawala...
Pero napakaimportante ng pagpasok sakin.
Pag nag-absent ako.. Baka hindi nanaman ako pumasa.



Pangalawang ulit ko na to ng 3rd year..
Nagkukulang ako sa attendance kaya hindi ako pumapasa..



Kaya ba niya sinabi yun kasi...
Ayaw....
Ayaw niya talaga akong maging kaibigan?



"O. Gamitin mo muna to."

Hinagis niya yung uniform niya at pinampunas ko nanaman sa mga mata ko.




Nash's POV



"Anong... Kailangan kong gawin para... Maging magkaibigan tayo..."

Nako. Umiiyak nanaman siya.
Ako bang dahilan?
Ayokong maging dahilan...

"Wag ka ring pumasok ngayon kung gusto mo talagang maging magkaibigan tayo."



Mas mabuti siguro kung lalayo na lang ako habang maaga pa.
Habang pwede pa..
Alam ko namang di niya ipagpapalit ang pag-aaral sakin kaya ito lang ang maitutulong ko sa kanya.



Ang hirap niyang panuorin na umiiyak pero..
Haii. Ano bang meron sa kanya?



"Wala na bang.. Ibang paraan?"

"Wala. Kung makikipagkaibigan ka sakin, kailangan mong gawin yun."

Sorry Sharlene.
Ayokong matulad ka sakin.
Hindi ako yung taong magpapabuti sayo.
Para sayo lang rin tong ginagawa ko.



"Pag-iisipan ko muna..."

Ililigtas kita ngayon pa lang.
Mula sa sarili ko.
Sana maintindihan mo yun..

"O. Gamitin mo muna to."



Hinagis ko ang uniform ko.
Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha niya.
Ang hirap niyang panuorin ng ganyan.
Sana makahanap siya ng mabuting kaibigan rito.



"Salamat nga pala sa sisig, Sharlene."







----



Author's note:

Ang hirap nila panuoring nagkakaganyan huhuhu. :((
Most likely, tomorrow or sa Monday ang next update.

Comment kayo.
I wanna know what you guys think about it. :3




@pusongmamon44

One Life [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon